"Kilala mo ba ang nanay ko?" bigla kong basag sa katahimikang namagitan sa'min ni Rocco. Diretso lang ang tingin ko sa kalsadang tinatahak ng sasakyang minamaneho niya. Hindi ko na alam kung saang parte na kami ng siyudad dahil wala rin naman akong lugar na naisip puntahan. Hindi rin naman siya nagtatanong. "Halos magkaedad lang naman tayo tapos namatay iyong nanay mo sa panganganak niya sa'yo, 'di ba?" Pahinamad niya akong sinulyapan "Nasa ibang bansa ako no'ng isinilang ka at baby pa ako no'ng time na iyon." Tinapunan ko siya nang masamang tingin. Ang haba-haba pa nang sinasabi pwede namang sumagot nang 'hindi'. "Pero mas nauna mo pang nalaman kaysa sa'kin na hindi si Maura ang tunay kong ina," ismid ko. "Noon pa man ay tsismoso ka na talaga," pabulong kong dugtong "Nalaman ko l