Pagkatapos ilagay ng isang staff iyong mga napili ko sa shopping bag ay nagyaya si Dominique papunta na magmeryenda sa kainang nandito rin sa loob ng mall. Automatic na pala na 'pag may-ari ng mall ang kasamang mamili ay hindi na pinagbabayad. Sana pala dinagdagan ko iyong mga napili ko para worth it iyong pagkabitin ako! Habang nagmemeryenda kami ay sila ni Dominique at Tita Larah lang iyong nag-uusap habang tahimik akong nakaupo sa tabi nila at inuupakan iyong in-order namin. Hindi rin naman nagtagal pa si Tita Larah dahil may dadaluhan pa itong meeting. Kahit na no'ng nagpaalam na ito ay kapansin-pansin ang kawalan nito ng amor sa'kin. "Alam mo, feeling ko ay may lihim na galit sa'kin si Tita Larah," hindi nakatiis kong sabi kay Dominique nang kaming dalawa na lang. "Ayaw niya sig