chapter 12

1142 Words

Habang hila-hila ako ni Dominique ay nilingon ko pa ang pinanggalingan namin at baka nakasunod sa'min ang tingin no'ng nagbabantay roon pero hindi ko na maaninag ang kinaroroonan nito kaya sigurado ring hindi na kami nito natatanaw. Hindi naman siguro ito magsusumbong kay Ate Sylene na may ibang kasama ang asawa nitong nanood ng sine. Pinili ni Dominique pumuwesto sa kabilang dulo ng upuang malapit sa main aisle na ukupado ng isang magkapareha. Mas gusto ko sana na kami lang talaga sa buong hilera ng mga upuan pero hindi na ako nagreklamo pa. Kinuha sa'kin ni Dominique ang mga bitbit kong shopping bag at basta na lang ipinatong sa bakanteng upuan na malapit sa'min kasama iyong mga dala-dala niya. Unang siyang umupo at tatabi na sana ako sa kanya pero hinila niya ako upang sa kandungan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD