Chapter 2

4887 Words
"Bro hindi ko maintindihan eh .. 3 years na kameng engage! 3 taon na! Tapos nung tinanong ko uli sya kung kelan nya gustong ikasal kame ang sabi nya maghintay pa ako ng 2 taon pa.. okay pinagbigyan ko sya .. sa tagal na ng relasyon namin ako lang lagi ang umiintindi sa kanya . Tapos ngayun anak lang ang hinihingi ko hindi nya ako mapagbigyan ? " Sabi ni dj bago tinunga uli ang alak na nasa harap nya . "Diba sya na nagsabi na di pa daw sya ready? Haay daniel model ang girlfriend mo nagtaka ka pa " sabi ni Pat na kasama nya ngayung umiinom nilagyan pa uli nito ng JD ang kanyang baso bago napailing Nasa isang club sila sa BGC at kasama ang ilang kaibigan ngunit humiwalay sila ng upuan "Kung di pa sya ready bakit nya tinangap yung proposal ko ang labo bro eh ...hindi nya ba ako mahal kaya ayaw nyang magkaanak kame ? " Napailing si pat bago tinapik ang balikat ng kaibigan . "Bro edi buntisin mo nalang .. wag mong sabihin basta buntisin mo nalang haha ." Asar ni pat kaya sumama ang tingin ni dj sa kanya . " nagawa ko na yun .. ilang beses ko ng sinubukan bro pero wala .. " sabi ni dj sa kaya natawa si pat . "Bro eto ah .. nagtataka din talaga kame eh .. 8 years na kayo ni claire pero tindi bro ni minsan talaga walang nakapuslit na punla mo sa kanya ..? " sabi ni pat sa kaibigan kaya napatingin ito "Wala nga bro eh .. ilang beses ko ng sinandya pero wala eh " Iling na sabi ni Dj kaya biglang sumeryoso ang mukha ni pat .. "Bro ...di kaya baog ka?" Tanong nito kaya sumama ang tingin ni dj at inambahan sya "Gago ! Hindi ako baog no! " sabi ni dj kaya natawa si pat .. "Eh kasi bro 8 years na kayo ! Di mo man lang nabuntis .. mahina ka bro baka nga baog ka ?" "Hindi ako baog ! Gago to wag ka ngang magloko ng ganyan ! Di magandang biro yan .." sabi ni dj kaya huminto sa pagtawa si pat .. Napaisip si dj .. ilang beses na nyang pinagplanuhan na buntisin nlng ang kasintahan para wala na itong kawala at wala na tong excusse para hindi matuloy ang kasal nila kaso wala talaga .. ilang beses nadin silang ngniig ng kasintahan na walang proteksyon pero wala talaga .. "Pero seryoso bro .. imposible kasi eh .. di kaya may problema ka ? Pacheckup ka kaya bro ?" Sabi pa ni pat kaya kumunot ang nuo ni dj . "Pa check up? Pano yun ?" Sabi ni dj kaya napakunot din ang nuo ni pat . "Aba ewan ko pano check up nun . Punta ka nalang sa fertility specialist . para malaman mo kung baog ka o hindi " sabi ni pat bago napangisi . "Gago . Kalokohan mo .. hindi ko na kailangang magpa check up kasi alam ko naman na hindi ako baog .." Pero pano kaya kung baog sya ? Tumunga uli sila ng alak bago sinalinan uli ang baso . Pano nga kung baog sya ? Baka Kaya hindi sila makabuo dahil baka baog sya . ? Pano kung baog nga sya mamaya hindi matuloy ang kasal nila ni claire pag nalaman na kahit kelan wala itong kakayanan na bigyan sya ng anak .? Hindi pwede ..gusto ko pang magkaanak .. ayoko namang tumandang magisa dahil walang magaalaga sakin . Gusto ko pang bumuo ng isang basketball team o kaya isang damakmak na cheerleaders Gusto ko yung may tatawag pa saking tatay o daddy .. Kaya hindi pwede.. Kailangan nyang makisuro kung baog nga sya o hindi .. . . . " You need to eat healthy foods and take vitamins .. kailangan bawas bawasan ang stress at magpapagod ng sobra dahil makakasama yan sa pagbubuntis mo ..nasa 1st trimester ka palang kaya you need to take care of yourself ..okay ?" Nakangiting sabi ni kath sa pasyente nya ngayung araw .bago pa lamang ito at ngayun pa lamang na laman na nagdadalang tao sya kaya kailangan nyang gabayan ito sa mga do's and don't sa pagbubuntis . "Yes doc .. salamat po ." Ngiting sabi ng babae base sa records nito ay 22 years old pa lamang ito and dahil bata ang katawan ay mukang hindi naman ito mahihirapan sa pagbubuntis nito . "Okay so congratulations . See you next month para sa check up mo .. basta sundin mo lang yung mga sinabi ko okay ?? And ito nga pala ang sonogram ng baby mo " sabi pa ni kath bago inabot sa babae ang litrato na tinangap naman nito ng may malapad na ngiti . "Thank you doc.. sige po susundin ko po yung mga bilin nyo .. " "Good basta incase na may tanong ka you can call me or my assistant .. " Tumango ito bago nagpaalam na sa kanya at tuluyan ng lumabas sa clinic nya . Inunat ni kath ang kanyang mga braso bago sumandig sa swivel chair nya . Pinatunog pa nito ang mga daliri at leeg na nananakit sa sobrang dami ng kanyang pasyente ngayung araw . "Lex ... next patient please " Sabi ni kath bago hinilot ang sintido nya " . Mamaya pa yung next patient mo . Nagcancel yung kasunod nya eh .. haay... bakit ang daming buntis ngayun ? " Sabi pa ni lex at humiga sa couch "Ganun talaga . parang di ka na nasanay .. oi teka mukang puyat ka nnman .. san ka nanaman nangaling kagabi at mukang sabog ka " nakatawang sabi ni kath sa kaibigan kaya umirap ito . " .. may hangover pa ko at anong oras na kame natapos maginuman nila arisse .. tinatanong nga nila kung kelan ka sasama samin sa susunod na mag kaclubing kame . " sabi pa ni kex at inunat ang mga braso nya .. "Arisse ?? Teka teka .. buntis si arisse ah tapos ng ka clubing kayo? " kunot nuong sabi ni kath Talaga yung isang yun antigas talaga ng ulo . "Chill ka lang .. hindi naman sya uminom ng alak .. puro chuckie nga ang pinagiinom eh .. saka kasama nya naman asawa nya .. magkaiba lang kame ng table kasi may mga kasama din yung bulay nya" "Ahh.. pero kahit na .. nagpupuyat sya . Saka diba mausok dun sa club ..haay .. sasabunutan ko talaga yun pag nakita ko yun sa next check uo nya . " sabi ni kath kaya napangisi din si lex . "Doc di ka ba nagugutom ?? Ako kasi nagugutom na eh" sabi ni kex kaya napatingin uli sa kanya si kath .. Alam nya ang ganyang mga terada ni lex .. gustong magpalibre nyan dahil for sure inubos nanaman nito ang sweldo kagabi . "Okay okay .. bumili ka muna ng meryenda don habang wala pa tayong pasyente .." "Yes !!!! " sigaw ni lez bago bumalikwas ng tayo at dumeretyo papunta kay kathryn na kumukuha ng pera sa wallet nito . "Anong bibilin ko ?" Tanong ng secretarya nya habang hawak hawak ang 1000 peso bill na inabot ng doctor . "Hmm.. bahala ka na . Basta bilan mi ko ng cappucino XL " sabi ni kath at tuluyan ng lumabas si lex para bumili ng meryenda nila . Natuon naman ang pansin nya sa mga records ng mga pasyente na kanina ay nirereview ng biglang bumukas ang pinto ng clinic nya . "Nurse Lex ??" Sumilip ang doctor na nasa kabilang clinic . "Ay Dra.Kath ikaw pala yan .. " sabi ni Dra.Andy na isang Gynecologist at isang Fertility Doctor "Amm doc bumili ng meryenda .. bakit po?tara po pasok ka muna po" sabi ni kath at napatayo at sinalubong ang doctor na may buhat palang baby . "May pasyente ka Dra?"tanong nito kaya nginitian sya ni kath "Hmm wala po mamayang 4pm pa po yunh next patient ko po .. bakit doc?" Tanong ni kath sa doctor na tila hindi mapakali . "Ah .. Dra.Kath okay lang ba iwan ko muna Si loisa sayo .. sige na saglit lang .. nakabreak kasi si nurse Tin .eh kailangang kailangan kong puntahan yung pasyente ko sa taas .. sige na kahit 20 mins or less . Emergency lang" Sabi ng doctor at pilit na inabot sa kanya ang bata . "..am...a sige ... po ...pero" mahinang sabi ni kath na tila wala ng nagawa kundi buhatin ang baby na nasa 7 buwan na "Thank you so much ! Promise saglit lang to" sabi pa nito at iniabot din ang feeding bottle ng bata . "Ah.. pero doc ... I'm not good with kids " sabi ni kath at tila na iilang sa batang hawak hawak .. Oo OB sya at ilang sangol nadin ang nahawakan nya pero hangang delivery room lang ang powers nya at tila walang alam sa pagaalaga ng bata na lumalaki na .. "Naku kaya mo yan .. so Dra.Kath ikaw muna bahala .. kaya mo yan " nakangiting sabi ng doctor at lumabas ng kanyang clinic .. Napatingin si kath sa baby na nakangiti sa kanya . "Teka pano ba to .. " sabi pa nito sa sarili at inilapag ang bata sa sofa .. Ngumiti ito kaya hindi na alis ang tingin nya sa bata .. "Hello baby how are you today? Your mom will be coming back soon .wag kang magalala ako muna bahala sayo kahit hindi ko alam ang gagawin ko" mahinang sabi ni kath kaya ngumisi ang baby "I'm dra. Kath.. shorter for Kathryn ... at nag smile smile ka pa ? .. well hindi mo ako madadaan dyan" Tinitigan nya ito ng mas lalong ngumiti sa kanya . "You know what .. you are not cute and I am not falling for it . I can see that you're trying but it will never work .... haha " napabungisngis si kath ng bilang ngumuso ang baby at pinakita ang nagiisang ngipin nito . Hinawakan pa nito ang kurtina sa likod ng upuan . "You know what you should'bt be touching that..because that is not very sanitary ...teka teka saglit lang " Ngumisi pa uli si kath ng biglang tumawa ang baby . Maya maya ay biglang sinubo nito ang ID na nakasuklib kay kathryn "No ... that's dirty ... may mga germs yan ... germs are like little bugs that when it get into your mouth, it will make you sick .. so stop that because I don't want you to get sick" Sabi pa ni kath sa baby na patuloy pading bumubungisngis sa harap nya . Nakipag laro sya sa baby at binuhat buhat pa to .. pinisil pisil pa nya ang matataba nitong pisngi na lalong ikinatuwa ng baby .. "Haha .. you are not wining me over .. no your not .hindi mo ako madadaan sa pa cute mo . haha!" "Wait why do you put everything in your mouth ? That's dirty.. no" Usisa ni kath ng isubo naman nito ang nanetag nya . Hindi alam ni kath ang nararamdaman pero parang nakaramdam sya ng sobrang tuwa habang kasama ang sangol . Binuhat nya ang baby at hinawak hawak nito ang kanyang buhok .halos lahat ng mahawakan nito ay sinusubo kaya pag may dinampot ito ay agad na nilalayo ni kathryn Maya maya ay parang maiiyak ang baby kaya hinele hele nya ito at lakinh gulat ng biglang yumakap ito sa kanya .. "Wait... don't! " sabi pa ni kath ngunit hindi na nito natuloy ang sasabihin ng biglang tumanday ang ulo ng baby sa dibdib nya . Bago iyon sa pakiramdam nya . Pinaharap nya ang bata at idinikit nya ang nuo nya dito ngunit patuloy pa din ang baby sa pag titig at ngiti sa kanya "Okay let's talk" seryosong sabi ni kath sa baby na ngumiti sa kanya .. "To make things clear, there's a lot of people in this world na kailangan ang isang katulad mo para lang makumpleto sila. they wanted to have a child because they think na sasaya sila pag magkaroon sila ng anak na papalakihin .. aalagaan at mamahalin .. a lot of people are dying to have a baby kahit mahirap kasi kailangan ka nila ... and..... I'm not one of them dahil hindi ko kailangan ang kagaya mo.." Derederetyong sabi ni kath sa bata Nakipag tagisan ito ng tingin sa kanya habang nakangiti na tila sumasalungat ito sa sinabi ng dalaga .. Hindi maalis ni kath ang mata nya sa mga mata nito .. Masaya syang magisa .. Hindi nya kailangan ng kasintahan At lalong hindi nya kailangan ng baby para makumpleto lang ang pagkatao nya .. Muling ngumiti ang baby At napabuntong hininga si kath .. "okay fine sige .oo na "mahinang sabi nito bago niyakap ang baby . . Kinain nya ang kanyang mga sinabi Dahil sa sandaling mahagkan ang baby ay may tila hinaplos nito ang puso nya .. Bakit hindi ko tuparin ang matagal ko ng pinapangarap? Bakit hindi ako magkaroon ng isang kagaya mo .. Na baka sakali .. ang kagaya mo ang bubuo dito sa puso ko .. sa pagkatao ko na mamahalin ko hangang sa huling hininga ko .. "Oh?? Nanganak ka na ?" Tanong ni lex na pumasok sa clinic nya at may dala dalang kape at ilang pastry Sinamaan nya ito ng tingin "kay Dra.Andy to pinasuyo lang " sabi ni kath at kumapit lalo sa kanya ang baby "Alam ko ..nakita ko nayan sa kabila .. madalas dinadala ni dra dito kasi breasfeed yan.. o sya eto na ang kape mo " sabi ng secretarya at iniabot ang kape sa kanya.. "Lagay mo nalang dyan ..baka matapunan si baby ... diba baby ? " sabi ni kath at muling nilaro ang bata Napangiti naman si Lex at di matangal ang tingin sa boss at batang hawak nito ... "Alam mo kath .. bagay sayo ang maging mommy" sabi nito at umupo na sa harap nya . Napaisip naman si kath sa sinabi ng kaibigan nya .. parang may tuwa na bumalot sa kanya sa sinabi nito .. may isang bagay na pumasok sa isipan nya .. isang bagay na di nya sigurado pero gusto nyang gawin .. isang bagay na alam nyang maaaring magbago ng buhay nya .. . . Napasalampak si kath sa kama habang nakatutok ang pansin nya sa harap ng kanyang laptop.. Paguwi na paguwi nya ay agad nyang binuksan ang isang site na ginagamit din nila sa larangan .. And desidido na sya na ituloy ang kanyang plano .. She want a baby and she'll definetely gonna have one .. But ayaw nyang magboyfriend .. hassle lang kung maghahanap pa sya ng boyfriend para buntisin sya so naisip nyang maghanap ng sperm donor . Yes sperm donor .. She's currently looking for a sperm donor para makuha ang gusto nya... She's been busy looking at some profiles of her possible donors .. And kailangan nyang maging maingat dahil anak nya ang pinaguusapan dito . She needs to make sure na maganda at healthy ang genes ang makukuha ng anak nya kaya masuyo nyang sinusuri maigi ang mga profile na nag match sa hinahanap nya . Ang site na kasalukuyang tinitingnan nya ay isang site na ang tanging nakakaopen lamang ay ang mga doctor .. hinding hindi ka pwedeng mag member dito kung wala kang license .. dahil hindi lang ito isang pangkaraniwang site ..nandito lahat ng impormasyon at mga bagay na madalas doctor lang ang nakaka access .. aside sa sperm donor ay nandito din ang mga profile ng mga ibat ibang klaseng donor sa buong mundo donor ng internal organs , surgical and dermatology process pati ang mga kailangan for artificial medications ay dito mo makukuha.. Wala namang Sperm Bank dito Dahil hindi naman uso sa pilipinas ang sperm donation kaya medyo nahihirapan si kath na maghanap ng ka match .. karaniwan kasi ng lumalabas sa reviews nya mga donors na nasa ibang bansa pa and para sa kanya hassle lang yun .. kasi kung hindi sya ang pupunta sa ibang bansa ay kailangan ang donor ang pumunta dito and it will cost a lot of money kaya mas gusto sana ni kath na kung kukuha sya ng donor ay nandito na sana sa pilipinas . Gusto nya din kasing makasiguro na tamang sperm ang ilalagay sa kanya .. at gusto nya ding makasiguro na tama lahat ng information ng donor nya . . Tiningnan ni kath ang isang profile na medyo nagmatch sa kanya ng biglang magring ang doorbell ng condo nya kaya tumayo sya sa kama at tumungo ang labas upang tingnan kung sino ang dumating "Arisse???" Sabi ny ng kanyang buksan ang pinto . "Kath !!! I miss you !!" Masayang sabi ni arisse at niyakap ang kaibigan .. Agad na pinapasok ni kath si arisse na 4 na buwang buntis na .. Nagtaka sya at bakit naisipan ng kaibigan na dalawin sya sa gantong oras "Risse .. bakit nandito ka ??" Kunot na tanong ni kath "May problema ka ba ? May masakit ba sayo ?" Sabi ni kath kaya napasimangot ang kaibigan "bawal ba kitang dalawin .. namimiss na kaya kita" sabi pa nito at niyakap ang kaibigan Gumanti ng yakap si kath at hinarap ito .. inalalayan nya pa ito patungong sala upang doon ay paupuin . "Come on .. somethings wrong ?? Nag away ba kayo ng asawa mo ? " tanong ni kath at umiling si arisse "Binisita lang talaga kita" sabi pa nito na may malaking ngiti . "Risse it's freaking 11pm ... gala ka ng gala .. saka bakit magisa ka lang ? Dapat gantong oras tulog kana eh " Bumagsak ang ngiti ni arisse kaya tinabihan sya ni kath "gusto lang talaga kitang dalawin .. ewan ko ba .. namimiss talaga kita eh .. dati dati naman lagi akong nandito sa condo mo halos dito na nga ako tumira .. pero bakit parang ayaw mo ng pinununtahan kita.?" malungkot na sabi ni arisse kaya napabuntong hininga si kath "Risse hindi naman sa ayaw .. kaso kasi nagaalala ako sayo .. anong oras na oh .. makakasama sayo at sa baby mo yung kung san san ka pumupunta tapos sa gantong oras pa .. haay .. sabi nga din ni Lex nasa bar kayo kagabi .. risse naman ..." sabi ni kath at hinimas ang likuran ng kaibigang paiyak na . "Kath .. ang hirap pala ng buntis saka may asawa . .ayaw ko na " sabi nito kaya mas lalong nagalala si kath .. Baka kasi may hindi ito sinasabi sa kanya .. medyo matagal tagal nadin kasi yung last na nagkausap sila "Risse what are you talking about .? ..may tampuhan ba kayo ni pat ?? " tanong nito sa kaibigan "Kasi si pat ... andaming binabawal sakin tapos nakakainis pa lagi syang wala sa bahay ... kaya nga ko umaalis kasi naboboring ako sa bahay eh ...kung alam ko lang na buburuhin nya ako sa bahay edi sana di ko nalang sya pinakasalan" sabi pa nito kaya napailing si kath .. Kath know arisse .. mahal nya si pat .. alam nya yun dahil halos sya ang nakasaksi sa love story ng dalawa .. kaya lang ganyan kasi sa pagbubuntis nyan.. normal lang sa buntis ang maging emotional .. kaya lang siguro yan ganyan kasi medyo strict nga sakanya ang asawa .. "Risse kasi buntis ka kaya ka nga binuburo ... before ka naman mabuntis hinahayaan ka naman nyang maglalabas at gumimik diba ? Kaso iba na ngayun arisse may baby na dyan sa tyan mo kaya intindihin mo nalang kung bakit strikto si pat .. hmm kita mo .. hindi pa nga yata nya alam na nandito ka .. tara nga dito . " sabi ni kath at niyakap ang kaibigan "hormones lang yan bes" sabi pa ni kath bago humiwalay ang yakap nila .. Nagtungo si kath sa fridge at kumuha ng icecream at naglagay sa dalawang mug para sa kanila .. inabot nya yun kay arisse na sumunod sa kanya sa kwarto nyo . "Itetext ko na asawa mo .. papasundo na kita" sabi ni kath bago umupo sa kama at kinuha ang cellphone na katabi ng laptop nya .. Sumimangot ang kaibigan pero wala nadin itong nagawa dahil alam nyang seryoso si kath .. Umupo si arisse sa kama at pinatalbog talbog pa ang sarili habang nakaupo . "Lambot ng kama bes ...... hmm .. sarap naman makipag chukchakan dito" nakatawang sabi ni arisse kaya napatingin sa kanya si kath . "Gaga to .. haha chukchakan talaga ? Di ba masarap matulog lang kasi malambot .. ?" Sabi ni kath kaya ngumisi si arisse .. "Bes .. may naka s*x ka na ba dito ? Ano .. ilan na ba ?" Tanong ng kaibigan kaya ngumisi si kath bago umiling . "Gaga wala no .. virgin pa yang kama .. kasing virgin ko " sabi ni kath kaya napaawang ang bibig ni arisse . "Bes !! Virgin ka pa din ?? Di nga ? " gulat na sabi ni arisse kaya tiningnan sya ng kaibigan .. Tumango si kath kaya tinulak sya ni arisse at napadausdos naman sya sa kama .. "gaga ka ! Masakit yun ! Kung di ka buntis itinulak na kita " sabi ni kath habang may malaking ngiti sa labi dahil gulat padin ang reaction ng kaibigan . "Gaga ka din !! Virgin ka pa talaga ?! Seryoso ka ba talaga!" Sabi ni arisse kaya sinamaan sya ng tingin ni kath . "Bakit bigdeal sa inyo yung virginity ko ?? Masama bang maging virgin ?inaano ba kayo ng hymen ko?" sabi ni kath kaya napailing si arisse . "Akala ko ba nakipag one night stand ka nung new year ?? Sabi ni jazz nakatikim ka na" sabi ni arisse kaya sinamaan sya ng tingin ni kath . Sumubo ito ng icecream bago sinagot ang kaibigan "Hindi ko ginawa yun .. saka ayaw ko" sabi ni kath at bumaling sa laptop nya . "Bes mag 30 ka na !! Hindi pa din yan butas ? Bes your not getting any younger kailangan mong maranasan kung gano kasarap makipag s*x .. jusko .. baka matuyuan ka na bez wala pading ngiinvade sa pukelya mo .. " asar ni arisse kaya sinamaan sya ng tingin ni kath . "Gaga .. eh wala nga eh . Ano magagawa ko?" Sabi ni kath kaya lumapit sa kanya si arisse . "Bes try mo lang .. makipag fling ko o party may makikilala ka dun . Bakit kasi hindi ka magboyfriend bes ?? Sayang ka alam mo ba yun ..?? Deserve mo maranasan ang saya ng may boyfriend yung may magaalaga sayo magsasabi sayo ng i love you .. yung may yayakap sayo? sabi pa nito kaya tumingin si kath sa kanya .. "Seryoso ka ? Sa tingin mo di ko pinangarap yun ? .. eh kaso wala eh . Lahat lang ng lalakeng pinapasok ko sa buhay ko ay niloko ako .. kaya tangap ko na bes .. saka may iba akong plano" sabi nito .. "Ano namang plano ang tumanda kasama ang pusa mo .. haay .. teka .. sino kaya pwede kong ireto sayo .. hmm taken na kasi mga kaibigan ni pat eh ..... halos lahat kinasal na .. isa nalang hindi kaso may girlfriend yun eh . Gusto mo ireto kita . Agawin mo be di pa naman sila kasal eh may chance ka pa" sabi ni arisse kaya hinila ni kath ang buhok nya . "Magtigil ka nga dyan .. pati pubs mo sasabunutan ko na " sabi pa nito kaya natawa ang kaibigan . "May iba akong plano arisse .. and I'm sure about it " sabi ni kath bago sinimulan uli na tignan ang mga profile na nasa laptop nya . "Ano naman ?? Teka ano ba yang pinagkakaabalahan mo dyan ? ano yan online dating site.. taray umoonline dating ka na ah ?" Sabi nito at nakiusyoso kay kathryn .. "Hindi ... I'm ..looking for a sperm donor arisse . I'm planning to have a baby" sabi nito kaya napaawang nanaman ang bibig ni arisse . "Seryoso ka ba ?? Virgin ka pa tapos gusto mo mabuntis ka na agad ?" Sabi nito at tumango si kath . "Sperm donor lang bes ..mag papa artificial insemination lang ako ... i want a baby bes.. kahit wala ng lalakeng magmahal sakin basta magkaanak lang ako .. okay nako" sabi ni kath kaya napabuntong hininga si arisse at niyakap ito .. "Mahal yan diba?? Bakit hindi ka nlang makipag one night stand tapos pabuntis ka.. punit na hymen mo nagenjoy ka pa ." Umiling si kath . "gagastos ako just to have a baby ... saka ayaw ko ng ganun .. ayoko ng may maghahabol sa bata at sabihing responsibilidad nya yun .. i want clean transaction na panatag ako na saakin lang ang baby at hindi maghahabol ang ama nya . Saka arisse i need to make sure na healthy ang paggagalingan ng sperm . Pag naki one night stand ako mamaya may history pa ng kung ano anong sakit yung makuha nung baby ko .. syempre ayokong mangyari yun . " sabi pa ni kath bago muling tiningnan pa ang isang profile ng donor na nag pop out sa monitor . "Ahhh.. okay .. so ano ? May nakita ka na ba ??" Tanong ni arisse at dumapa din katabi nya . Tiningnan naman sya ng masama ni kath dahil sa ginawa nya . Kumunot ang nuo ni arisse "ay oo nga pala .. haha sorry " sabi nito at inayos ang upo dahil bawal nga pala syang dumapa . "Bruha ka talaga pag yang bata naipit ang mukha kasalanan mo yan " paalala pa ni kath sa kaibigan at nag peace sign pa ito . "So ano na may nakita ka na ba ?" Tanong uli ni arisse kaya natuon uli ang tingin nila sa laptop nito . Umiling si kath "wala pa eh .. alam mo namang di uso ang sperm donor dito .. karaniwan kasi ng nagmamatch na donor nasa overseas .. eh gusto ko yung dito lang .. para mapabilis . .." "Edi maghahanap ka na ng donor .. foreigner na piliin mo jusko para panalo ang baby mo .. teka diba pwede naman i ship yung sperm? Diba sabi mo before naka freeze yun sa sperm bank at pinapadala sa inyo kapag may client kayong nagpapa artificial insemination?" Tanong ni arisse at nakipindot nadin sa laptop na tila inuusisa din ang profile ng mga donor . "Oo pwede naman yun kaso kasi .. medyo may risk din yun kasi mataas ang chance na pumalpak .. kaya mas gusto ko sana is yung on the day of insemination ay dun palang ijajaculate ang sperm . Pag fresh kasi ang sperm mas mataas ang chance na maging successful eh kesa dun sa mga frozen sperm na galing sperm bank . Kaya nga diba yung mag asawa na nagpapa artificial insemination sakin ay on that day ko din ineextract ang sperm ?... i need to make sure risse .. ayaw kong pumalpak to " sabi pa ni kath kaya ngumiti ang kaibigan . "Sure ka na ba talaga ? " nakangiting tanong ni arisse sa kanya .. Bumuntong hininga naman si kath at napahawak sa kanyang pisngi bago tumango . "I'm sure about this risse .. I'm 101% sure that i wanted to have a child .. ikaw nadin ang nagsabi sakin na I'm getting older .. pag pinaabot ko pa ng 35 tong matris ko baka wala na talaga akong chance ..tangap ko ng hindi ako swerte sa pagibig .. hindi man mabuo ang bata ng dahil sa pagmamahalan, ipaparamdam ko naman sa kanya kung papano mahalin ng sobra sobra .. aalagaan ko sya hangan sa tumanda ako ..ibibigay ko lahat ng pangangailangan nya .. ipaparamdam ko sa kanya ang pagaaruga at pagmamahal na kahit kelan hindi ko naranasan .. " I will do anything for the baby . I will give everything to her ibibigay ko ang lahat para lang magkaroon ako ng sariling anak .. yung galing mismo sa akin ... Hindi nakaimik ang kaibigan ..nanatili lang itong nakatingin sa kanya kaya sinamaab nya ito ng tingin . "Ui ano na di ka na nagsalita dyan .. ?" Sabi ni kath kaya napabuntong hininga .. baka ksi iniisip nito na nababaliw na sya at desperada dahil sa desisyon nya . Pero bata lang ang gusto nya . .. yun lang ang paraan para mabuo sya . At ibubuhos nya ang kanyang buhay para sa anak nya .. Gusto nyang makahawak naman ng bata na kanya mismo .. gusto nyang maranasan yung saya na nararanasan ng mga pasyente nya kapag nalaman nila na buntis sila .. yung pakiramdam ng may buhay sa loob mo .. yung maranasan yung mga nararanasan ng mga buntis habang lumalaki ang bata sa loob ng tyan . Maramdaman yung unang pagalaw at pagsipa ng baby nya. Gusto nya ding maranasan yung magpacheck up upang malaman kung okay lang ba o healthy ang baby nya .. ang makita sa ultrasound ang baby nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD