Chapter 04
3rd Person's POV
"Atleast give me a kiss," ani ni Desiree. Hindi gumagana ang death threat ni Desiree sa tatlong lalaki. Tinamaan din siya ng konsensya dahil halata naman na mabubuti ang mga itong tao at siguradong papatayin siya ng kakambal niya kapag may ginawa siyang hindi maganda sa mga ito.
"s*x o kiss? Wala sa choices nag no," ani ni Desiree. Nalaglag ang panga nina Loki— sa huli nag-demand pa din ito.
"Okay kiss lang," ani ni Tiago. Napamura si Tiago sa isipan. Paano ba siya napunta sa ganoon na sitwasyon. Nilapit niya ang labi sa labi ni Desiree at idinikit ang labi niya sa labu ng babae. Lalayo ito nang kabigin ni Desiree ang likod ng ulo niya at bahagyang kinagat ang labi niya. Naibuka ni Tiago ang mga labi at napatigil siya matapos maramdaman ang dila ni Desiree sa loob ng bibig niya. Nabato sa kinauupuan si Tiago at matagal bago nag-sink in sa kanita ang nangyayari.
May naramdaman siyang matamis at medyo maanghang. Nang maghiwalay ang labi nila tulala si Tiago. Napasiksik ito sa sulok at hinawakan ang bibig. Namumula ang tenga ni Tiago.
"Ha? So? Hindi kayo marunong humalik?" tanong ni Desiree na nagtatawa. Napatigil si Desiree matapos may kumabig sa kaniya at hinalikan siya sa labi. Si Loki iyon— naging marahas si Loki at mukhang tina-try talaga nito itago iyong idea na hindi ito marunong humalik.
But hindi ibig sabihin 'non ayaw ni Desiree. Mas gusto niya iyong pagiging reckless ni Loki. Nakipagsabayan siya sa lalaki— sa paghalik nalalaman niya kung anong klaseng lalaki ang mga kaharap niya.
Masasabi ni Desiree na nahanap niya na ang perfect guy para sa kaniya. Noong maghiwalay ang labi nila salubong ang kilay na tinanong si Desiree kung sino ang hindi marunong humalik.
Namumula ang tenga ni Loki hanggang sa leeg ngumisi si Desiree at sinabing hindi porket naging aggresive ito maitatago na nito na hindi marunong si Loki humalik.
"Ako— ako marunong!" ani ni Azure at nagtaas pa ito ng kamay. Sinabi ni Tiago na hindi iyon ang bagay na dapat ikatuwa ni Azure.
"Okay Azure. Give me a kiss," ani ni Desiree na may ngisi sa labi. Hinalikan ni Azure si Desiree— si Azure ang unang nag-first move. Ipinasok ni Azure ang dila niya sa bibig ni Desiree at nakipag-espdahan dito gamit ang dila. Nahawakan ni Desiree ang batok ni Azure at mas lalong pinalalim ang halikan nilang dalawa.
Naitulak ni Azure bahagya si Desiree at natakpan ang bibig. Sinabing hindi siya makahinga. Napa-pokerface sina Loki.
"Saan ka natuto ng ganoon? May girlfriend ka ba?" tanong bi Desiree. Kung meron malas ang babae— hindi siya papayag na may makakuha sa isa sa magiging mga laruan niya.
"Ha? Wala akong girlfriend. Nakita ko lang iyon sa anime na napapanood ko."
"Hindi anime iyon!" sabay na sigaw ni Loki at Tiago. Napa-ha? Si Azure. Napangisi na lang si Desiree— mas nakikitaan si Desiree ng interes sa mga lalaki.
Napatigil ang tatlo matapos sila halikan ni Desiree sa pisngi. Napasiksik ang mga ito sa sulok.
"Kita-kita na lang ulit sa university bukas," ani ni Desiree na may ngisi sa labi bago tumayo.
"Wi-wait! Sabi mo tutulungan mo kami kausapin si Jasper," ani ni Loki. Tumalikod si Desiree at sinabing ipakita lang nina Loki ang pasa nila sa mukha ay imposibleng hindi sila pansinin ni Jasper.
Kinabukasan,
Walang ginawa ang mga teachers at classmate nila kung hindi tanungin sila kung anong nangyari sa mukha nila. Sinabi lang nila napagtripan sila sa labas kaya iyon nabugbog sila.
"Masakit ba?" tanong ng isa sa mga babaeng feeling close kina Azure. Nasa labas sila ngayon ng building kung saan ang classroom ni Jasper.
Sinadya nilang maghintay doon para kausapin si Jasper.
"Jasper! Wait!" sigaw ni Tiago matapos nila makita si Jasper na naglalakad sa hallway patungo sa kabilang building.
Tumakbo palapit sina Tiago kay Jasper. Humarang ang mga ito sa daanan ni Jasper. Matama nilang tinitigan si Jasper Ortega.
"Anong nangyari sa mukha niyo?" tanong ni Jasper. Napakamot sa pisngi si Tiago at yumuko.
"Nabugbog kami ng kakambal mo," ani ni Tiago. Nagulat si Jasper at tinanong kung anong nangyari.
"Kasi ang totoo kinuha namin siya para pumunta ka at kausapin kami pero promise! Hindi namin siya sinaktan o hinawakan!" ani ni Loki at nakataas ang kamay. Sila pa nga na-harassed ng kapatid ni Jasper pero hindi nila maari iyon sabihin. Napa-pokerface si Jasper.
Ibig sabihin si Loki nga ang tumawag sa kaniya at sinabing hawak nga ang isa sa mga kapatid niya. Tinawagan ni Jasper si Desiree kahapon sumagot naman ito at inakala niya na prank calls lang talaga iyon.
"Hindi ko alam ngayon kung maiinis ako sa inyo ngayon o maaawa," ani ni Jasper. Sinapo niya ang noo.
"So? Ano ngayon ang gusto niyong gawin ko? Bigyan kayo ng pang-hospital fees?" tanong ni Jasper. Sinabi ni Loki na kung pwede kausapin sila at hayaan mag-explain.
Nasa school garden ngayon si Jasper kasama sina Loki. Kaharap ni Jasper ngayon sina Loki.
"Actually, wala kayong dapat i-explain. Naiintindihan ko na naniniwala kayo sa mga issue na iyon since lambutin talaga ako at isa pa kapag nangialam kayo siguradong pati kayo ibu-bully ng mga kaklase natin. Bata pa din naman kayo that time," ani ni Jasper. Tinanong ni Loki kung bakit sila iniiwasan.
"Kasi naalala ko lahat ng nangyari sa akin. Ginawang pambabastos sa akin Brent noong may mga nagpakalat nga na crush ko siya," ani ni Jasper. Sinabi nina Loki na akala nila galit si Jasper.
"Gusto ko lang ng space at isa pa nabigla din ako sa pagdating niyo dito," ani ni Jasper. Sinabi ni Azure na hinanap talaga nila si Jasper.
"Bakit?" tanong ni Jasper. Napakamot si Tiago sa ulo at sinabing si Jasper na iyong parang pangalawang parents nila.
Kaedad ni Jasper si Loki at Tiago, bata naman ng isang taon si Azure. Naalala niyang siyang umakto na mga kuya dito since mas matangkad siya at gusto niya ng mga kapatid na lalaki.
"Pwede ba umupo kayong tatlo diyan sa bench. Sumasakit leeg ko sa pagtingala sa inyo. Ano bang kinakain niyo at ang lalaki niyong tao," ani ni Jasper. Para naman mga tuta na umupo ang tatlo sa bench.
"Kakausapin mo na kami?" tanong ni Loki. Bumuga ng hangin si Jasper at sinabing hindi naman siya galit kina Loki.
"Hindi ko din kayang magalit sa inyo ng matagal— iniiwasan ko lang kayo kasi katulad 'nan may kumakalat na naman na boyfriend ko si Loki."
"Hindi na tayo mga bata," sagot ni Loki. Sinabing kaya nilang pilipitin iyong leeg ng mambu-bully kay Jasper.
"Wala kaming pakialam sa mga iyon. Huwag mo na kami iwasan Jasper," ani ni Tiago. Niyakap siya ni Tiago na parang bata katulad ng ginagawa nito dati noong bata pa ito.
"Loko!" pinukpok ni Jasper ng mahina sa ulo si Tiago ng libro. Napahiwalay si Tiago at napahawak sa ulo.
"Ayoko ng issue at sabi niyo nga hindi na tayo mga bata. Huwag mo ng gagawin iyan tiyaka isa pa kapag nakita ka ng mga girlfriend ko babalian ka ng buto 'non," ani ni Jasper. Tiningnan siya ni Loki na may pagtatakha sa mukha.
"Mga?"
Naitikom ni Jasper ang bibig. Kalaunan napabuga ng hangin si Jasper at umupo sa kabilang bench. Ini-explain niya nga na apat ang girlfriend niya, may tatlo din siyang mommy at anim na kapatid na babae.
Tiningnan ni Jasper sina Loki. Napataas ang kilay ni Jasper at napatanong kung hindi ba ito mga nagulat o ano.
"Noong elementary tayo tatlong iba't ibang babae iyong pumupunta ng school para sunduin ka at tinatawag mo silang mommy," ani ni Loki. Sinabi ni Azure na medyo complicated iyon, kakaiba pero wala sila sa posisyon para isipin iyon at i-judge.