Chapter 05
Zai POV
PAGKARATING namin sa spring resort na sinasabi ni Elsa ay agad kaming nagtampisaw sa malamig na tubig.
Pakiramdam ko isa akong ibong malaya na basta na lang pinakawalan mula sa kanyang hawla. Masarap din pala minsan sa pakiramdam ang makalaya nang panandalian.
Minsan ko lang gawin ang tumakas sa poder nang aking evil step mom. Parang nakahinga ako nang panandalian. Walang maririnig na sigaw ni Tita Janeth.
"Zai, kunin mo ito. Zai, maglaba ka. Zai, magluto kana. Zai, ang tanga–tanga mo kahit kailan. Zai, maglinis ka nang bahay."
Ilang lang ang mga 'yan sa mga nakakabinging utos nang boses palaka ni Tita Janeth, sinamahan pa nang anak niyang si Myra na napakatulis ng boses.
Overnight kami, kaya mag–eenjoy talaga ako. Palinga–linga ako sa paligid marami–raming tao. Napapatitig ako sa mga babaeng andi–dito buti pa sila ang lakas ng mga loob nila para magsout nang two piece.
"Ma'am, bawal po ang naka–short at t–shirt." Sabi ng lalaking lumapit sa amin. Sabay nagsalubong ang mga kilay naming apat.
"Ang OA niyo naman, kuya , umaapaw ang bilbil ko," angal ni Love.
"Oo nga kuya!" segunda ni Dhel.
"Pasensiya na po ma'am. Rules po namin dito sa resort," pagpupumilit nito.
We have nothing to do about it kundi sundin ang rules. Umahon ako sa tubig naisipan kong magbihis na lang at wag na maligo. Hindi ko kaya ang magsuot nang bikini. Wala akong confidence sa mga ganyan.
Ngunit makulit si Elsa. Pumunta kami sa isang shop sa mga nagtitinda ng mga souvenir. May binebenta daw doon ng mga two–piece. Kami lang ang nasa loob. Inikot namin ang loob ng shop marami nga silang tindang souvenir. There are shirts, key chain and other things.
Nagtingin–tingin ako sa mga paninda nilang two–piece pero wala akong magustuhan kahit na isa o baka hindi lang ako marunong mamili. Natatakot ako sa body–shaming baka mamaya pagtawanan nila ako.
Gumawi si Elsa sa dulong bahagi ng isang rack. May kinuha itong pulang two piece.
"I think, bagay ito sa'yo, Zai."
Tinitigan ko ang hawak niya. Bahagya akong umiling hindi ako sanay magsout ng ganoong damit.
"Ano ka ba? Bagay sa'yo ito dahil makinis at maputi ka."
Tatangi pa sana ako nang bigla akong hilain ni Elsa. "Dali na, Zai." Pamimilit pa ni Elsa. Kulang na lang masubsob ako sa sahig nang itulak niya ako sa loob ng dressing room.
Napilitan akong isukat ang two piece. Kinagat ko ang pang–ibabang labi ko. Ilang minuto din akong nakipagtitigan sa salamin. I smiled, mukha naman siyang bagay sa akin. Lalong tumingkayad ang kulay ng aking balat. Sa huli, isinuot ko parin ang bathing suit.
I looked in the mirror again. I am satisfied with the result. Sinuot ko ang kulay puti ko na short na kaninang suot ko. Binuksan ko ang kurtinang tumatakip sa dresseng room.
"See! Pak na pak at bet na bet. Bagay na bagay sa'yo. Ano ang sinasabi ng Stacey na iyon?" Nakangisi ito.
Marahan ko siyang hinampas sa balikat.
"Sira ka talaga, ikumpara mo pa ako kay Stacey. Sobrang ganda kaya 'non at kung sa katawan wala tayong panlaban doon."
"Ano ka meron, noh? Atleast ikaw fresh na fresh. Si Stacey—ay ambot lang."
Natawa ako sa sinabi niya. Kahit papano biglang nagboost ang immune system ko. Kahit alam kong pampalubag loob lang iyon sa akin ni Elsa. Kumuha narin si Elsa ng bikini niya. Si Dhel at Love may sarili silang baon.
After naming bayaran ang pinamili namin ay muli kaming bumalik sa pinagpuwestuhan namin kanina. Tinanggal ko ang suot na short at lumusong sa tubig.
Nang maisipan kong umahon saglit, may kukunin lang ako sa cottage. Hindi sinasadyang napatingin ako sa lalaking nakatayo sa di kalayuan habang abala sa pakikipag–usap sa lalaking sumita sa amin kanina.
I blinked several times! Hindi ako pwedeng magkamali. Zane's eyes stared at me for a seconds. Kumaway ako at ngumiti pero agad din itong nag–iwas ng paningin. Napawi ang mga ngiti ko sa labi mabilis akong nagbaba ng paningin. Kahit na kailan talaga napakassuming ko.
Nakayuko akong humakbang patungo sa cottage namin para kunin ang sketchpad ko. May gusto lang akong iguhit may napansin akong falls kanina.
Habang naglalakad ako ang mga mata ko nakafocus lang sa ginuguhit ko. Nang maramdaman ko ang pagbangga ng aking sarili sa kung anong matigas na bagay.
"Aw, ang sakit naman!" Napaigik ako sa sakit nang may tumama sa ulo ko. Ang hawak kong sketchpad ay atomatikong natapon sa lupa. Muntikan pa akong mabuwal, pakiramdam ko bumangga ako sa pader. Mabuti na lang at may mabilis na kamay na nakapagpigil sa akin bago pa ako bumagsak sa lupa.
Agad yumakap sa akin ang kaaya–aya nitong bango. My palms were on his chest. Dahan–dahan akong nag–angat ng mukha. My eyes widened, i opened my mouth to say something. But whatever I was about to say was never uttered.
Ang balak kong sabihin na bitawan niya ako ay nakabinbin lang sa ere. Ang kamay nito ay nakapalupot sa aking bewang, ang dibdib naman nito'y tila Great Wall of China sa tigas. Dibdib na kay sarap sandalan.
Naramdaman ko muli ang abnormal na t***k ng aking puso. Ito na naman ako sa mga pantasya ko.
"Okay ka lang, Zai?" Tanong niya sa matabang na tono na sinamahan niya nang pagtaas ng kilay.
Nakatitig lang ako sa kanya. "Hey!" he snapped loudly. Napasinghap ako at tila nahimasmasan.
"O–Opo, D–Dok! O–Okay lang po ako." I stammered.
He smirk. "Yeah? You always stammered kapag kinakausap kita gayong hindi ka naman ganyan sa iba. What's wrong with you, Zai?"
Sinipat niya ako nang tingin mula ulo hangang paa. Nag–init na naman ang bawat sulok ng pisngi ko, nakakatuwa lang dahil nasa akin ang atensiyon niya. Doon ko lang din napagtantong naka two–piece lang pala ako.
Hindi ko pala naisout ang short na sout ko kanina. I swallowed! Pasimple akong napahalukipkip sa aking sarili, nakakahiya baka sa mga oras na ito nilalalait na niya ako. Nakakahiya talaga ako.
"Pasensiya na, Dok , nagulat lang po kasi ako." Yumuko ako para damputin ang tumilapon kong sketch pad ay siya rin pagyuko niya at hindi sinasadyang nagkauntugan kami ng ulo at halos sabay din naming nahawakan ang sketch pad.
Napabitiw ako nang maramdam ang init ng palad niya na tila nakakapaso na dumantay sa likuran ng palad ko.
"See! Relax, Zai. Ako lang toh?" Natatawang wika niya at inabot sa akin ang sketch pad.
"Sorry po, Doc. At salamat."
He shook. "No need to say sorry. But next time, Zai , tumingin ka sa dinadaanan mo nang hindi ka mabangga hindi iyong kung ano–ano ang ginagawa mo habang naglalakad. Okay lang sana kung matangkad ka atleast madaling makita at maiwasan. Ang liit mo pa naman, nakakatakot baka mabalian ka ng buto."
Tila may pag–alala sa mababang boses niya. Hindi naman siya tunog pangiinsulto kundi may tunog na paalala. At may kung anong dalang kilabot na dala sa puso ko.
Tumango ako sa kanya at nahihiya akong ngumiti. "I better go, Doc."
Akmang tatalalikod na ako nang muli siyang magsalit. "Pwede ba samahan mo akong magkape, Zai!" Tila may lambing nitong tanong sa akin. Napako ako sa kinatatayuan at halos hindi ko maigalaw ang dalawang binti ko. Nag e–echo sa pandinig ko ang sinabi niya. Bakit ba kaysarap nitong pakinggan? Para lang naman itong musika sa aking pandinig. Mas lalong lumakas ang pagtambol nang puso ko naguumapaw ito sa sobrang kagalakan.
Ako niyaya niyang magkape? Seryoso ba siya? Oh noh? Dahan–dahan akong lumingon sa kanya. Tinitigan ko siya nang mabuti at mukhang seryoso naman siya.
Hindi paman ako nakasagot. Hinawakan niya ako sa likod ng braso at inakay papalakad. Huminto kami na tila ba may hinihintay kaming parating. Hindi ko naman maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko nang madama ang mainit niyang balat na dumadampi sa balat ko. Panaka–naka'y tinitingnan ko si Zane. Hindi ko maiiwasan ang mapapangiti.
Seryoso siya at tila malalim ang iniisip. Ilang saglit lang may nakita akong paparating na parang golf cart. Huminto mismo sa harapan namin at bumaba mula doon ang isang lalaking nagmamaneho.
"Good afternoon, Doc." Masayang bati nito sa binata at ganoon din sa akin.
Tumango lang si Zane sa kanya at naupo siya sa kinauupuan ng lalaki kanina. "Get in." yaya niya sa akin. Walang mapagsidlan ang excitement ko.
My heart was pounding with joy.
Nag–aalangan naman akong ihakbang ang mga paa ko pasakay. Nakakahiya baka may makakita sa amin at kung ano–ano ang iisipin nila sa amin.
"Zai, Get in..." tila may inip ang tinig nito.
Medyo nataranta akong humakbang at napaupo sa tabi niya. Ngumiti pa siya sa akin si Zane bago niya pina–andar ang golf cart. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nilagpasan namin ang mga cottages at isang hotel, tinahak namin ang sementadong kalsada na kasya lang ang golf cart. Maraming puno ang nasa paligid at napapalibutan ng mga rolling hills. Kaygandang pagmasdan ng mga tanawin puro kulay berde ang kapaligiran.
Na mangha ako nang makita ang isang lawa, the lake must be beyond the hills at ng makapal at nagtataasang mga puno. Dumungaw ako sa ibaba habang tumatakbo parin ang golf cart. Sa ibaba may nakita akong kural ng mga kabayo.
Hindi lang ito basta isang spring resort kundi isa rin itong ranch farm. I loved the whole place instantly. Kaysarap tumira dito tahimik at magkakaroon ka talaga nang peace of mind. I couldn't wait to explore the verdant hills—soon.
Naalala ko tuloy ang tinitirhan namin noon sa Cagayan. Ang lugar kung saan kami lumipat noon ni Nanay. Napapaligiran din naman ng bundok subalit wala kaming sariling pag–aaring lupain maliban sa kinatitirikan ng bahay nila Nanay pero kailangan ibenta para sa gamutan ng aking ina. Nang maubos ang pinagbentahan ng bahay sa gamutan ni Nanay at namatay siya. Doon na rin nag–umpisang naging miserable ang buhay ko. Kahit nagkaganoon ang buhay ko hindi parin ako nawawalan nang pag–asa.
Parang ulan lang. There is always sunshine after the rain.
I took a deep breath. I felt as if i was belonged to this place...in Zane's life. And that I would love to spend the rest of my life here—sa feeling ni Zane. Bumuo nang pamilya na kasama ang lalaki.
Gusto kong batukan ang sarili. Where did that thought come from? Natatawa ako sa sarili ko. I silently groan! Katotohanan na hindi mangyayari kahit kailanman.
Hangang sa marating namin ang isang nabubukod tanging cottage sa lahat. Ito lang ang may kakaibang desinyo. Huminto si Zane sa tapat mismo at nauna siyang bumaba.
Looking around hindi ko mapigil ang mapahugot ng paghinga. Ang mga mata ko ay nangingislap sa sobrang pagkamangha. Hindi ito simpleng cottage lang kundi isang napakagarang resthouse. Resthouse na nasa gitna ng mga makakapal na puno at mga bulubundukin. The rest house was made of wooden beams and trusses, stones and cedar.
Sumunod lang ako kay Zane. Mas lalo akong nabighani sa ganda sa loob—siguro ang sarap maging mayaman? Kay swerte naman talaga ni Stacey kapag kinasal na sila ni Doc. Lahat nang meroon si Doc ay magiging pagmamay–ari niya.
Nagpalakad–lakad ako sa loob nang resthouse at tumingal sa kabuuan nito. Admiration all over my face.
"Do you like the place, do you?"
Tumango ako sa kanya. Nakita ko siyang titig na titig sa akin. Pero tumiim ang mga bagang ni Zane sa hindi ko maintindihan na kadahilanan. Nagbawi ako nang tingin at muling itinuon ang pansin sa paligid, napatakbo ako sa labas sa malaking sliding doot sa likuran nang makita ko ang isang malaking—parang spider web.
Ito ang nakikita ko sa social media. Na iimagine ko tuloy 'yong nakita kong magkasintahan na nakahiga sa ganito.
"Sobrang ganda, Doc. Ano 'yon?" Inosenteng tanong ko sa kanya sabay turo sa spider web na net.
He smiled playfully. "Love nest." He answered bruftly. "You can sleep or hang out while feasting your eyes on the beautiful surroundings."
"Kanina pagdating natin hindi ko maiwasan ang mamangha. Ito pa lang ang pinakamagandang lugar na napuntahan ko sa buong buhay ko," ani ko na nakangiti.
Nagsalubong ang mga kilay ni Zane at ipinilig ang ulo niya kaliwa't–kana and he shrugged his shoulder.
"So, do you find this place romantic?"
"Oo naman, Doc." Masigla kong sagot sa kanya. "Kung ako ang mabibigyan nang pagkakataon, gusto ko iguhit ang lugar na ito and it would be my masterpiece!"
Kumunot ang noo ni Zane sa huling sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit. "What do you mean?"
Napatingala ako sa kanya. Then I smiled shyly. "I got carried away. Sorry...hindi naman ako magaling—marunong lang konti."
"Explain the last thing you said," he commanded me.
Kaswal akong nagkibit ng mga balikat. "Marunong ako magdrawing. At pangarap ko rin pagdating ng araw magkaroon ako ng sarili kong exhibit. Kaya lang..." muli akong nagkibit ng mga balikat.
"Kaya lang ano?"
"I still have a lot to learn pagdating sa pag–guhit pero ang hilig ko talaga ang pagluluto gusto ko maging chef balang araw." Proud kong sabi sa kanya.
At lumalim ang kunot sa noo ni Zane. "Kaya pala sobrang hanga ka sa rest house na ito! Pwede mo naman pagsabayin ang hilig mo at ang gusto mo at the same time."
I dimpled at him. "Oo naman!" Sagot ko na lang pero ang totoo hindi iyon. Kundi siya ang pangarap kong kasamang tumira dito. Nakakahiya naman kong sasabihin ko pa.
Humakbang ako palapit sa web net. Nakakailang hakbang na ako nang may kumatok sa pintuan. Bumukas ito at may dalawang babae ang dumating at isang lalaki. May dala sila maaring ito 'yong kape na sinasabi ni Zane. Nilapag nila ang mga dala sa isang mesa na nasa gilid nang pool.
Hindi ako mahilig sa kape pero base sa mga hitsura nito mukha silang nakakatakam inumin. Hindi ko kilala kung anong klaseng kape ang mga ito dahil sanay lang ako sa itim na kape—mostly iyon lang iniinom ko walang coffee mate. Mukhang sosyalin na kape may pabula–bula sa ibabaw. May kasama pang mga tinapay na mukhang masarap kainin—hindi ko rin kilala dahil isa lang ang paborito kung tinapay ang "Putok". Mas masarap iyon at siksik ang laman.
Dahil nakaramdam ako ng konting gutom, nauna na akong naupo. Hinila ko ang isang upuan at naupo. Dahan–dahan ang ginawang pag–upo naman ni Zane sa harapan ko.
"Anong kape ito?" Hindi ko napigil itanong sa mga nagdala nito.
"Ice coffee at Red eye coffee po ma'am?" Nakangiting sagot ng isang babae.
Natapalan ko ang aking noo. May nalalaman pa silang ice coffee at red eye ito lang naman ang nilalagyan ng ice at nilalagyan ng gatas sa taas. "Ah... ito 'yong nilalagyan ng ice, tama ba ako?" Bulalas ko.
Natawa sa akin si Zane. Nakakahiya talaga ang mga pinagagawa ko. Inalis naman nito ang magkasalikop na palad sa mesa saka ako tiningnan. He sipped his coffee.
Tumawa lang sila sa sinabi ko. Kahit ako ay natatawa na rin sa katangahan ko. I sipped my coffee in silent.
"May gusto akong ipakita sa'yo. Dahil babae ka i will ask your opinion about this. Gusto ko kasing ibigay ito kay Stacey."
Napahinto ako sa pag–inom ng kape ko and my eyes wide nang makita ang dinukot ni Zane mula sa kanyang bulsa.
A black square box. Ayoko isipin na tama ang hinala ko. Ito na siguro ang mga sinasabi ni Love noon sa canteen.
Pumintig ang puso ko nang sobrang bilis pakiramdam ko tumakbo ako sa marathon nang napakabilis. Ang mga mata ko ay namimigat parang gustong tumulo ang mga luha, kinagat ko ang pang–ibabang labi ko upang pigilan ang mga ito na wag umagos.
Ang sakit naman nito. Niyaya lang pala niya ako dito para ipakita sa akin ang gusto niyang ibigay kay Stacey at hihingi pa talaga sa akin nang opinyon. Para naman akong isang experto sa tinatanong niya.
"Gusto kong magproposed kay Stacey. Dahil wala akong ibang babaeng nakikitang gustong pakasalan, makasama habang buhay at magiging ina ng mga anak ko—kundi si Stacey lang." Aniya na puno ng pagibig sa bawat salitang binitawan.
I smiled even my heart is aching. Nangangatog ang mga tuhod ko sa matinding sakit ng dibdib ko.
Binuksan niya ang box. Kumislap ito kasabay nang matamaan ng liwanag ang diamond ring na nilabas ni Zane mula sa loob ng box. Malaki ang bato nito at kumikinang sa ganda mukhang mamahalin. Sunod–sunod ang paglunok ko ng aking laway. Aaminin kong naiingit ako. At nasasabi ko na sana ako na lang.
"A–Ang...G–anda po...Dok...sobrang ganda tiyak h–hindi matatanggihan ni Stacey ang proposal niyo..." gumagaralgal ang boses ko sa pagpipigil ng mga luha ko.
"You think?"
"Oo naman..." agaran kong sagot, pinilit ko ulit ang ngumiti sa kanya. Matatamis na ngiti ang namutawi sa mga labi ni Zane. Nakikita ko sa mga mata ni Zane ang wagas na pag–ibig sa kasintahan.
Pag–ibig na sana akin na lang.
My eyes becomes misty. Ang sakit sa mata at lalo nasa dibdib ko. Pasimple akong tumingala sa papadilim nang kalangitan. Kumurap–kurap ako para mawala ang pamamasa ng mga mata ko.
Hindi ko napansin na lumapit ang isang babae at may nilapag na mainit na kape sa mesa. Sakto pagyuko ko hindi sinasadyang nasagi ng isang kamay ko at nabuhos ito sa mismong hita ko. Napatayo ako bigla sa gulat dahil mainit–init pa ito.
Na agad naman akong dinaluhan ni Zane upang tulungan. Pero balewala sa akin ang sakit at hapdi kumpara sa nararamdaman ko.
Mas mahapdi at masakit ang naramdaman nang puso kong sawi. Pakiramdam ko namamanhid ang buong katawan ko.