Chapter 3

4671 Words
Sabi nga nila .. You'll never know what life is until it grows inside you . At yun ang gusto nyang malaman .. what life is to have her own child .. her own , but the best version of herself . Naiimagine pa nga lang nya na buntis sya sobrang saya na ng nararamdaman nya .. kaya hindi na sya makapag hintay na matupad iyon sa lalong madaling panahon Lumapad ang ngiti ni arisse bago hinapit ang kaibigan upang kayapin ito . "I'm so happy for you kath ! " humigpit ang yakap nilang dalawa "Thank you arisse ... thank you at naiintindihan mo ako" Nakangiting sabi ni kath . "Anything for my best friend .." sabi ni arisse .. Napatingin naman sila muli sa Monitor ng laptop at may isang profile na binuksan ni arisse . Lumapad ang ngiti ni arisse at kumindat kay kath "I think we found the dadey !!" Tiling sabi ni arisse sa kaibigan at niyakap ito .. Tiningnan ni kath ang profile na binuksan ni arisse . At tiningnan ang pangalan ng donor . "Daniel ?? " mahinang sabi ni kath ng mabasa ang pangalan nito . . "Yes .. and that hottie will be the daddy ! Gosh !! I'm so excited !!" Sabi ni arisse na tila hindi mapakali sa sobrang tuwa . Bumungisngis si kath "Yes ..Me too!" Sabi ni kath bago napahaplos sa kanyang sinapupunan.  ---- "Seryoso ka !! ??? Kumuha ka talaga ng Sperm Donor !" Gulat na tanong ni Lex ng bangitin sa kanya ni kath ang tungkol sa plano nito na magpa artificial insemination .. . Kasalukuyang nagpapahinga sya ngayun sa clinic dahil kakatapos lng nyang mag paanak ng pasyente kanina . May nahanap na kasi syang donor at na email na nya ito ,hinihintay nalang ang reply upang mapagkasunduan nila kung kelan magaganap ang artificial insemination sa kanya . Kaya sinabi nya na kay lex ang tungkol dito . "Oo nga .. bakit masama ba ? "Sabi ni kath habang nakaharap sa laptop nya Lumapit si lex sa kanya habang nakapamewang . "Gaga naloka lang ako .. kasi nga diba ? Ayaw mong mag jowa tapos ngayun gusto mong magkaanak ? " Sabi ni lex at umupo sa upuan na pang pasyente . "Mag kaiba naman yun . Di bale ng walang jowa basta sure ako na hindi akontatandang magisa .. saka para saan yung mga pinaghirapan at pinundar ko kung hindi naman ako magkakaanak diba ??.. basta magka baby lang ako solve na talaga ako .. " sabi ni kath bago napatingin sa papel na hawak nya . " sure ka na ba talaga ? Bat di ka nalang kasi maghanap ng jojowain na bubuntis sayo .. malay mo yun nadin ang forever mo hindi mo na kailangang isarili ang magaalaga sa bata .. naku mahirap maging single parent ah ! Sinasabi ko sayo " pag kukumbinsi pa nito sa kaibigan . Pero umiling si kath .. ilang beses na nyang pinagisipan to at para sa kanya buo na talaga ang desisyon nya . "I'm sure na talaga lex .. di bali ng maging Single parent kesa maging single forever .. kahit wala akong katuwang atleast may anak akong makakasama . Saka ayoko ng sakit ng ulo .. kung hihintayin ko pang mgjowa kelan pa?? Pag tuluyan ng naexpire ang matris ko ? " sabi ni kath sa kaibigan kaya napabuntong hininga ito . "Kung sa bagay ... tama ka .. mahihirapan ka na talagang magbuntis pag pinatagal mo pa ." Sabi ni lex kaya napangiti si kath sa kaibigan . "Kath I'm so happy for you!! Nako ! Deserve mo talagang magkababy ! Sana girl ! Para gagawin kong barbie ." Magiliw na sabi ni lex kaya napatawa si kath .. "Thank you lex .. pero saka na tayo matuwa pag nandyan na at buntis na ako . . Haha"tuwang sabi ni kath Napapalakpak naman si lex na tila mas na eexcite ito sa dalaga "grabe doc !! Excited na talaga ako !! Haay ." "Kung excited ka ? Ano pa kaya ako diba .??haay grabe .. hindi na ako makapaghintay lex .. gusto ko na talagang magkababy " sabi ni kath at napasapo pa sa kanyang sinapupunan .. Totoong hindi na sya makapaghintay kaya nga hindi din sya mapakali at laging inaabangan na ma verify ang request nya ng International Medical Doctors . para sa sperm na idodonate ng donor nya .. medyo strict din kasi ang medical team dahil sinisigurado nila na nasa tamang kundisyon ang donor at wala itong anumang sakit bago matuloy ang insemination . Kaya halos 2 araw na syang nakaabang sa email nya . "So ano na te .. ano ityura nung donor ?? Ano yummy ba ?" Tanong ni lex kaya natawa si kathryn . "Nakita ko na yung picture nya kaso hindi ko na save bes .. pero I can say na He's good looking ... and Daniel ang name nya " sabi ni kath kaya napangiti si lex . "Ano ? Yummy ? Sa tingin mo ba pasado na .. papables ba ang datingan ?" Tanong pa nito kaya natawa si kath "Papasa ba kung hindi.. . Base dun sa profile nya .. he's 30 yrs old , single , 6'1 and height nya.. may pagka fillam sya .mahilig sya sa sports ang car racing .. tapos may business sya dito and outside the country .. wala din syang any history ng anumang sakit and malinis din medical history both side parents nya . One thing pa wala syang kahit anong bisyo .. at sa lahat ng donor na nakita ko ..sya talaga ang pinaka matino" sabi ni kath sa kaibigan na tila kumikintab pa ang mata at nakatingin sa kanya .. "Shet doc !! Base sa sinabi mo mukhabg papables parang may abs at mukang daks .! Naku bakit di ka nalang makipag s*x sa kanya para maenjoy mo naman bago ka mabuntis ." Asar ni lex kaya nahampas sya ni kath . "Loko ka .. edi parang binugaw na nila yung tao . .." natatawang sabi ni kath "So ano kelan na ba itatanim ang punla dyan para malaman natin kung kelan aanihin ?" Tanong ng kaibigan kaya napabuntong hininga si kath .. "Hinihintay ko pa yung verification eh sana nga tumawag na . Kasi kakatapos ko lang thursday .. ilang araw nalng mag oovulate nako kaya sana magemail na . "Sabi ni kath kaya napabuntong hininga din si lex . Ilang saglit lang ay parang dininig ng dyos ang hiling nito at biglang narinig nya ang laptop nya hudyat na may bago syang email kaya dali dali nya iyong binuksan .. Nanlaki ang mata nya ng malaman na email iyon galing sa IMDC na vineverify na ang kanyang request for his Sperm donor .. " God !! Lex !! Eto na !!! " sabi ni kath kaya dali dali syang nagreply .. "Anong sabi kelan daw ..?" Tanong ni lex kaya napaisip si kath .. "Wait i cacalculate ko lang .. ako magsasabi kung kelan eh ." Tiningnan ni kath ang kalendaryo upang icheck kung kelan ang araw na mismong fertile sya bago tumugon sa laptop upang replyan ang email na natangap nya . Ilang saglit lang ay napangiti si kath at isinara ang laptop nya . "Lex ..transfer 100k from my account to IMDC and please clear all my schedule this upcoming saturday 1pm onwards and set an appointment to doc lia gusto ko sya ang humawak sakin at dito mismo sa clinic ko gagawin ang artificial insemination.. lets get ready !! Dahil tuloy na tuloy na talaga to lex !!! Magkakababy na talaga ako !" Excited na sabi ni kath . Niyakap naman sya ni lex ng mahigpit at halos mapatalon sila sa sobrang tuwa . . Dumaan ang ilang araw at halos ilang gabi hindi nakatulog ng maayos si kath sa sobrang excited .. sa ilang araw na naghintay sya ay wala syang ginawa kundi magbasa ng mga maternal book kahit isang OB naman sya.. hindi nya alam pero iba ang pakiramdam nya habang nagbabasa sya ng mga libro about sa pagbubuntis o article about sa mga first time moms . Kasi yung ginagawa nya ay hindi nalang para sa mga pasyente nya kundi para sa kanya .. Halos wala syang ginawa kundi kumain ng masusustansyang pagkain .. medyo nilalayo nya din ang sarili sa stress upang maging healthy sya at madali syang mabuntis . At sa wakas ..pagkatapos ng ilang araw na paghihintay ay dumating nadin ang sabado .. ang araw na kanyang pinakahandaan . Alas dose palang ng tanghali ngunit naka bihis na sya ng hospital gown para sa procesong gagawin sa kanya ngayong araw na ito.. ang dapat ngang halfday nyang walang clinic hours ay naging whole day dahil kahapon pa sya hindi mapakali at excited para sa araw na to . Kanina pa sya palakad lakad sa clinic at tila hindi makapag hintay na mag ala una . Kinakabahan sya at the same time ay sobrang excited nya .. Hindi nya alam kung san nangagaling ang tuwang nararamdaman nya .. alam nyang posibleng hindi maging successful ito ngunit umaasa pa din sya na magtagumpay ang gagawin sa kanya . " lord !! Sana Malulusog at mabibilis ang mga sperm ng donor ko ! Lord parang awa nyo na ngayun nalang ako hihiling sa inyo .. sana naman maging successful ang gagawin sakin ni doc lia .. sana lord magbunga .. please lord parang awa nyo na ..ibigay nyo na sakin ang baby na matagal ko ng pinapangarap .. please lord ! Maraming maraming salamat in advance !"mahinang dasal ni kath habang nakapikit ang mga mata nya at napatingin sa crus na nakasabit sa dingding ng clinic nya . "Ui ! Relax ka lang dyan .. para ka ng maiihi dyan .. " sabi ni lex na kanina padin excited . "Lex .. ganto pala yung feeling no ?? Dyusko !! Ngayun alam ko na yung kaba ng mga pasyente ko pag i aartificial insemination sila .. grabe .. sana talaga lex ! " sabi pa ni kath bago hinawakan ang kamay ng kaibigan . Nanlalamig ang kamay nya sa kaba ngunit para namang sinisilhaban ang pwet nya sa sobrang tuwa . "Naku ako excited nadin .. wag kang magalala !! Si Doc lia ba naman gagawa . Naku magaling magpunla yun si madam .. walang sayang kaya relax ka lang .. " sabi ni lex kaya sabay silang napangiti ni kath .. "Lex sana nga " sabi ni kath ng may malapad na ngiti sa mga labi .. "O sya .. pumasok ka na dun sa loob mag aala una na .baka padating nadin ang sperm mo . " sabi ni lex kaya agad na pumasok si kath sa kwarto kung saan gagawin ang artificial insemination sa kanya . . . "Hello pat .. oo mamaya nalang ako susunod dyan dahil may lakad ako ngayun eh .. sige sige .." sabi ni dj bago ibinaba ang cellphone at isinilid sa kanyang bulsa . Matapos nyang ipark ang sasakyan ay agad syang pumasok sa hospital kung saan sya mag papatingin . "Boss ? San yung mga clinic dito ng mga gynecologist at Fertility specialist ? " tanong ni dj sa nurse na nasa information desk "Sir sa may 2nd floor po . Pag labas nyo ng elevator kakaliwa po kayo tapos sunod sunod na po yung mga clinic na hinahanap nyo " sabi ng kausap nito "Salamat " paalam nito bago dumeretyo na sa elevator . Gaya ng sinabi nito ay kumaliwa si dj at may nakita na nya ang OB/ GYN at Fertility Specialist lumapit sya sa info desk sa bungad at nagtanong sa isang nurse na abala na nagbabasa ng records.. " good afternoon miss ... saan ang clinic ni Dra.Andy Vergara ?" Tanong ni dj kaya napatingin sa kanya ang nurse na tila kuminang pa ang mga mata "May appointment po kayo sir?" Tanong nito at tumango si dj . "Meron .. ah Daniel John Ford .. nagpa sched ako ng sched sa kanya kahapon for fertility check " sabi ni dj at tumango naman ang nurse . " ah yes .. Mr.Ford ... " may kinuha ang nurse na tila isang vial . "Umakyat lang si Dra sa pasyente nya sa taas pero binilin ka na nya samin .. bale sir ito na po yung vial . Need po ng sperm nyo po for sperm count test makesure po sir na walang matatapon. May Cr po dito sa gilid tapos after po deretyo na po kayo sa clinic ni dra sa Bandang dulo tapos iaabot nyo nlng po yung vial dun sa assistant nya . " sabi ng nurse na tila namumula pa ang pisngi bago ngumiti sa kanya . Tinangap naman ni dj ang vial at ngumiti pabalik sa nurse . "Sige salamat " sabi ni dj bago umalis "Ang pogi naman nun" rinig nyang sabi ng nurse ng hindi pa sya nakakalayo kaya napangisi sya . Matagal na nyang alam na pogi sya kaya nga nabighani ang girlfriend nya sa kanya . Ang Katherine Claire nya .. nung una kath ang tawag nya sa kasintahan kaso simula nung sumikat na ito sa pag momodel at claire na ang ginamit nitong pangalan at ayaw ng magpatawag ng katherine . Hindi din alam ni dj ang dahilan pero hindi nya padin maiwasan na tawagin ito sa firstname nito dahil yun ang nakasanayan nya .. saka di nya alam pero gandang ganda talaga sya sa pangalang kath . Pumasok sya CR na panlalake na tinuro sa kanya ng nurse Kakaiba ito at mukang comportable di katulad sa ibang CR na napasukan nya . Pumunta sya sa may toilet at tila nagulat sa mga magazine na nanduon . Mga mens magazine na nakalagay sa bookstand sa gilid . Kung sabagay hindi na sya magtataka dahil mahirap ng namang mag mariang palad ng sapilitan para lang kumuha ng sample ng sperm . Pero dahil mahal na mahal nya ang girlfriend nya hindi nya na pinansin ang mga magazine Sinimulan nyang Buksan ang pantalon at ibinaba iyon at sinimulang hawakan na ang kanyang sarili . Ng matapos ay yinakpan nya ang lalagyan bago naglinis na .. Sinara nya ang pantalon at pinunasan ang pawis sa kanyang mukha .. Binalot nya pa ang vial sa isang tissue at lumabas na sa CR . Sabi nung nurse ay dumeretyo nako sa clinic Naglakad sya patungo sa clinic na nasa dulo ng hallway ngunit tila naguluhan sya kung saan doon dahil dalawa ang clinic na nasa dulo .. Di bale magtatanong nalang ako . Kumatok sya sa clinic na nasa kanan .. pinihit nya pa ang pinto ngunit nakalock ito . Di kaya dito yun ..? Lumingon sya sa isang pinto at sumilip doon .. may nakita syang isang lalakeng nurse na nasa loob kaya kumatok sya bago pinihit ang pinto at pumasok . "Good afternoon .. pwede bang magtanong ... ? Hm dito ba yung..? "Ikaw ba si Daniel??" Tanong ng nurse na hindi man lang pinatapos ang sasabihin nya Tumango si dj "oo ako nga si daniel ..may appointment ako ngayun .." at natuon naman ang pansin ng nurse sa vial na hawak nya .. kumunot ang nuo ni dj ng makita ang malaking ngiti sa mukha ng nurse . "Daniel !! . Good afternoon po sir daniel .. ah opo .. yan na po ba yung sperm ?" Tanong ng nurse at tumango si dj "Oo eto nga .. binigyan nako ng vial kanina doon at sabi dumertyo nalang ako dito ." Sabi ni dj kaya mas lalong lumapad ang ngiti ng nurse sa harap nya . "Ay opo sir .. akin na po yan at kanina pa po hinihintay yan ni doc . " sabi pa nito at inabot naman sa kanya ang vial na hawak nya " ako nga po pala si Nurse Lex .. sir maupo po muna kayo .. ipapasok ko lang po to doon sa loob .. wait nyo lang po na matapos si doc then kakausapin ka po nya " sabi ng nurse kaya umupo si daniel sa couch na nasa clinic .. amoy bamboo scent ang clinic dahil sa candle burner na nasa gilid kaya tila nakaka relax ang lugar . Pinalibot pa nya ang paningin sa maganda at masinop na clinic habang hinihintay ang doctor na titingin sa kanya . .. . . . . Pumasok si nurse lex ng may malapad na ngiti sa loob ng silid kung saan naghihintay ang kanyang boss na si kath na ineexamine ni doc lia . Napabaling ang tingin ng dalawang doctor kay lex na itinaas taas pa ang vial na hawak nya . "Nandito na ang t***d na pupuno sa pukels mo doc!" Sabi nito kaya napahalakhak si doc lia sa kabrutalan ng bunganga ni lex . "Huy lex mahiya ka nga kay doc . " sabi ni kath na nakahiga sa examination bed at nakataas ang mga binti nito "Sakto .pwede na tayong magsimula " sabi ni doc lia at iniabot ni lex ang vial sa doctor . "Grabe doc ! Sobrang puno !! Sure boll na yan ! Sa dami nyan malabong di ka talaga mabuntis ." Sabi ni lex kaya napangiti si kath .. "grabe kath sobrang pogi naman pala nung donor mo ! Di ako prepared ! Grabe ! Dapat talaga nakipag s*x ka nlng sa kanya eh.. kasi sa dami nung sperm malamang malaki ang kargada nun" sabi ni lex kaya natawa nanaman si doc lia na inilalagay na ang mga sperm sa isang rengilya na ipapasok sa loob ni kathryn "Manahimik ka nga dyan .. .. lex .. eto na .. grabe kinakabahan ako " sabi ni kath kaya hinawakan ni lex ang kamay ng kaibigan .. "Kath relax lang ... eto na yung hinihintay mo .. grabe friend excited na ako .. pag papray natin na may mabuo talaga .. " sabi ni lex kaya napangiti si kath "Thank you lex .. o sya lumabas ka na dun mamaya makita mo pa pukels ko .. basta ikaw muna umasikaso kay daniel . Alukin mo ng kung ano .. saka sabihin mo hintayin nya lang ako at kakausapin ko sya " sabi ni kath kaya tumango ang kaibigan .. Lumabas na si lex at tumuon naman ang pansin nya kay Doc Lia na nakasuot ng surgical gloves at may hawak na malaking rengilya na gagamitin sa kanya .. "Okay kath .. ready ka na ba ??" tanong ng doctor sa kanya at tumango naman si kath . "Readyng ready na doc " sabi ni kath at tumango ang doctor . Naramdaman nya pa na ngimiti si doc lia kahit naka mask ito . Inayos ng doctor ang pagkakahiwalay ng mga binti nya at medyo bahayang itinaas ang kanyang pangupo upang maelevate ito at maiwasan na lumabas ang mga sperm na ilalagay sa kanya.. "Okay ilalagay ko na .. doc kath hingang malalim .. medyo masakit lang to at virgin ka pa pero hindi naman masyado " sabi ng doctor kaya tumango si kath . Huminga ng malalim si kathryn at Maya maya naramdaman ang malamig na rengilya na pumasok sa pwerta nya kasunod nun ay bigla nyang naramdaman ang mainit na likido na dumaloy papasok sa kanya Napapikit pa sya ng tila makaramdam ng kakaibang sarap na dulot ng mainit na mga katas na pumupuno sa kanya . At maya maya ay dahang dahang hinugot ng doctor ang rengilya na ipinasok sa kanya . Hindi nya naiwasang maging emosyonal sa nararamdaman . Hindi nya napigilan ang mumunting luha na pumatak sa mga mata nya papunta sa pisngi nya Eto na ang hinihintay nya .. May posibilidad na magdalang tao na sya .. "Humiga ka muna dyan at wag ka munang tumayo .. hayaan mo lang na naka elevate ang balakang mo para dumaloy ang sperm .. wag kang magalala dahil malaki ang chance na mabuntis ka at maging successful to .. dahil sa bukod sa ngayong araw ka mismo fertile ay mukang healthy ang sperm ng donor mo .. sa makatuwid sa sobrang dami ng sperm nya sure na mabubuntis ka talaga " sabi ni doc lia at hinimas pa ang braso nya . "I'm so happy for you kathryn " . . "Hi sir daniel .. um ano pong gusto nyo ..water ? icedtea .? Coffee? Ano po?" Magiliw na sabi ni lex sa binata pagkalabas nya ng silid kung nasaan si kathryn .. "Ah hindi .. okay lang ako .. hintayin ko nalang si doc dito " sabi ni daniel bago nginitian si Nurse lex Nagtataka talaga sya sa nurse kung bakit ngiti ito ng ngiti sa kanya .. na aakwardan sya sa kinikilos nito . Hindi nya alam kung napapacute ito sa kanya o ano .. pero kahit na ganun pinilit nya na hindi nalang ito pansinin.. Bumalik ang isip nya sa bagay na bumabagabag sa kanya .. Sana naman lord hindi ako baog .. Di ko alam gagawin ko kung malaman kong baog ako .. Maawa kayo sakin lord gusto ko po talagang magkaanak kaya please !! Please lord !! Sana hindi po ako baog . Mahinang Panalangin ni dj habang nakatingin sa crus na nakasabit sa dingding ng clinic. Maya maya nakita nya na may inilapag sa lamesa nya ang nurse . Isa yung juice at chocolate cake . Ganto ba talaga sa mga clinic na ganto ? May pa meryenda ? Kung sa bagay .. pangit ang tumangi sa grasya at isa pa medyo kanina padin sya ng hihintay .. "Salamat "sabi ni dj sa nurse "No .. salamat sayo daniel .. hindi mo alam kung gano ka meaningful ito kay doc " sabi ng nurse kaya napakunot ang nuo nya Hindi nya maintindihan ang sinabi nito pero hindi nya nalang yun pinansin . Uminom sya ng juice at napatingin sa orasan Mahigit 40 mins na yang naghihintay pero wala padin ang doctor . "Ah .. nurse lex ?? Matagal pa ba si Doc ?" Tanong ni daniel at ngumiti uli ito sa kanya . "Ay patapos nadin sila doon sa loob waiting waiting ka lang dyan.. ganun talaga pag artificial insemination medyo bawal pang gumalaw si doc para hindi masayang yung sperm " sabi nung nurse kaya mas lalong kumunot ang nuo nya . "Artificial insemination? .. masayang ang sperm ??" Tanong ni dj kaya napabuntong hininga si lex . "Opo sir daniel .. ganun talaga .. pagkatapos kasi ilagay yung sperm sa loob ni doc ay hindi pa sya pwedeng tumayo agad agad para hindi masayang ang sperm " sabi ni nurse lex kaya mas lalong sumama ang mukha ni dj . Hindi nya maintindihan .. ano bang pinagsasabi ng nurse na to ? Ano ba yung sinasabi nito na artificial insemination? Anong masasayang ang sperm ?? "Siguro first time nyo lang maging sperm donor sir no ??.. haay siguro nga .. wag ..." "Ano !!!! Sperm donor !! Anong sperm donor ang sinasabi mo dyan !?" Gulat na tanong ni dj sa nurse na tila nagulat din sa sigaw nya . "Diba po .. ikaw si daniel ?" Tanong ni lex habang nakapamewang ito "Oo ako nga si daniel " Nakasimangot na sabi ni dj sa nurse Umirap ang nurse "edi ikaw nga ang sperm donor ni Ms.Kath ?. Si sir nahiya pa oh .." sabi ni nurse lex at pangisi ngisi pa . "Anong sperm donor !! Hindi ako sperm donor ! Nandito ako para magpa fertility check kaya nga inabot ko yung sperm ko para sa sperm check "sabi ni dj kaya tila napatigil ang nurse at tila nanlaki ang mata . "Ha?hin....di.. ikaw yung...?" Biglang bumukas ang pinto ng clinic nila at sumilip doon si Nurse ann .. "Lex napansin mo ba yung pasyente ni dra.Andy? Yung magpapa fertility check? Di ba nagtanong sayo dito ." Pareho silang napatingin sa nurse na nakasilip sa pintuan Parehong napaawang ang bibig ni lex at ni daniel sa nakangiting nurse Dun nila narealized ang nangyayari "Ay oo nga pala may kanina pa ng hahanap kay doc.Kath . Yung sperm donor nya daw .. dun kasi sa clinic namin pumasok .. " sabi pa ng nurse at biglang pumasok naman ang isnag lalake na nakangiti din sa kanila . Tinangal nito ang shades na suot "Hi .. I'm daniel .. yung sperm donor .. I'm sorry medyo naligaw lang dito ba ang clinic ni dra. kath?" Wika nito kaya napatingin si dj at Lex sa lalake . . Sumama ang tingin ni dj sa nurse habang si Lex ay papalit palit ang tingin sa dalawang Daniel na nasa harap nya .. Nanlamig ang katawan nya at tila nanghina ang kanyang mga binti sa sa nangyayari . "Ay putangina !" Sabi pa nito at dali daling iniwan ang mga nasa harapan at pumasok sa silid kung nasaan ang boss nya .. . . . ."yes doc .. .. all I wanted is to have my own child".. wila ni kathryn ngunit naudlot ito ng biglang bumukas ang pinto ng silid at pabagsak pa itong tumama sa dingding at humahangos na pumasok si Lex na tila namumutla . "Lex ? What's happening ?" Tanong ni kath sa kaibigan na papalapit . "Ay p**e ni kath !! " gulat na sabi pa ni lex ng makita ang mga pwesto ni kath na nakataas pa ang mga binti Tila nagulat din si kath ng marealized na nakikita pala ang kaluluwa nya ngunit bago pa man nya matakpan yun ay may isang lalake na padabog na pumasok din sa silid .. Huli na ng marealized ni dj na mali ang desisyon nyang sumunod sa nurse dahil pag pasok nya sa silid ay hindi nya maasahang isang babae ang nakahiga habang nakataas at magkahiwalay ang mga binti nito at bungad na bungad ang perlas ng silangan nito . "Ahhhhhhhhhhh!!!!" Halos sabay na Sigaw ni daniel at ng babae na nakahiga . Napatakip si dj sa kanyang mukha ngunit nakasilip padin ang mata nito habang nakaturo sa dereksyon ng perlas ng silangan nito . "Aahhhh!! Bastos !! Sino ka ! " sabi ni kath at tinakpan ang kanyang p********e na naka bilad "Wag kang tumingin !! Bastos !!" Sigaw pa uli nito dahil patuloy pading nakatingin si dj na tila hindi makagalaw sa kinatatayuan nya . .biglang natauhan si daniel at tumalikod . "sino ba yan lex ! Bakit mo pinapasok ??"sigaw ni kath sa secretary na nakayuko at tila hindi makatingin sa kanya . Inayos nya ang sarili pero hindi padin sya bumangon "Ano ba lex !! Sino ba yan ! ?" Sigaw pa ni kath ngunit tingin lang ang nasagot sa kanya ng seretarya . Nagtangis naman ang bagang ni dj dahil sa sigaw ng babae .. Aba ! Sya na nga ang ninakawan ng sperm ! Sya pa ngayun ang sinisigawan . Lumingon sya sa babaeng nakakumot na at matalas ang tingin sa kanya . "Ako? !! Ako yung may ari ng spern na kinuha ng isang to ." Galit na Sabi ni dj at napakunot ang nuo ni kath . Umiling si kath dahil hindi naman ito ang lalake sa picture na nakita nya .. hindi ito ang donor nya ? Panong kinuhaan sya ni lex ng sperm ? "Ano ? Hindi kita maintindihan ?" Sabi ni kath kaya mas lalong nagtangis ang bagang ni daniel at umiling . "Wag ka ng magmaang maangan ! Alam ko kasabwat ka din ! Ano?! Ninakaw nyo ang sperm ko !! Anong ginawa nyo sa sperm ko ? Ibalik nyo yon !! " sigaw ni dj kaya tila kinabahan si kathryn .. pati nadin si doc lia ay tahimik at hindi makaimik . Dumako ang tingin ni kath sa kaibigan nya na "lex!? Ano !" Nangigigil na sigaw ni kath "Doc. Kath ...may problema po eh ..mali po yung sperm na nailagay sayo .." "Ano?!" Sigaw ni kath kaya napabalikwas sya ng tayo bago naramdaman ang mga likidong ipinasok sa kanya na dumaloy pababa sa p********e nya papunta sa mga hita nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD