MIKAELA MICHEL "PAKASALAN nalang kaya kita?" biro ko. Tinignan niya ako ng masama. Nagpiece sign ako. Tumawa. Hindi ko alam kong namalikmata ako o ano, nakita kong naging malamlam ang titig niya sa'kin. Pagtingin ko ulit masama pa rin naman ang tingin niya. Assuming ka na talaga, Mikaela Michel. "Puro kalokohan talaga ang lumalabas sa bibig mo." Salubong ang mga kilay niya, pinaghiwalay ko 'yon gamit ang hintuturo ko. Ganon pa rin ang posisyon namin. Hindi na siya bumalik sa pagbabasa, ang mga braso ay ginawang unan. Kinikilig ako abot hanggang langit at wala akong paki kahit mahalata niya. Alam ng lahat na mahal ko siya. "Hindi 'yon kalokohan kung papayag ka, bukas agad." Nagningning ang mga mata ko sa tuwa. "Tigilan mo ako sa kabaliwan mo." Kabaliwan? Para sa kanya kabaliwan pal