MIKAELA MICHEL "HALA, LUMAKAD na kayo at umuwi dahil alam kong mga pagod kayo sa pagbabantay. Kailangan niyo ring magpahinga, baka kayo naman ang magkasakit." "Pero Na, gusto kong alagaan ang baby namin." "Ako na munang bahala sa kanya kaya wag kang mag-alala." "Hon, Nana Lily is right. Kailangan mo ring magpahinga at sasaglit ako sa office, babalik rin tayo mamaya. Let's go." Naalimpungatan ako pero rinig na rinig ko ang pamilyar na boses ng mga magulang ko at ni Nana Lily. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Pinilit kong dumilat kahit tila namimigat ang mga mata ko. Masama ang pakiramdam ko. Bumungad sa paningin ko ang puting kisame. Nasaan ako? "Mabuti naman iha gising ka na." Napalingon ako kay Nana Lily, bakas ang pag-aalala sa mukha. "Nasan po ako 'Na? Hindi po ito