06

1124 Words
Chapter 06 3rd Person's POV "Hindi ka ba tinuturuan ng tamang asal ng parents mo." Hindi ngayon alam ng tatlo kung anong ginagawa nila sa harap ni Desiree. May binu-bully itong nerd na babae at binuhusan ito ng juice. "So? Kung hindi? Aampunin niyo ako? Maga-act na parents ko? Simulan ko na ba kayo tawaging daddy ngayon?" tanong ni Desiree na nakangisi. Napatigil si Desiree matapos siya bahagyang pukpukin ni Loki ng plastic bottle sa ulo. "Behave and make your daddy proud," ani ni Loki. Napatigil si Tiago at Azure matapos marinig iyon. "Loki," may diin na sambit ni Tiago at siniko si Loki. Seryoso sila doon tapos babanat ng ganoon si Loki. "What? Hindi masabihan then sabayan mo," sagit ni Loki. Minura ni Tiago si Loki at tinanong kung anong klaseng logic iyon. Hindi na nila madedma si Desiree. The more kasi na nakikita nila ito naaalala nila si Jasper at binilin nga sa kanila ni Jasper si Desiree after na makita nga ni Jasper sila na kaaway su Desiree. "Nasaktan ka ba?" tanong ni Tiago. Tumayo ang babae at namumulang tumango. Napairap si Desiree at hahampasin ito ng tray nang kuhanin iyon ni Loki. Sinabihan si Desiree na behave. "Ayoko nga bakit ako magbe-behave hindi ko kayo tatay!" umuusok ang ilong na sigaw ni Desiree. Naiinis siya dahil sinusubukan siya palagi kontrolin ng tatlo. Hindi siya papayag. Napatigil si Desiree matapos biglang isampa ni Loki sa balikat niya si Desiree at dalhin palabas ng cafeteria. Nagsisigaw ito at pinaghahampas sa likod si Loki. "Bitawan mo ako!" sigaw ni Desiree. Napatigil si Desiree matapos hampasin ni Loki ang pang-upo ni Desiree at sinabing manahimik ito. "Sa susunod huwag kang patanga-tanga. Nababasa mo naman yata na entrance ito hindi ba?" ani ni Tiago at tinuro iyong kabilang pinto. Binigyan ni Tiago ng pera iyong babae pambili ng juice at uniform. Hinabol ni Azure sina Loki at sinundan sila ni Tiago. "Buhay pa ba iyan?" tanong ni Tiago. Tahimik na kasi si Desiree. Dudutdutin ni Azure ang ulo ni Desiree nang bigla itong tumingin at kinagat si Azure out of frustration. "Ahh!" Napatigil si Loki. Kinagat ni Desiree si Azure at ayaw nito bitawan. Pinisil ni Azure ang ilong ni Desiree. Binitawan ni Desiree ang kamay ni Azure ngunit nanatili ito nakahawak sa braso ni Azure at ayon nga nagkarambulan sila sa field. "Mga epal kayo! Lagi niyong sinisira ang araw ko!" Itinali ni Tiago ang kamay ni Desiree gamit ang kurbata niya at tinalian naman ni Azure ang bibig ni Desiree para hindi mag-ingay. May mga dumating na staff ng university at tinanong kung anong nangyayari. Napatingin sina Azure. "Kami iyong bagong parents ni Desiree kaya—" Tinakpan ni Tiago ang bibig ni Azure. Sinabi ni Tiago na may play silang pina-practice. Nagdududa ang staff. "Ayon, iyong leader namin. Fider!" tawag ni Tiago. Napatingin si Fider na kasama ngayon sina Lucky. Napatigil sina Azure dahil hindi nila nakita na kasama ni Fider iyong mga kapatid ni Desiree. "Yari," bulong ni Loki. Lumapit si Fider na papasok ng cafeteria at naka-varsity uniform. "Anong play? Kilala mo sila?" tanong ng staff kay Fider. Tumingin si Fider kay Loki buhat si Desiree na tinali ng mga ito. "Galing mo mag-act Desiree. Keep it up sis," ani ni Destiny. Pinalo-palo pa ang pang-upo ni Desiree. Nagpapasag ito. "Ah— yes. Para sa performance task namin sa fine arts. May problema ba?" tanong ni Fider. Sinabi ng mga staff na wala naman pero hindi dapat doon nagpa-practice sina Loki dahil napaka-disturbing ng stunts nila. Pinigilan ni Lucky matawa. Umalis na ang staff. Tinanong ni Fider kung ano na naman pinaggagawa ng apat. "Bago kaming daddy ni Desiree," sagot ni Azure. Tumawa si Destiny at sinabing isusumbong nila si Desiree. Nagpaalam na sina Fider. Binilinan niya si Azure na umattend mamaya ng practice. Sumaludo si Azure at binitbit na nga ni Loki si Desiree. Pumunta sila sa likod ng school building nila at ibinaba na si Desiree. Agad umigkas ang paa nito at nasipa si Loki sa sikmura. Napamura si Loki— ngunit agad niya na nahila ang paa ni Desiree. Napahiga si Desiree sa lupa at babangon ito nang pumatong bigla si Loki. Hinawakan nito ang magkataling kamay ni Desiree at tinaas. "Hanggang ngayon nagugulat pa din ako sa idea na kakambal ka ni Jasper." Biglang inuntog ni Desiree si Loki. Napaalis si Loki sa ibabaw ni Desiree. Nakalas ni Desiree ang tali at inalis ang takip niya sa bibig. Napamura si Loki habang hawak ang ulo. Napatigil si Loki matapos mapahiga siya sa lupa noong tapakan ni Desiree ang dibdib niya. "Tuwing nababanggit niyo ang pangalan ni Jasper at kinukumpara niyo kaming dalawa gustong-gusto ko tanggalin ang mga dila niyo," ani ni Desiree. Napatigil si Desiree matapos may braso na pumulupot sa leeg niya at bumagsak siya. Natawa si Tiago at sinabing masyadong seryoso si Desiree. "Alam namin iyon. Magkaiba kayong dalawa. Siyempre babae ka," ani ni Tiago. Inupuan ni Azure ang mga hita ni Desiree na napa-pokerface na lang. "Hah! Nasabi ko na bang nakaka-bwisit kayong tatlo," ani ni Desiree na binaba na ang mga kamay. Nakatayo na ngayon si Loki sa gilid niya at nakatingin sa kaniya. "5x mo sinabi ngayong araw— 34x mo binanggit for the whole week," ani ni Loki. Minura ni Desiree si Loki na tumawa lang. Hindi yata kumpleto ang araw nina Azure kapag hindi nila nakikita ang iritasyon sa mukha ni Desiree. "Diba sabi ko sa iyo huwag kang magmumura. Ang pangit sa babae ng nagmumura," ani ni Loki. "f**k you! f**k you! f**k off! f**k! f**k—" Napatigil si Desiree matapos siya halikan ni Loki. Kusang bumuka ang bibig ni Desiree at hinalikan pabalik si Loki ngunit— "Damn you!" Kinagar ni Loki ang dila ni Desiree. Hindi naman nagkasugat ngunit nasaktan si Desiree. "Gusto ko din ng kiss," ani ni Azure at nakalagay ang daliri sa ilalim ng labi niya. "Grr— assholes! Sinong may sabing pwede niyo ako halikan hanggang sa gusto niyo! Harassment—" Hinalikan siya ni Azure. Napamura si Desiree dahil hindi niya mapigilan hindi sumagot at bumigay lalo na kung sina Loki ang humahalik sa kaniya. "Sa iyo pa nanggaling iyong harassment?" ani ni Azure at hinawakan ang baba niya. Masyadong bayolente, wild at sadista si Desiree ngunit agad na bumabaliktad ang sitwasyon kapag ito na ang naha-harassed at nako-corner. "Grrr— ginagamit niyo ba ang mukha niyo sa akin?" tanong ni Desiree na madilim ngayon ang mukha. Feeling niya nadadaya siya doon. May sekretong sinabi si Jasper sa kanila about kay Desiree. Iyong kahinaan nito sa mga gwapong lalaki. "Ha? Anong sinasabi mo?" tanong ni Azure na may inosenteng expression. "Hindi naman siguro namin kasalanan na pinanganak kaming magandang lalaki."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD