Chapter 7

1600 Words
MAINGAY sa loob ng palengke. Samu’t-sari ang mga boses na kung saan-saan nanggagaling. Halo-halo ang amoy ng mga tao, gulay, isda, karne at iba pang maaring itinda. Sa puwesto ng mga magulang ni Riki ay naroon siya ngayon kasama ng mga ito sa pagtitinda. Wala siyang pasok sa trabaho kaya minabuti muna niyang samahan ang mga magulang sa umagang iyon. Maya-maya ay uuwi din siya para maghanda ng kanilang hapunan. Kasalukuyang inilalagay niya sa supot ang mga gulay na binili ng isang mamimili sa kanila ng biglang may magflash na ilaw sa harap niya. Gulat siyang nag-angat ng tingin. Napaawang ang bibig niya ng makita si Perry na kinukuhanan siya ng litrato sa gamit nitong DSLR camera. Nasa tapat ito ng puwesto nila. Para namang nakakita ng artista ang mga tao sa paligid at biglang nagkaroon ng munting katahimikan. Nang tanggalin nito ang camera sa mukha ay napasinghap siya. Wala ng marka ang pasa nito sa pisngi at ngayon ay kitang-kita niya kung gaano ito kaguwapo. Para itong naligaw sa lugar na iyon. “Hi Riki!” simpatiko itong bumati sa kanya. Muli niyang naramdaman ang pagkabog sa kanyang dibdib na nagsimula ng makilala niya ang binata. Bumaling ito sa kanyang mga magulang. “Magandang umaga ho Mang Kris, Aling Mona.” Bati nito sa kanyang mga magulang. Kagaya niya ay mukhang nabigla din ang mga ito sa biglang pagsulpot doon ng binata pero nagawa pa ding bumati ng mga ito. Ang tatay niya ay mabilis na nagliwanag ang mukha samantalang ang kanyang nanay ay napatingin sa kanya. “H-Hi P-Perry…” nauutal niyang bati habang hindi iniaalis ang tingin dito. Narinig niya ang mahinang komosyon sa paligid. Nang igala niya ang paningin ay nakita niyang nakatingin ang halos lahat ng tao sa binata na tila balewala lang naman dito. Nagulat siya sa bigla nitong pagsulpot. Hindi niya alam kung bakit ito naroon ngayon o sadyang naligaw nanaman ito doon. Pagkatapos nitong maghapunan sa kanilang bahay ay sa susunod na araw ng Sabado pa niya inaasahan na muli itong makita. Pero heto at narito ngayon sa tapat ng tindahan niya ang binata. Bigla nanaman itong sumulpot ng basta-basta. Sandali lang siyang nagulat sa pagsulpot nito at maya-maya lang ay hindi na siya aware na nagliwanag ang kanyang mukha habang nagningning ang kanyang mga mata pagkakita sa maaliwalas na ngiti ng binata. “Ang guwapo naman ng bago mong manliligaw Riki! Sagutin mo na kaagad siya. Baka makawala pa!” narinig niyang sigaw ng isang lalaki sa isang puwesto. Sumunod na nagkantiyawan ang mga naroon. Namula ang mukha niya sabay yuko. Tumawa ang binata at magalang na bumati sa lahat. “Hindi ko ho siya manliligaw…” nahihiyang sabi niya sa mga ito. May mga hindi naniwala habang ang iba naman ay tinukso siya. Lumapit siya sa binata. “Pasensiya ka na sa mga sinasabi nila.” Aniya dito pagkuwan. “It’s alright. Madalas bang may magpuntang manliligaw mo dito?” Nahihiyang ngumiti siya. “Anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihing naligaw ka nanaman.” Sa halip ay sabi niya. “Nabanggit mo noong nakaraan na ngayon ang restday mo. Nagpunta ako sa bahay niyo pero walang tao. Sabi nandito ka daw sa puwesto sa palengke niyo. Hinanap ko itong puwesto at malayo palang ay nakita na kita.” anitong hindi nawawala ang kislap ng mga mata. “Nagpunta ka sa bahay? Bakit?” napuno siya ng kuryosidad. “Ang alam ko ay bayad na ako diyan sa atraso ko sa’yo. At sa susunod na Sabado pa ang laro.” Binistahan niya ang mukha nitong may pasa. May munti pa palang pangingitim ang pisngi nito pero hindi na iyon masyadong halata kung hindi titingnang mabuti. Muli siyang sinundot ng kanyang kusensiya. “I know.” Anitong napakamot sa batok. “Gusto ko lang makipagkuwentuhan sa’yo if it’s okay. Naisipan ko kasing lumabas ngayon at nakakainip minsan ang mamasyal mag-isa so I thought of you. But I can see that your busy right now….” Sumulyap ito sa kanilang puwesto. “Gusto mong makipagkuwentuhan sa akin?” sa halip ay tanong niya. “Yes. To be honest, I’m enjoying your company. Kahit na tinamaan mo ng bola ang mukha ko sa first meeting natin.” Pahayag nito. “Okay lang ba kung habang nakabakasyon ako dito e bubuntot-buntot ako sa’yo?” Nasamid siya. Parang iba ang dating niyon sa kanya. “Sa akin? Bakit sa akin?” “Like I said, gusto kitang kausap. Gusto ko din ang kambal, madaldal sila, at si Gerom, mukhang magkakasundo kami. At wala akong kilala dito sa inyo kundi kayo lang maliban sa kapatid ko at sa asawa niya…” parang pahabol nalang ang mga huling salitang sinabi nito. Tumaas lang ang isang kilay niya at hindi nakapagkomento. Napakamot ito sa batok. “At sa maniwala ka o hindi, nagpapasalamat ako na tinamaan ako ng bola mo, nakilala ko kayo… nakilala kita.” sumeryosong pahayag nito. “Parang sinabi mo na ‘yan nung nakaraan ah.” Iningusan niya ito. Alanganin itong natawa. “Well, iyon kasi ang totoo.” Hindi kaagad siya nakasagot. Saka niya naalalang may mga mata palang nakatingin sa kanila at nasa gitna sila ng palengke. “Sandali lang ha, magpapaalam lang ako kina nanay. Doon nalang tayo sa bahay.” “No. It’s okay. Kung busy ka ay babalik nalang ako.” Agap ng binata. “Sige na anak, samahan mo muna si Perry. Kami na ang bahala ng nanay mo dito. Ipasyal mo itong bisita natin.” Agaw ni Mang Kris sa pag-uusap nilang dalawa. Alanganing nagsalita ang binata. “Nakakahiya naman ho Mang Kris, naistorbo ko ang anak niyo. Pwede naman ho akong bumalik ---.” “Aba’y dapat nga na nagpapahinga siya sa bahay ngayon pero biglang sumulpot dito.” putol ni Mang Kris sa binata. “Hala sige, ipasyal mo siya anak dito sa atin.” Taboy nito sa kanila. Nang mapatingin siya sa kanyang ina ay marahan itong tumango-tango habang may munting ngiti sa labi. Nagpapasalamat siyang bumulong dito. “Sige na Riki! Samahan mo na si Sir Guwapo. Aba’y baka may iba pang makabingwit sa kanya kapag hinayaan mong may ibang sumama sa kanya.” Anang isa sa mga natitinda sa katabing puwesto. Nagsunuran ang narinig nilang kantiyawan. Ang iba ang nagpahayag na bagay silang dalawa. Malapit na siyang magkulay kamatis sa hiya. “Tumigil na kayo at hiyang-hiya na ang anak ko. Aba’y bihirang mangyari na pumayag siyang sumama sa isang paanyaya.” “Tay!” bulalas niya. Hindi akalaing maging ito ay tutuksuhin siya. Magaan talaga ang loob nito kay Perry. “Hindi nga ho nanlliligaw sa akin si Perry. Nakakahiya!” Tumawa ang binata sa naging reaksiyon niya. “Hindi naman ho siguro magiging masama kung ligawan ko ang anak niyo Mang Kris? Aling Mona?” Napanganga siya sa sinabi ng binata. “P-Perry… a-ano bang sinasabi mo?” “Nagpapaalam na ang mamanugangin mo Kris! Aba’y sabihin mo sa dalaga mong bilis-bilisan ang pagsagot.” Isang may edad na lalaki naman ang nagsalita. Nagkatawanan ang mga naroon. Maging si Perry ay mukhang tuwang-tuwa sa nangyayari habang siya ay pulang-pula na. At mukhang game din ang tatay niyang nakikitawa habang ang ina niya ay iiling-iling na ngingiti-ngiti. Hiyang-hiya na siya at nahiling niyang sana ay lamunin na siya ng lupa. Sa totoo lang ay iyon ang unang beses na nahiya siya sa harap ng mga ito. Hindi na bago kapag may mga lalaking napapadaan sa puuwesto at irereto sa kanya pero mukhang stand out sa lahat si Perry at halos buong palengke at gusto itong ireto sa kanya. “Walang magiging problema sa amin kung ligawan mo ang anak ko, binata. Basta huwag mo lang siyang paiiyakin dahil kahit pilay ako ay hahabulin kita ng mga gulay ko.” Muling nagkatawanan ang buong paligid. Naitakip na niya ang dalawang kamay sa mukha. “Hey, hindi ka dapat mahiya.” Anang binata sa kanya. Naramdaman niya ang kamay nitong humawak sa kanyang braso. Napaiktad siya sa munting kuryenteng nanulay doon. Nang tanggalin niya ang mga kamay sa mukha ay nagsalubong ang kanilang paningin. Kitang-kita niya ang panunudyo sa mga mata nito. Maliban doon ay mayroon pa siyang nababasa na hindi lang niya masyadong matukoy. Fondness ba iyon? “Paanong hindi ako mahihiya e kung ano-ano ang sinasabi nila? Ikaw naman kasi bigla-bigla kang sumusulpot dito. Kung ano-ano tuloy ang iniisip nila.” Tumawa ang binata. Sa pagkabigla niya ay inakbayan siya nito. “Kung gayon ay hihiramin ko ho muna ang dalaga ninyo Mang Kris, Aling Mona. Huwag ko kayong mag-aalala. Maayos ko hong ihahatid ang anak ninyo.” Nawala saglit sa paligid ang atensiyon niya. Kundi nasa mga braso at kamay nitong nakaakbay sa kanya. Naparalisa ang katawan niya. Iyon din ang unang beses na maakbayan siya ng lalaki – na wala siyang kahit anong relasyon. Kahit ang sagot ng tatay niya ay hindi na niya masyadong naintindihan. Para siyang naging tuod sa pagkakaakbay nito. Napatitig siya dito habang nakikipagtawanan ito sa mga naroon. “Let’s go?” Boses ng binata ang nagpagising sa sandali niyang pagkatulala. Hindi niya nagawang tumugon. Basta nakatitig lang siya dito. “Riki?” untag nito at kumalas sa pagkaka-akbay. “Ha?” nagising siya. Isang nanunudyong ngiti ang lumitaw sa binata. “Tara na? Para makadami tayo ng papasyalan?” Wala sa sariling tumago-tango. “S-sige…” Nagpaalam ito sa kanyang mga magulang at parang artistang kumaway sa mga tao doon. Siya naman ay nahihiya pa ding nagpaalam sa mga magulang. Dinig pa nila ang patuloy na tuksuhan ng mga ito habang naglalakad sila palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD