Chapter 4

2883 Words
Matalim ang tingin ni daniel sa babaeng nasa harap nya . Silang dalawa nalang ang nasa loob ng clinic dahil pinaalis muna ni kath ang kanyang secretarya matapos nyang kausapin ito kanina .. nakaupo sa magkabilang silya si Kathryn at si Dj . Parehas walang ngsasalita sa kanila .halos mag sasampong minuto na silang naiwan upang magusap ngunit ni isa sa kanila ay walang makaimik . Lalong lalo na si kathryn . Dahil halos lamunin sya ng hiya ng dahil sa kahihiyan sa nangyari kanina . Kaya ngayun hindi nya alam kung papano nya lulusutan ito "Ano ??! Magtititigan nalang tayo dito ?ha ...doc ?" Madiin na sabi ni dj habang nakatingin sya sa doctor na hindi makatingin sa mga mata nya . "Hmm Kath ..doc kath " mahinang sabi ni kath na tila ikinabigla din ni daniel ngunit agad ding bumalik sa dating emosyon ng binata .. Ang daming pangalan kath pa .. ang daming pwedeng maging pangalan ng donor daniel pa . Hindi nya tuloy maisip kung pinaglalaruan ba sila ng tadhana . "Ano doc Kath ? Magtititigan nalang tayo dito ? O irereport ko kayo ?" Tila nagalala ang mukha ni kathryn at napahawak sa kamay ng binata . Hindi pwedeng malaman ng hospital amg tungkol dito dahil tyak na baka matangalan sya ng lisensya . At hindi pwedeng mangyari yun dahil hindi nya alam kung san sya pupulutin oag natangal sya bilang doctor.. "Wag ..please wag mo naman kameng ireport . Saka ... wala namang may kasalanan eh .. aksidente ang lahat Mr.Ford " sabi ng dalagang doctor habang matiim na nakatingin sa kanya ang walang emosyong si daniel. Hindi kasi nila maexplain sa binata ang nangyayari .. Ano yun sasabihin nya na wala na ang sperm nito dahil nsa loob na nya at may posibilidad na bata na ito ? "Sabihin nyo ? Ano ba talaga ang ginawa nyo sa....... sperm ko at hindi kayo makapagexplain ng maayos ??! Saan nyo dinala ang ...... sperm ko ! " sigaw ni dj kaya tila napapikit ang dalaga bago napahawak pa ito sa kanyang mukha . Nanatili namang nakapamewang si dj Habang nakasandig sa sandalan ng upuan . Tila nauubusan na sya ng pasyensya dahil kanina pa sya dito tapos maling clinic pala ang napasukan nya ..ngayung kinukuha nya ang sperm nya ayaw naman nilang ibigay "Sasabihin nyo ba? Saan nyo dinala ! Ibalik nyo yun!!"sigaw uli ni dj "Hmm hindi na kasi namin pwedeng ibalik sayo..... yung sperm "sabi ni kath na tila hindi alam kung papano sisimulan ang pag eexplain sa binata . Napakunot naman ng nuo si dj "anong hindi pwede ? Ibalik nyo yun ?!" Napabubtong hininga si kath at tila pinakalma din ang sarili "Sir .. huminahon po kayo ... hmm ang totoo po nyan kasi ... yung sperm nyo .. yung sperm nyo .... nasa loob ko na po .. kaya hindi nyo na pwedeng makuha .. sorry sir ... napagkamalan po kayo nung secretary ko na donor ... sorry po talaga" nakayukong sabi ni kath at napahawak sa kanyang sinapupunan "Ano !!!!nasa loob mo ang sperm ko !?nagbibiro ka ba??! Ano ba to prank ?? Nsan ba ang camera? Pinagloloko nyo ba ako? ! Basta ibalik nyo sakin ang sperm ko !" Galit na sabi ni dj kaya napailing si kathryn .. "Eh ano pong gagawin ko? Dudukutin ko sa loob ko ?? Sir sa maniwala po kayo sa hindi ..hindi sinasadya ng secretarya ko na mapagkamal kang donor .. kapangalan nyo po kasi saka wala akong pasyente ngayung araw kaya nung punasok ka at dala mo ang sperm akala nya ikaw ang donor ko ., sorry talaga " Napailing si dj at napahawak sa kanyang sintido ."so ganun nalang yun ??sorry ?? Sasabihin nyong ngkamali kayo ? At sorry lng ang kaya nyong sabihin ? Hindi kasi kayo ngiingat .. ang tanga tanga nyo kasi.. ang tanga tanga ng secretary mo ! Hindi ba sya marunong magtanong ng full name ! Sana chineck nya ng maigi hindi yung tatanga tanga sya " Sigaw ni dj kaya tila nabigla si kathryn dahil hindi nya nagustuhan ang sinabi ng binata . "Sir hindi lang naman ikaw ang agrabyabo dito .. kaya sana wag ka namang magsalita ng ganyan ... kasi sana tinignan nyo muna yung clinic na papasukan nyo bago kayo tumuloy ..hindi lang po kame ang may kasalanan . Kayo din po kaya wala kayong karapatan na pagsabihan kameng tanga dahil hindi rin naman namin ginusto ang nangyari .. hindi ko naman intensyon na mapunta sakin ang sperm mo" inis na sabi ni kath habang nakatingin sa binata . "So ako ngayun ang sinisisi nyo ? Ganun ?? " "Oo at sinisisi din namin ang sarili namin .. pare parehas tayong may kasalanan .. pero wala na .. nangyari na .. nandito na sa loob ko ang sperm mo at who knows kung bata na to .. kaya nga kinakausap kita ngayun is para makipag ayos sayo..." "Magkaayos ?? Nagkamali kayong ilagay ang sperm ko dyan sa loob mo . . Tapos gusto mo magkaayos tayo ? Nagkamali kayo dinamay nyo pa ako .. ano nalang sasbihin ko sa fiance ko ? Pano kung mabuntis ka nga ? Pano ako mageexplain sa kanya ? " Pailing iling na sabi ni dj . . Patay talaga sya pag nalaman ni claire ang tungkol dito .. pano kung bigla nalang mangulo ito at habulin sya sa bata .. tyak makikipaghiwalay sa kanya si claire at hindi matutuloy ang kasal nila . At hindi nya kayang mawala sa kanya ang kasintahan . "Sorry kung nadamay ka .. hindi ko talaga sinasadya .. kung gusto mo babayaraan nalang kita .. pag buntis nga ako .. babayaran nalang kita at wag kang magalala hindi kame maghahabol .. walang makakaalam " Napailing si dj .. "so ngayun ang gusto mo naman ay bayaran mo ako ? Sorry pero hindi for sale ang sperm ko at lalong lalo ng hindi for donation . Kahit bigyan mo man ako ng milyones hindi ko tatangapin" Inis na sabi ni daniel bago napatayo .. "okay daniel ... unang una hindi ko talaga intensyon na yung sperm mo ang ilagay sa loob ko ... dahil pinaghandaan ko itong mabuti .. naghanap ako ng matinong donor at nagbayad ng malaking halaga .. sinigurado ko na malusog at walang sakit yung donor ko para kung sakaling magbunga itong artificial insemination ay magiging maayos ang baby ko .. kung alam ko lang na mali ang sperm na ipapasok sakin sana hindi ko nalang itinuloy .. daniel naman .. hindi lang ikaw ang nahihirapan dito ! Ako din ! Hindi nga kita kilala .. malay ko ba kung sino ka .. tapos yung sperm mo ang napunta sakin .. akala mo madali lang to ! Malay ko ba kung may sakit ka ! May aids ka may std o ano man edi nahawa mo pa ako ! " inis na sabi ni kath at napatinginin ng deretyo sa binata . Kumunot naman lalo ang nuo ni dj . Bago bumalik sa pagkakaupo sa harap ni kathryn . "Wala akong aids ! Wala akong STD o ano man ! " tiimbagang na sabi nito "Kung wala ... bakit nandito ka at magpapacheckup ? Bakit may dala kang sperm .?" Tanong ni kathryn kaya napaiwas ng tingin si daniel . "See !! Siguro nga may Aids ka !! Huhu... ayoko pang mamatay ... gusto ko pang magkaanak .. lord bakit napakasama nyo sakin ? Bakit iyong lalake pang to ! " sabi ni kathryn at napasapo sa kanyang mukha . "Wala ng akong sakit at higit sa lahat wala akong aids!!!" Sigaw ni dj kaya napatingin uli sa kanya ang dalaga . "Kung ganun bakit ka nga nandito .!? Imposible nmn na magpapacheck up ma sa OB dahil halata nmng wala kang matris" Tanong ni kath pabalik sa kanya . Kaya kumunot ang nuo ni dj .. Kahit ba naman na doctor ang kaharap nya ayaw naman nyang bangitin dito ang sinadya nya ngayun Pakiramdam nya mababawasan ang pagkalalake nya pag nalaman nito ang ipinunta nya dito "Omg .. may matris ka ?! " tanong ni kath kaya sinamaan sya ng tingin ni dj . "Wala akong sakit at higit sa lahat wala akong matris !" Inis na sabi ni dj kaya siningkitan sya ng mata ni kath na tila inuusig dahil hindi sya makatingin sa dalaga . "Eh kung ganun anong sinadya mo dito ?" Tanong ni kath kaya napabuntong hininga si dj . "Mag papafertility test sana ako .. " wika ni dj kaya napatango ang doctor Kesa naman kung ano ano pa isipin nito kaya sinabi na lang nya .. "Teka nga bakit ba natin iniiba ang usapan .. ang topic natin dito is yung ginawa nyo .. pano kung mabuo ang bata ..?! Pano kung magbunga yan ! Ikakasal na ako hindi pwedeng mabuntis ka " Kung sakali malaking gulo ito . Naiisip nya palang kinakabahan na sya . Napabuntong hininga si kathryn "Kung ganon wala pala tayong problema .. di pa pala sure eh .. diba sabi mo mag papa fertility test ka ibig sabihin di mo alam kung baog ka o hindi .. kung baog ka nga malamang walang batang mabubuo .. wala tayong problema ..."sabi ni kath kaya napailing ang binata . "Eh pano nga kung meron ha ?" Panu kung meron ? Anong mangyayari sa bata ? Papano sya makakasiguro na hjndi malalaman ni claire ang tungkol dito . "Kung meron man wala kang poproblemahin dahil hindi naman ako maghahabol sayo . Wala kang responsibilidad sa akin .. hindi mo kailangang panagutan ang bata .. kakalimutan lang natin lahat ng nangyari at hinding hindi malalaman ng fiance mo ang tungkol dito . Masaya ka at masaya ako " sabi pa ni kath habang nakatingin sa binata .. "Papano ako makaksiguro na hindi ka nga maghahabol ?" Tanong ni dj "Kung gusto mo gumawa pa tayo ng kasunduan .. " sabi ni kath Ilang saglit silang hindi nagimikan na tila nagiisip sa maaring mangyari . Kung wala naman palang magiging problema si dj edi okay lang .. as long as hindi dadating ang araw na biglang susulpot itong babaeng to na may dalang bata at ipaaako sa kanya is wala naman palang problema . Pero hindi padin maisip ni dj kung bakit naisipan ng babaeng to ang kumuha ng sperm donor ? Mukang matalino naman sya . Doctor pa nga eh di biro yun . Saka parang ang labo na wala syang boyfriend .. Maganda naman sya . Sexy , medyo malaki pa nga hinaharap .. Napailing si dj sa kanyang iniisip . Mukang mabuting babae naman ito ? Matino at mukang habulin .. Bakit nya naisipang magpabuntis sa pamamagitan lang ng sperm donation ? Bakit hindi nalang sya makipagtalik sa kasintahan nya? "Okay ... pero may itatanong ako ...bakit ka kumuha ng sperm donor ?" Tanong ni dj kaya tinitigan sya lalo ni kath . "Do I need to answer that ?" Tanong nito "Yes .. .. bakit ka nghanap ng donor ? I mean there are other ways .. kaya bakit? Baka pag nalaman ko na valid ang reason mo is mapatawad ko na kayo at hindi ko na kayo irereport sa hospital at hahayaan nalang kita at hindi mo na kailangang magbayad . " Napabuntong hininga si kath at napalumbaba sa lamesa "promise me na hindi mo kame irereport please " Napamewang si dj at tumango "as long as valid ang reason mo hindi ako magrereport " sabi ni dj kaya ngumiti si kath .. "Okay ... kaya ako naghanap ng sperm donor kasi ... i wanted to have a clild ... no .. I'm dying to have a child .. gusto kong magkababy " sabi ni kath kaya tumaas ang kilay no dj . " Yun lang yun ?? Gusto mo lang magkababy?? " "Huy hindi kaya madaling magkababy .. i mean the process of making it is easy but having one is not . Kung yung iba is takot na magkaanak o maka disgrasya ay hindi lahat ganun ... maraming tao naman ang gustong mabiyayaan ng baby .. just like me ..at hindi madali yun " "Bakit hindi madali? Baog ba ang boyfriend mo ?" Ngising tanong ni daniel kaya inirapan sya ni kath .. "Wala akong boyfriend okay ? Kung meron man edi sana hindi na ako nghanap ng sperm donor .. haay .. kaya ko lang naman ginawa yun kasi nga gustong gusto ko ng magkaanak" Sabi ni kath kaya napatahimik si daniel . " gusto mong maging single parent ? Ganun ba talaga mo kagusto magkaanak kaya ng hanap ka ng donor ? I mean diba dapat maging masaya ka pa dahil single ka . Wala kang sakit sa ulo .. maeenjoy mo yung buhay mo .. makakapag focus ka sa career mo .. walang kukulit sayong mag settle down .? Diba dapat maging thankful ka at wala kang magiging responsibilidad ?pwede kang makipag date kahit kanino .. hindi ka matatali sa bahay upang magalaga ng bata at isa pa hindi masisira ang figure mo " sabi ni dj sa dalaga . Eto kasi ang laging dahilan ni claire sa kanya kaya ang alam nya yan din ang dahilan ng mga babae .. kaya hindi nya maintindihan itong kaharap nya na bakit tila handang isakripisyo ang lahat para lang magkaanak ? Na kayang maging desperada sa paghahanap ng donor para lang mabigyan sya ng anak .. anak na aalagaan nya kahit magisa lang sya . Napabuntong hininga si kath bago ngumiti sa binata ." Alam mo naisip ko nadin yan .. ilang libong beses ko ng sinabi yan .. oo masarap maging single .. masarap yung feeling ng walang nagbabawal sayo .. nagagawa mo lahat ng gusto mo ,lahat ng oras mo nasayo ,Walang stress, walang drama , at higit sa lahat hindi mo kailangang mamili between career at lovelife ." Napabuntong hininga si kathryn "hangang sa masanay ka ng magisa. na nasanay ka ng walang ibang iniisip kundi sarili mo, nagagawa mo lahat, nakukuha mo lahat pero alam mo yun? Kahit feeling mo kontento ka na at masaya. marerealized mo na may kulang pa... Kulang ka pa" napayuko ito sa baba habang si dj ay hindi maalis ang tingin sa kanya ."marerealized mo na hindi ka pala masaya na hindi ka pa kontento kahit paulit ulit mo yung pinapaunawa sa sarili mong okay ka na at wala ng kailangan. pero dadating at dadating talaga sa buhay natin na pag masyado na tayong nasanay na mag-isa parang hahanapin na natin yung pakiramdam ng may kasama .. pakiramdam na papaano uli mahalin... makumpleto. at para sakin ... yung batang to.." napahaplos sya sa sinapupunan nya .. "kung sakali mang mabuo sya ... eto lang ang kokompleto sakin .. dahil sya yung matagal ko ng pinapangarap .. kaya ko naisipan ang bagay na yun ." Wika ni kath "Ikaw ba ? Naranasan mo ba yung nasayo na ang lahat pero parang may kulang pa .. na kahit masaya ka .. parang hindi padin sapat .. yung para kang isang puzzle na akala mo buo na tapos marerealized mo na hindi pa pala .. dahil may isang parte pa ng buhay mo ang nawawala .. na kailangan mong mabuo para magkaroon ng kabuluhan ang buhay mo ..at para sakin daniel ... ang batang ito kung sakali mang nandito na sya .. sya lang kailangan ko para maging makabuluhan ang buhay ko ." Hindi nakapagsalita si dj .. nantili lang syang nakatingin sa dalaga .. dahil hindi nito ineexpect na sasabihin ito Dahil tila may isang bagay na humapalos sa puso nya .. . "Kaya sorry ... at sana mapatawad mo kame .. yung secretary ko kasi hindi naman nya sinasadya na mapagkamalan ka .. pero kagaya ng sinabi ko kung sakali namang magbunga . Wag kang magalala kasi hindi ako maghahabol sayo dahil anak lang talaga ang gusto ko .. at kaya ko magpalaki ng bata ng magisa ." Napabuntong hininga si daniel " okay .. kelan natin malalaman kung sakaling ano ... hmm kung nagbunga nga?" Tanong ni dj bago isunuksok ang mga kamay sa bulsa nya . " gusto mo pang alamin ? .. hindi naman ako maghahabol eh . Iisipin nalang natin na wala lang ang lahat .. wala ka ng poproblemahin sa tingin ko mas madali kung hindi mo na aalamin " sabi ni kath kaya napailing si daniel "Kahit na .. gusto ko pading malaman dahil nangaling din sakin ang dugong bubuhay sa bata . Atleast alam ko na may anak ako " sabi ni daniel kaya napaderetyo ng upo si kath Kahit ba naman na hindi sya maghahabol Siguro naman may karapatan padin syang malaman kung sakaling magkakaanak nga sya .. Ilang saglit pa syang tinitigan ni kath bago tumango . "Hmm okay sige ... one week from now .. itetext kita . sasabihin ko sayo kung buntis ba ako o hindi " Sabi ni kath at umiling si dj . "One week from now babalik ako dito at sabay nating aalamin kung buntis ka nga o hindi .. ako ang magpapasched ng checkup mo dahil gusto kong makasiguro .." napatingin ito sa dalaga na tahimik at nakikinig lang . "Para malaman natin kung may problema ba talaga tayo o wala "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD