05

1117 Words
Chapter 05 3rd Person's POV "May two dads din kami. I mean gay ang tinuturing na namin na mom ngayon," ani ni Azure na nakangiti. Tinanong ni Jasper kung anong nangyari. Naalala niya na hiwalay ang parents nina Loki at sa mommy nila siya nakatira. "Pinalabas ni mom na nag-cheat si dad at pinagpalit siya sa gay. Iniwan kami. Sinabi niya iyon noong nakita niya na kasama ka namin at may nakapagsabi sa kaniyang teachers. Hindi ko alam iyong detalye basta iyon nagalit siya at sinabing layuan ka daw namin." Hindi nakapagsalita si Jasper sa sinabi ni Loki. Sinabi ni Tiago 4 days after mag-transfer si Jasper kinuha sila ng daddy nila. "Mabait iyong second mom niyo?" tanong ni Jasper. Iniba niya kasi may mga nilakdawan sina Tiago mukhang hindi ang mga ito komportable sabihin kung bakit sila kinuha at anong nangyari sa mom nila. "Yes super," ani ni Azure na may malapad na ngiti. Nakatungkod ang dalawang kamay nito sa bench at nakatingin sa kaniya. "Kapag nagagalit sa amin si dad kasi matigas ulo namin at naglilipat-lipat kami ng school para hanapin ka pinagtatanggol niya kami at isa pa nagbayad siya ng maraming detectives para hanapin ka," ani ni Azure. Natawa si Jasper at tinanong kung paano siya nahanap. "Sa pagkakaalam ko hindi niyo alam surename ko, ani ni Jasper. Magkakaiba sila ng room at kahit grade 1 magkakaibigan sila hindi alam ng mga ito ang apilyido niya. "Hindi din namin alam. Basta isang araw may binigay siyang pictures mo at alam namin na ikaw iyon!" ani ni Tiago. Lumambot ang expression ni Jasper matapos marinig iyon. Nagsisisi siya tuloy ngayon kung bakit hindi niya muna pinakinggan ang tatlo. "Pero nalaman namin magta-transfer ka ng ibang school," ani ni Loki. Tinanong ni Loki kung dahil ba sa kanila. "Hindi, nasa ibang school kasi mga girlfriend ko kaya lilipat ako." Bumagsak ang balikat ng tatlo. Napangiti si Jasper at sinabing hindi nila kailangan sumunod. "Bibigay ko address ko at tuwing weekend punta kayo sa bahay namin. Nandoon ako tuwing weekend. Bibigay ko din number ko para hang out tayo minsan. Hindi niyo kailangan lumipat ng school," ani ni Jasper. Natuwa naman ang tatlo matapos marinig iyon. Binigay ni Jasper ang phone niya sa tatlo para kuhanin ang number niya at ilagay ang number nila. "By the way si Desiree ba gumawa 'nan sa inyo? Siya lang mag-isa?" tanong ni Jasper. Napatigil ang tatlo. Sinabi ni Loki na dapat lang iyon sa kanila. Kinidnap daw nila si Desiree. "Sa nalabas niyo pa lang siya ng school na hindi kayo nababalian ng buto duda na ako. Wala ba siyang ginawa sa inyong tatlo?" tanong ni Jasper. Napaubo si Azure. Namula ang tenga ni Loki at hindi makatingin si Tiago. Napa-pokerface si Jasper. Tinanong ni Jasper kung anong ginawa ni Desiree kina Loki. Maaring maliit na tao ang kakambal niya at babae ngunit isa pa din Ortega ang kapatid niya. Malahalimaw ang mga kapatid niyang babae at kung totoo nga na na-kidnap nina Loki si Desiree at nailabas si Desiree siguradong hindi nagkataon lang. "Binugbog niya kami at binalaan na huwag kang guguluhin," sagot ni Loki. Napataas ng kilay si Jasper. Hindi makatingin ang tatlo. Binalik ni Azure ang phone niya. Sinabi ni Azure na hindi sila gaanong nasaktan doon. Hindi sila binalian ng buto. "Ha? Natutuwa ka pa? Puro pasa iyang mukha niyo?" Nakakwentuhan nina Azure si Jasper at para silang mga bumalik sa pagkabata. Mabait pa din si Jasper at natutuwa silang nakakausap niya ulit ang mga ito. Sinamahan pa nga sila ni Jasper sa clinic para ipagamot ang mga pasa at sugat nito. Kung alam lang nina Loki na injury lang ang way para makinig sa kanila si Jasper sana nagpasagasa na sila sa sasakyan sa labas ng university. "Jasper," tawag ni Fider. Napataas ang kilay ni Fider matapos makita sina Loki. Tumawa si Jasper at sinabing ayos na silang apat— hindi na kailangan ni Fider magalit. "As usual hindi mo din sila natiis," ani ni Fider at nakatingin kay Jasper na napakamot sa ulo. "Saan pala punta mo? Nasaan sina ate?" tanong ni Jasper. Sinabi ni Fider na nasa locker room. "Pupunta lang din ako ng clinic. Ikukuha ko ng sanitary pad si Lucky. Wala siyang dala na extra," ani ni Fider. Napangiwi sina Loki. Tinanong ni Fider kung bakit nakatingin sa kaniya ng ganoon sina Loki. "Is that— normal lang ba na sabihin iyan ng casual. I mean— girl's thing," ani ni Tiago na nahihirapan i-explain. Tumawa si Fider at sinabing kapag nagka-girlfriend sina Loki sa ayaw nito at gusto bibili ito. Agad na sumagot si Tiago ng no way. Tumawa si Jasper at sinabing anong no way. "Wala akong girlfriend." Sinegundahan iyon nina Loki at Azure. Sinabi ni Azure na nakakahiya iyon. Ngumisi na lang si Fider at umalis sinabing pupunta pa siya sa clinic. Nagpaalam na siya sa apat. "Hindi iyon bigdeal kay Fider katulad ko puro babae kasama namin sa bahay. Minsan pa nga siya naglalaba ng mga undergarments ng mga kapatid ko," ani ni Jasper. Nasabi nga ni Jasper na butler sa mansion nila si Fider at parang kapatid na din nila. "By the way sundin niyo mga sinabi ng nurse," ani ni Jasper. Sa pangalawang palapag nasa railing si Desiree. Nakahawak ang babae sa bakal at nakatingin kay Jasper kasama sina Loki. Nakangiti ang mga ito kay Jasper at masayang nakikipag-usap. Nakaramdam ng pagkairita si Desiree. Hinawakan ni Jasper ang ulo ni Azure at ginulo ang buhok nito. Nagpaalam na din si Jasper maya-maya. Halata sa mukha nina Loki ang saya habang kumakaway kay Jasper. Patungo na sila sa building para pumunta sa next class nila nang pare-pareho silang mapatigil at napatingin kay Desiree na nasa pangalawang palapag. Madilim ang anyo nito at diretsong nakatingin sa kanila. Biglang umihip ang malakas na hangin. Umalis si Desiree at naglakad palayo. "Sa atin ba siya nakatingin kanina?" tanong ni Azure. Tinanong ni Tiago kung anong problema ni Desiree. "Who knows at isa pa anong pakialam natin sa kaniya. Binugbog niya tayo kahapon," ani ni Loki at tinahak na ang daan pabalik ng building. "Kasi kinuha natin siya at ginamit," ani ni Azure. Sumama ang timpla ng mukha ni Loki at lumingon sa kapatid. "Bakit lagi mo siyang kinakampihan? May gusto ka ba sa bruha na iyon?" tanong ni Loki. Sinabi ni Azure na maganda si Desiree. "Tapos ang cool niya pa," dagdag ni Azure na parang kinikilig. Nagkibit-balikat si Tiago. "You talking nonsense again." Hinabol ni Azure ang mga kapatid niya at sinabing maganda naman talaga si Desiree at cool. "Pwede ba Azure. Minsan ayusin mo naman ang taste mo sa babae. Mas mukha pa iyon lalaki sa iyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD