MIKAELA MICHEL NAPATINGIN AKO kay Jake nang iabot niya sa'kin ang baso ng tubig. "Inomin mo muna," sabi niya. Doon lang nawala ang atensyon ng lahat sa'kin. "Sigurado ka na ba? Nag-aaral ka pa at napakabata mo pa para sa bagay na iyan," sabi ni Tita Ninang. Seryoso ito, makataas ang kilay sa gawi nina Cristine. Alam kong ayaw ni Tita sa babae kaya ganyan ang pakikitungo niya. Siguro dahil alam din nila ang tunay na kulay nito. Hindi ko nga maisip kung bakit hindi 'yon makita ni First. Parang lahat ng galaw nito para sa kanya tama. "Kahit kasal na kami mag-aaral pa rin po ako," sagot ni First ko. Sumulyap sa'kin. Mabilis kong nalunok ang tubig na nasa bibig ko. Ang kutsarang hawak ko nabitawan ko, nanginginig ang kamay ko. "Pero bakit biglaan?" "Mommy, hindi biglaan 'yon para sa ba