SECOND ILANG ORAS akong tumambay sa labas ng hospital. Nang tuluyang mawala ang galit ko muli akong pumasok para kumustahin ang lagay ni Princess. Nakapamulsa akong naglakad papasok, unti unti rin akong napahinto nang makita si Kuya First at Cristine. Paalis na sila. Makakasalubong ko sila sa pasilyo. Ilang hakbang nalang ang layo namin nang huminto ito sa harapan ko, humarang. Hindi ko inaasahan 'yon, naiirita akong tumingin sa kanya. "What?" Ilang sandali niya akong pinakatitigan habang ang babae nasa likod niya. "We're going to U.S. Mamaya na ang flight namin." Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong paki ko, mabuti nga. Lumayo na kayo bago pa lumala ang sitwasyon tutal naman wala ka namang pananagutan na pwedeng maging dahilan para manatili ka, right?" makahulugan kong tanong. Humugo