MIKAELA MICHEL "SA LARO ng pag-ibig, ang siyang mahuhulog ng pinakamalalim siyang talo. Lalo kung ang taong mahal mo nakalimot na samantalang ikaw nasa anino pa rin ng nakaraan. Maraming nagtatanong kung paano nga ba magmove on? Walang sino man ang may mabisang sagot at solusyon dahil ito ang pinakamahirap na stage ng taong gustong kumawala sa sakit. Dahil madali mang makalimot ang isip pero hindi ang puso. Kung gusto mong kumawala--" "Maine, bakit mo pinatay? Paborito ko pa namang DJ 'yong nakaere." Nakakainis. Naging abala ulit siya sa pagbabasa matapos patayin ang radyo. "Maingay," simpleng sagot niya. Napasimangot ako, tumingin kay Manong Beto na natatawa sa asal ni Maine. Nasa sasakyan kami ngayon, papunta sa bahay ng mga Castillion. Kalalabas lang namin galing school at doon ang