Chapter 07–Naligaw

2870 Words
Chapter 07 Zai POV LUMINGON ako sa taong humawak ng braso ko. Biglang nawala ang expectation ko. Why am i hoping? "Ma'am, naiwan niyo po ang purse niyo," sabi sa akin ng waiter. Binitawan niya ang braso ko at tanging tango lang ang naitugon ko nang abutin ko ang purse mula sa kanya at tumalikod na agad ito. Pasimple akong tumingin sa kinaroroonan ni Zane. I stare at him longer. Abot tenga ang mga ngiti sa labi ni Zane. Masayang nakikipagkamay ang binata sa mga lalaking nag–uusap sa tabi ko kanina. Mukhang mga circle of friends niya ang mga ito or more than that, mukhang magkakilala na sila sa matagal na panahon. Agad akong nagbawi ng mga mata nang makita kong tumingin siya sa direksiyon ko. Binaling ko ang mga paningin sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko parang nakalimutan na yata nila ang presensiya ko, mukhang nageenjoy sila sa company nang tatlong amerikano na mabilis nilang nakagaanan ng loob. Hahayaan ko na muna sila upang masulit ang maikling bakasyon namin dito sa resort. I smiled a little before i turned back. I sighed heavily when i got out of the bar. Bago ko tuluyang ihakbang ang mga paa ko palayo sa bar. May tama na ako nang alak. Halos hindi ko na matahak nang maayos ang daan nagpasuray–suray ang lakad ko pabalik sa aming cottage. Dumudoble ang paningin ko at may pagkablurry ang mga ito Huminto ako sa paglalakad nang makaramdam ako ng papatak–patak na ulan sa balat ko. Tumingala ako sa kalangitan natatakpan nang maiitim na ulap, nagbabadya ang pagulan. Nakalayo na ako sa maingay na parte ng resort at hindi ko na napansin kung saan na ako nakarating. May nakita akong bench naisipan kong maupo lang muna. Kampanteng isinandal ang aking likuran sa sandalan at pumikit. Ilang segundo ang pinalipas ko nang muli akong nagmulat at tumingala sa kalangitan napakurap–kurap ang mga mata ko nang maramdaman ang patak ng mga ulan sa mukha ko. "Damn, Rain!" Inis na bulalas ko. Tumakbo ako para maghanap ng masisilungan. Ngunit wala akong mahanap. Madilim ang parteng napuntahan ko. Lumalakas na ang ulan at nababasa na ako. Hindi ko na alam kung saang lupalop na parte ako nang resort. May narinig akong malakas na paglagabog mula sa aking likuran pero hindi ko pinapansin. Mas tinuon ko ang aking atensiyon sa paghahanap ng masisilungan. "Tssk! Saan naba ito?" Nangingilkig na ako sa lamig. "Naliligaw na yata ako?" Puro mga naglalakihan na puno ang mga nakikita ko sa tuwing dumaan ang kidlat. Sumukob ako sa ilalim ng malaking puno pero mas lalo akong nilalamig. Palinga–linga ako sa paligid magbabasakali na may mahihingan ng tulong. Sino ba ang magaakala na ganito kalawak ang resort na ito. Bakit kasi may nalalaman pa akong paiwas–iwas? Hindi lang ito basta iwas—talagang iniligaw na ako. Nakakainis. Basang–basa na ako. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko sa kaba baka kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Siguro naman walang masamang tao sa lugar na ito, sigurado akong safe ang lugar na ito. Bahagya akong natakot para kasi itong napanood kong pelikula, ganitong–ganito ang lugar. Paano kung may biglang lumabas na dinasour dito? At kinain ako. Napabuntong–hininga ako, kung ano–ano ang naisip ko. "Ano bang klaseng resort ito? Bakit parang nasa isolated area naman?" Pagmamaktol ko. Muli akong luminga sa paligid pero wala parin akong nakikitang tao. Sobrang lakas na nang ulan, walang parte ng katawan ko ang hindi nababasa. Nawala bigla ang grogginess na nararamdaman ko kanina. Umalis ako sa pinagsisilungan at muling lumakad. Para na akong basang sisiw na naglalakad sa makitid pero sementadong daan. Isang busina ang nagpaigtad sa akin. Lumingon ako pero bahagya akong napapilig dahil nasilaw ako nakatutok sa akin ang ilaw. Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang kamay. Bumaba ang nagdrive at lumapit sa akin. Kahit papano nakahinga ako ng maluwav. "Saan po kayo pupunta, Ma'am?" Tanong nito sa akin at naka–uniforme pa. Maaring empleyado ito ng resort. Tuluyan nang nawala ang takot ko nang marinig ang magalang na tanong nito. Napagtanto kong sakay ito ng golf cart. "Naligaw po ako, Sir. Hindi ko na alam ang pabalik sa cottage namin." "Malawak po kasi ang resort na ito, kung hindi mo po kabisado talagang maliligaw po kayo. Under Construction pa po dito na area pinapadevelop pa lang ni Doc. De la Costa." Hindi na ako nagulat pa sa narinig. Noong nakita ko ang resthouse kanina, sigurado na ako na siya ang may–ari nitong resort. "Sumabay na po kayo sa akin, Ma'am. Patungo ako sa resthouse ni, Doc , ihahatid ko lang itong alak na pinapakuha niya sa akin. Maaga po kasing umalis ang mga kaibigan niya kanina kaya naisipan niyang bumalik agad sa resthouse niya." "Ah...Eh...Wag na lang ho." Tanggi ko. Nakakahiya kung sasama ako. Baka kung ano ang sasabihin ni Zane sa akin. Saka iiwas na ako, diba? Bakit pa ako lalapit–lapit. "Halina po kayo, Ma'am. Basang–basa na po kayo?" Mabilis nitong tinungo ang golf cart at may kinausap sa cellphone. Ako naman ay nanginginig na sa lamig habang yakap–yakap ang sarili ko. Isang minuto siguro ang lumipas bago ako tinawag. "Ano ang pangalan niyo, Ma'am?" "Z–Zairah..." nanginginig ang mga labi ko sa matinding lamig. Tumango lang ito at muling kinausap ang nasa kabilang linya. "Sandoval po ba, Ma'am?" Dagdag niyang tanong. Tumango–tango ako. "Sumabay na lang daw po kayo sa akin. Baka daw kung saan pa ho kayo mapunta." Itinuro nito ang bakanteng upuan sa tabi niya. Ayaw ng isip ko pero iba ang sinasabi nang katawan ko. Saka basang–basa na ako. Kailangan ko na makapagpalit baka magkakasakit pa ako. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa golf cart. "Secretary po pala kayo, Doc?" Tipid akong ngumiti sa kanya. "Hindi talaga ako pinalitan ko lang sandali 'yong totoong secretary niya." "Ah! Swerte niyo po, Ma'am..." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Saan ako naging maswerte? Kung alam niya lang kung gaano ako kamalas sa buhay, hindi niya masasabi ang salitang iyan. "At bakit---naman?" "Kayo palang ang kauna–unahang babae na dinala ni, Doc , sa resthouse niya." Natawa ako. "Correction hindi niya ako dinala, ikaw ang magdadala sa akin at makikisilong lang ako..." pagtatama ko. "Diba, ikaw ang sinama niya kanina?" "Oo, pero may pinakita lang siya." Tumango–tango ito. Tila hindi kumbinsido sa sinabi ko. Napangiwi naman ako. Kalalaking tao napaka–malisyoso. Akala ko babae lang ang mga tsismosa pati rin pala mga lalaki. Marami pa siyang kinuwento pero hindi na ako nakinig pa wala rin namang kwenta. Dumadagdag lang sa panlalamig ko ang mga sinasabi niya. Puro Stacey ang naririnig ko, nabibingi na ako sa pangalan ni Stacey. Natanaw ko ang magarbong reathouse ni Zane makalipas lang ang ilang minuto. Pumarada ito sa harap mismo. Mula sa ikalawang palapag may nakita akong lalaking nakapamulsang nakatanaw sa amin. Pagtingala ko nakita ko si Zane wala kang makita na kahit na anong reaksiyon, agad akong nagbaba ng mga tingin. Nahihiya ako sa kanya baka masama ang iniisip sa akin. Hindi na ako bumaba mula sa Cart. Sasabay na ako sa lalaki sa pagbalik niya. Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan. Nakasuot ng khaki short si Zane at polo shirt na puti na nakabukas lahat ng butones sa gitna. Napalunok ako at nag–iwas ng tingin. "Bakit hindi ka bumaba, Zai?" Walang emosyon na tanong niya sa akin. "Hindi na po, Doc. Babalik narin ako sa cottage namin. Baka hinahanap na ako nila Elsa..." alibi ko. At hindi ko mapigilan ang manginig sa lamig. "You're shaking. Wag matigas ang ulo, Zai. Bumaba kana at makapagpalit baka magkasakit kapa." Parang hinaplos ang puso ko sa narinig tila may hagod sa damdamin. Alanganin akong sumunod sa kanya. "Use the bathroom upstairs in my room. Maligo ka, after mong maligo kumuha ka na lang ng damit ko sa closet," sinuyod niya ulit ako ng tingin. "Kasya na sa'yo siguro ang t–shirt ko, bakit kasi ang liit mo?" Aniya na tila inuuyam ako. Parang tunog lait sa pandinig ko. Ano naman ngayon kung maliit ako? Big deal ba iyon sa kanya? Sa bagay kung itabi ako sa kanilang dalawa ni Stacey magmumukha talaga akong duwende sa tangkad ba naman nila. May konting kirot sa dibdib ko ang sinabi niya. Sinamangutan ko siya. Padabog akong umakyat sa kwartong sinasabi niya. Hindi naman ako naligaw dahil nag–iisa lang naman ang kwartong andito sa taas. Marahan kong binuksan ang pinto. Pagkapasok ko pa lang sa loob sumalubong na sa akin ang napakabangong amoy. Ang silid ay banayad ngunit kapansin–pansin. It expressed the man himself. Kahit ang scent ng silid ay pag–aari ni Zane, of woods and limes. Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. The design was very masculine. Ang ceiling to floor na pinto ay yari sa kuwa–kuwadrong salamin na nakaframe sa mga bakal na itim. Mula roon natanaw ko ang labas, dito ko kanina nakita si Zane bago bumaba. Hindi makapaniwalang humakbang ako patungo roon at binuksan ang french door. Malamig na hanging ang sumalubong sa akin at mga pisik–pisik ng mga ulan. Ang maliit na terasa ay nakatanaw sa isang gubat, sa pamamagitan ng mga pakidlat–kidlat sa dako pa roon natatanaw kong may mga rolling hills. Ang lake na nakita ko kanina ay tanaw na tanaw ko mula rito. Dumungaw ako sa ibaba at nakita ko ang spider net na nakita ko rin kanina. At kahit walang magsabi, natitiyak kong nature lover si Zane. Parang lumulutang ako ngayon sa ere sa hindi ko maintindihan na damdamin kaysarap isipin na andito ako ngayon. Bumalik ako sa loob ng kwarto at naupo ako sa pagkalambot na kama. Hinaplos ng mga palad ko at dinama. Ano kaya ang pakiramdam kapag dito ako mahiga? Katabi ang lalaking hinangaan ko at lihim kong minamahal. Pero kailangan kong magpigil sa aking sarili sa pagiilusyon. Dapat kong isaisip palagi na isa lang akong basahan kung ikukumpara sa nobya niyang si Stacey. I was not even passable to his taste. Ang mas mabuti ay pagigihan ko na lang ang aking trabaho at nang hindi nakakahiya kay Zane. Doon man lang mapansin niya ako. Umiling ako. Nagmadali akong pumasok sa banyo upang iligo itong mga ilusyon ko. Pagkatapos kong maligo saka ko lang mapagtantong walang tuwalya dito sa loob ng banyo. At naalala ko, wala din akong underwear. Paano na ito ngayon? Ano ang ipamamalit ko. Hindi ako pwedeng lumabas dito na nakahubad? "Zai, you done?" Sigaw ni Zane mula sa labas. "Nagpadala ulit ako ng coffee baka gusto mo. Tamang–tama malamig at malakas ang ulan and food also." "Doc, tumawag ka nga sa rescue 911!" Sigaw ko mula sa loob ng banyo. Dinaan ko na lang sa biro ang kaba na nararamdaman ko. "Why?" "Nakalimutan kong magdala ng towel at damit dito." "Iyon lang pala, eh , ikuha na lang kita ng tshirt ko dito." "Salamat po, Doc." Ilang saglit akong naghintay. Naririnig ko ang pagbukas ng closet at yabag na papalapit sa banyo. "Open it. Here, wear my shirt. Pati towel, i don't have extra towel here kinuha lang kanina ng mga taga–linis." "Pwede na po ako bumalik sa cottage namin, Doc , after this." Ani ko ng bahagya kong buksan ang pinto, nilabas ko ang isang kamay. "Saka na. Sobrang lakas ng ulan. Isout mo muna ito at bumaba ka after. Pwede kana man bukas bumalik sa cottage niyo." Kinuha ko ang towel at tshirt mula sa kamay. Tila kumuryente sa kaibuturan ko ng masagi ko ang kamay niya. Pakiramdam ko lutang na lutang na ako ngayon. I opened my mouth to say something pero nakakarinig ako ng mga yapak papalabas ng kwarto. I sighed deeply. Habang dinadampi ko sa basa kong katawan ang puting towel ni Zane ay hinahagkan–hagkan ko iyon. Ang amoy ni Zane ay nanatiling andoon pakiramdam ko kayakap ko na rin siya. Ganoon din ang T–shirt niya bagama't alam kong oversize para sa akin ay excited akong isuot ito. Pakiramdam ko ay nadama ko na rin ang init ng katawan ni Zane. Na yumakap sa mainit kong katawan. "Oh, Zane! Why?" Usal ko na parang wala sa sarili. Sumandal ako sa likod ng pintuan. PAGKATAPOS kong magshower lumabas ako ng banyo at bumaba. Naabutan ko si sa sala watching news. I cough. "Mukhang may bagyo," sabi ko para kunin ang atensiyon niya. "Yeah. Sabi sa news. Sana tumigil na ito, palakas ng palakas ang ulan dahil tiyak mahihirapan tayong makabalik sa bayan. Masyadong madulas ang daan at umaapaw ang isang ilog na madadaanan pabalik," sabi niya habang nakatitig sa kabuuan ko, which made me feel a little bit uneasy and nervous. Napapansin kung medyo namumungay ang mga mata ni Zane at bahagyang namumula ang kanyang mga pisngi. Nahagip ng mga mata ko ang alak sa tabi niya. Puro ito wine in cans. Sinundan niya ang paningin ko. "You drink? Pampatulog lang..." Hindi pa ako nakasagot ng abutan niya ako ng isang can. "Don't worry, Zai. Hindi naman tayo maglalasing. Naisip ko lang uminom, kanina sana pero maagang umuwi ang mga kaibigan ko. Dalawa sa kanila may pamilya na at si Josh ang boyfriend ni Hannah. Napansin kita kanina pero bigla kang nawala." Aniya na namumungay na ang kanyang mga mata. Ramdam kong lasing na siya. Ilang can na ang nakabukas. "Tama na po sa akin itong isa..." He smiled. "Cheers!" Itinaas nito ang hawak na Can. Ganoon din ang ginawa ko. "For my friendship with you. You are not just my secreatry but you are also my friend." Parang hiniwa ang puso ko sa narinig. Friend? Iyon at iyon. Talagang hangang doon lang. Friend? "Do you...love her?" Tanong ko sa malamig na tono. Ngumiti si Zane. "Not just love, i love her with all my heart. Si Stacey ang dahilan kung bakit ako masaya. Siya ang babaeng pinangarap kong makasama habang buhay. Wala ng iba kundi siya lang at siya lang..." madamdamin niyang wika. Napayuko ako tila ba may bumara na kung ano sa lalamunan ko. Pakiramdam ko ang hirap–hirap huminga. Wala sa sariling binuksan ko ang laman ang alak sa lata at diniretsong lagukin ang laman nito. Balewala sa akin ang pait parang gusto ko narin magpakalunod sa alak. "You, Zai? Nagka–boyfriend kana?" Kulang na lang mailuwa ko ang ininom ko sa katanungan niya. Kahit nagulat ako dinaan ko na lang sa tawa. Paano ko ba sasabihin sa kanya na siya ang gusto kong maging boyfriend. Na lihim ko siyang minamahal. "Medyo tipsy na ako, Doc, saka inaantok na ako," dahilan ko para ibahin ang usapan. Pero hindi ko alam kung saan ako matutulog. Baka dito na lang siguro sa sopa. "No, hindi mo ako puwedeng iwan ditong mag–isa," nakangiting tutol niya. Nang tumayo ako sa kinauupuan para pumunta ng banyo ay pinigil niya ang isang kamay sa braso ko. Akala siguro niya ay aalis ako. Ngunit pupunta lang naman ako ng kusina maghahanap ng maiinom na malamig na tubig. Baka sakaling mayroon doon. "I said, dont leave me here..." he commanded. "Iinom lang po ako ng tubig, nauuhaw po ako—" Ngunit nawalan ako ng panimbang dahil hinila niya ako. Muntik na akong bumagsak sa sahig. Mabuti na lamang at sa kandungan niya ako napaupo. Nagkatawanan kami. Subalit abot–abot langit ang kaba ko sa posisyon naming dalawa. Ang awkward lang naman. "Okay, sige na , uminom kana may malamig na tubig sa loob ng ref," aniya na inalalayan pa akong muling tumayo. Nagpatuloy lang ito sa pag–inom. Agad akong magtungo sa kusina para uminom ng tubig sumilip ako sa maliit na bintana. Malakas parin ang ulan tila walang balak huminto. Pagbalik ko. Nakita ko ang pagsunod–sunod na pagtungga niya ng alak. "Ta—" "Let's dance," agap niya sa sasabihin ko at bigla niya akong inakbayan. "Lasing na kayo, Doc. Matulog na tayo." "I'm just groggy pero alam ko ang ginagawa ko, Zai. May naalala lang ako noon. May nakilala akong batang babae, hindi ko siya kaedad mas matanda ako ng ilang taon sa kanya," he smiled na tila may lungkot. "We used to do this before. Naalala ko pa, naglalaro kami sa ulan i always consider her as my bestfriend and my savior. She always save me and she's my light in my darkest path..." he groaned like a wounded animal. Tumingala siya sa taas at napahimas sa kanyang batok. "But she left and i don't know where she is right now." He said sadly. Bigla akong may naalala sa sinabi niya. Ganoon kami noon ni Tope. Kapag uulan niyaya niya akong maligo at sumayaw para kaming mga timang. Umiling ako. Malabong si Zane iyon—napakagwapo nitong kaharap ko, kumpara kay Tope. Long hair, may braces dahil sungki–sungki ang ngipin. Malabong maging doktor dahil dalawang beses bumalik ng grade six. Makikita kay Tope na wala itong hilig sa pag–aaral. Saka basagulero si Tope laging putok ang labi 'nun kapag umuuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD