Chapter 9

1150 Words
MAHIGIT isang buwan siyang hindi nakarating doon kaya hindi na niya napigilan ang pananabik na makarating sa gitna. Tuwang-tuwa nagtatakbo siya sa gitna ng parang na parang bata. Ang mga ibong nakadapo sa d**o at mga paro-parong nakadapo sa mga bulaklak ay nagsisiliparan sa lahat ng kanyang madaanan. Isa iyon sa gustong-gusto niyang senaryo. Bukod sa mga bulaklak ay pugad din iyon ng iba’t-ibang klase ng mga ibon at mga makukulay na paru-paro. Mabango sa buong paligid dala ng pinagsama-samang uri ng bulaklak, hamog, at d**o at iba’t-ibang uri ng halamang naroon. Gaya ng dati ay tuwang-tuwang nakipaghabulan siya sa mga ibon at paru-paro. “Ang ganda dito hindi diba?” malakas ang boses na sabi niya kausap si Perry. “Maganda. Magandang-maganda.” Narinig niyang sagot nito. Nang tingnan niya ito ay abala na ito sa pagkuha ng litrato. Pero nahinto siya sa ginagawa ng makitang siya ang kinukuhan nito. Tinanggal nito ang camera sa harap ng mukha nito ng tumigil siya. “Napakaganda mong tingnan sa gitna ng lugar na ito kasama ng mga ibon at paru-paro. Hindi ko mapakawalan ang ganito kagandang tanawin kaya kailangan kong kunan.” Anito habang nangingislap ang mga matang nakatunghay sa kanya. Napalunok siya. “K-Kanina ka pa ba kuha ng kuha diyan?” Pilyo itong ngumiti. “Nakuhan ko lahat ng ginagawa mo kasama ng mga bulaklak, ibon at paru-paro.” Sa sinabi nito ay muling namula ang mukha niya. Bago pa siya makapagprotesta ay nakunan nanaman siya ng binata sa ganoong itsura. “You’re so beautiful. Tuloy ay gusto ko ng magkaroon ng sariling photo exhibit dahil sa mga kuha mong ito.” anitong pinasadahan ng tingin ang mga larawan niya sa camera. Nakagat niya ang ibabang labi. Inilibot nito ang tingin sa lugar. “This place is so beautiful…. And peaceful… narerelax ang pakiramdam ko. Hindi ko inakalang mayroong ganitong lugar na nag-eexist. Madalas ay sa pelikula lang mayroong ganito at inaayos pa ang set-up. This place is natural. A made of God.” Tumingin ito sa kanya. “At lalong gumanda ang lugar dahil sa presensiya mo.” Uningusan na niya ito. “Kanina mo pa ako pinupuri Perry. Baka maniwala na ako niyan.” Tumalikod siya. Pinakawalan ang kanina pa gustong kumawalang ngiti sa kanyang labi. Kanina pa niya pinipigilan ang kilig sa paulit-ulit nitong pamumuri sa kanya. Hindi ito sumagot. Naramdaman niya ang paglapit nito. “Riki…” tawag nito sa kanya. Dahan-dahan siyang pumihit paharap dito. Muntik pa siyang mapaurong ng makitang isang hakbang nalang ang pagitan nito sa kanya. Nakita niya ang isang kulay pulang bulaklak na kasing laki ng piso na hawak nito. Kumilos ang kamay nito patungo sa kanyang teynga. Maingat nitong inilagay ang bulaklak sa kanyang teynga saka inayos ang buhok niya. “You have no idea how beautiful you are Riki… hindi mo alam kung ano ang nagagawa mo sa isang kagaya kong lalake. You can make us fall sa isang ngiti mo lang. Napaksuwerte ko dahil ako ang kasama mo dito ngayon. At kung huhulaan ko ay wala ka pang ibang nakasamang pumunta dito.” anito habang pinagmamasdan ang buong mukha niya. Hindi niya nagawang kumurap man lang dahil sa paraang ginagawa nitong pagtitig sa kanya. Hindi niya napigilan ang nagsimulang pagkabog ng kanyang dibdib at ang bumilis na t***k ng kanyang puso. “Sabihin mo, may iba ka na bang naisama dito?” halos paanas nalang na tanong nito. “Wala…” parang wala sa sariling sagot niya. Tumikhim siya. “W-wala. Wala pa akong naisamang kahit na sino dito.” sagot niya habang diretsong nakatingin sa mga mata nito. Ngumiti ito pero hindi nagkomento. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya ng tumitig ito sa kanya. Dahil parehong hindi nagsalita ay nagkaroon ng katahimikan sa paligid. Namalayan niyang nagtititigan nalang sila. Umangat ang kamay nito at humaplos sa kanyang pisngi. Pakiramdam niya ay nanayo ang kanyang mga balahibo sa buong katawan sa simpleng paghaplos nito. Para siyang kakapusin ng hininga dahil pigil-pigil niya ang paghinga. “Gusto kitang makilala Riki… at hayaan mong ipakilala ko din ang sarili ko sa iyo…” mahinang sabi nito habang titig na titig sa kanya. Sa tingin niya ay naglabasan na ang lahat ng daga sa dibdib niya dahil sa lakas ng kabog doon. Sinubukan niyang kontrolin pero kasabay ng pagkabog ng kanyang dibdib ay ang malakas na pintig ng kanyang puso. “Perry…” “Ssshhh… please don’t say anything yet. Alam kong hindi ka sanay sa ganitong sitwasyon. Hayaan mo lang akong ipakilala ang sarili ko sa ngayon.. iyon lang muna ang hihilingin ko sa iyo…sa ngayon…” Nakita niya ang kasinseruhan sa mukha nito. At bakit ba tila kayhirap nitong tanggihan? Bago pa siya makapag-isip ay napakawalan na niya ang isang matamis na ngiti para dito. Napangiti na din ang binata sa naging sagot niya. Nang muli ay kumilos ito upang kuhanan ulit siya ng litrato. Tuluyan na siyang natawa dahil sa mga iniaakto nito. “Hindi ko gugustuhing mapuno ng mukha ko ang memory ng camera mo Perry.” Natatawang pahayag niya. “I would love to do that Riki. In fact, wala akong pakialam kung puro mukha mo ang maipon dito.” anitong iniangat ang camera. “More memories to come?” Ilang saglit bago siya nakasagot. “More memories to come.” Ilang sandali pa ay naging abala na itong muli sa pagkuha sa paligid. Ilang beses na kinuhanan siya nito sa iba’t-ibang anggulo. Tuluyang nilamon ng katuwaan sa paligid at sa presensiya ng binata ang hiyang nadarama niya sa tuwing kukunan siya nito. Hiniram niya ang camera nito at nagpaturo kung paano gamitin iyon. Na malugod nitong ipinahiram at itinuro sa kanya. Nang makakuha ng pagkakataon ay ito naman ang kinuhanan niya. Sa halip na tumanggi ay nagpose ng pose ang binata. Ang iba ay stolen kagaya ng ginagawa nito sa kanya kanina. Ilang kuha din nilang magkasama ang nakunan nito. Pagkatapos ng sandamakmak nilang kuha ay basta nalang nitong ibinagsak ang katawan sa gitna ng mga bulaklak. Ganoon din ang ginawa niya ilang hakbang ang layo dito. Napansin iyon ng binata at kumilos ito upang tumabi sa kanya. Nagbigay ito ng kaunting distansiya na ikinatuwa niya. Naramdaman niya ang paggalang nito. Pareho silang tumitig sa papawalang araw sa kalangitan at ninamnam ang katahimikan ng paligid. Pagkatapos ng ilang sandali ay ito ang bumasag ng katahimikan. Tumingin ito sa kanya at tinanong kung papaano niya nakita ang lugar na iyon. Ikinuwento niya ang engkuwentro nila ng matanda hanggang sa matuklasan niya ang lugar na iyon. Maliban sa taong maisasama niya doon pagdating ng araw. Ayaw niyang ipaalam dito ang tungkol. Ayaw niyang mag-isip ito ng kung ano-ano kagaya na lamang ng naiisip niya ng mga sandaling iyon. Kung si Perry ang bukod-tanging naisama niya doon, ito nga ba ang lalaking magkakaroon ng malaking puwang sa kanyang puso? Hindi niya alam. Hindi din siya aasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD