Acelle's POV
Pagkatapos naming puntahan si Christine sa hospital ay tumuloy naman kami ni Misha sa restaurant nila. Gustong-gusto niya akong pumupunta sa restaurant nila. Ganoon na rin ang parents niya. Sila nga ata ang nag-uudyok kay Misha na ayain ako rito e. Palibhasa't pino-post ko sa social media ko ang mga food nila at selfie namin ni Misha, kaya ang ending ay tatangkilikin din ng mga followers ko ang restaurant nila. Dahil doon ay marami ring nagpupunta rito.
Ngayon, alam ko na kung bakit bumabayad ang mga sikat na brand sa Pinas ng mga sikat na artista. Ito ay para tangkilikin din ng mga tagasunod nila ang produkto nila.
"Sige lang, Acelle. Order ka lang ng kahit anong gusto mo. Kahit ilan pa iyan, free lang sa iyo iyan palagi," sabi ni Misha na inuuto-uto pa ako. Nagpapapungay pa ito ng mata sa akin. Pero impyernes naman sa mga food nila rito, masasarap naman lahat. Kayang-kayang lumaban sa mga mahahaling restaurant na nakikita ko sa Manila. Okay na okay iyong mga lasa ng food nila rito. Hindi mo masasabi na mukhang restaurant lang sa tabi-tabi. Saka, maganda rin ang ambiance ng restaurant nila. Magandang ipang-i********: kaya tatangkilikin talaga, lalo na ng mga kabataan.
"May bago ba kayo?" tanong ko sa kaya habang tinitignan ko ang menu nila.
"Yes, may bago kami. Tamang-tama, mahilig ka sa mga spicy food, 'di ba? Tikman mo itong nakji bokkeum namin," suggest niya kaya napakunot ang noo ko.
"Ano iyon?" tanong ko. Tumawa siya at saka ako sinagot. "Spicy stir fried octopus iyon. Masarap iyan," pagmamalaki pa niya.
Nakakatakam sa picture iyon kaya in-order ko na.
"Ano pa? Wala na bang ibang bago?" tanong ko pa. Sayang naman ang pagpunta ko rito kung iyon lang ang ipo-post ko.
"Mayroon pa. Tikman mo rin itong dolsot bibimbap namin. The best din iyan," sagot niya. Alam ko iyon. Madalas kong makita ang pagkain na iyan sa mga korean drama na pinapanuod ko.
"Aba, bet ko iyan! Sige, push na rin ang dolsot bibimbap, " sagot ko at saka ko siya kinindatan.
"Aba, hindi ka ata nagtanong kung ano ang dolsot bibimbap? Kilala mo na ba ang pagkain na iyon?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Inirapan ko siya. Minamaliit niya ata ako. Hindi niya alam na adik ako sa mga korean drama.
"Oo, alam na alam ko na iyan, Girl! Hotpot mix rice iyan," sagot ko kaya napanganga siya.
"Aba, magaling ka sa part na iyan. Napahanga mo ako," pagpapatawa niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya.
"Aray naman!" asik niya. "Anyway, dagdagan na natin ng korean chicken ang order mo para sulit naman ang pag-post mo sa social media account mo ng mga food namin," sabi pa niya at saka ulit ako kinindatan. Bago niya inabot sa cashier ang order ko ay nag-selfie muna kami. Siya ang nag-post ng selfie namin. Inutasan niya ako na mag-comment na lang doon para lumabas sa mga followers ko ang post niya.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas simula ng mag-post siya at mag-comment ako ay isa-isa nang dumating ang mga followers ko sa restaurant na kinaroroonan namin. Lahat nang pumapasok sa loob ay ako agad ang hinahanap. Naghe-hello muna sila sa akin bago maupo doon. Kung bibilangin ay tila mahigit 50 na tao ang nakita kong pumasok sa loob. Dahil doon ay naaligaga ang mga crew nila sa pagkuha ng mga order nila. Sa tingin ko ay nagpa-panic na ngayon ang chef nila sa kakaluto ng mga order namin. Bigla akong naawa sa chef nila.
"Iba ka talaga, Acelle. Napuno mo agad ang korean restaurant namin," puri niya na tila tumataas pa ang balahibo.
"Gaga, wala iyon. Talagang sikat lang sa panahon ngayon ang mga korean restaurant," sagot ko na kinainis naman niya.
"Echusera ka! Ayaw pang papuri e, ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit narito ang mga iyan. Look, maya't maya ka kaya nila sinusulyapan. Halos kalahati ata ng tao sa restaurant namin ngayon ay puro followers mo e," sabi niya.
"Fine. Oo na, ako na ang dahilan. Maging masaya ka na ngayon at napuno ko itong restaurant niyo," nakangiti kong sabi sa kanya kaya bigla niya akong niyakap.
Kauna-unahang dumating ang order ko. Ginaya na lang din ni Misha ang order ko dahil hindi pa rin pala niya natitikman ang mga bagong putahe nilang iyon. Siyempre, bago ang lahat, bago magulo ang plating food ay kinuhanan ko muna ng picture ang lahat ng iyon. Nakakontrata na ako kay Misha na dapat kong i-post iyon sa i********: at f*******: account ko, kung hindi ay babayaran ko itong lahat ng in-order ko sa kanya. Hindi sa inuuto ko siya. Kayang-kaya ko namang bayaran ang lahat ng iyon. Ang sa akin lang ay support lang ako sa kaibigan ko. Hindi alam ni Misha na alam kong sa kanya itong korean restaurant. Hindi niya alam na sinabi sa akin ng mama niya ang tungkol sa restaurant niya nang gumala ako sa kanila noong nakaraang linggo. Kaya naman ganito na lang kung sumuporta ako sa kanya. Gusto kong maging succesful ang restaurant niya. Hindi ko nga alam ang trip niya e. Mayaman naman sila at hindi naman niya kailangang gawin ito, pero nagpapakahirap siyang palaguin ang kauna-unahang restaurant na nakapangalan sa kanya. Malakas ang kutob ko na may pinaplano sa buhay itong si Misha. Kung ano man iyon ay malalaman ko rin pagdating ng araw. Sa ngayon ay support na lang muna ako sa kanya.
Paglabas namin sa restaurant niya ay hihikab-hikab na ako. Ganito ako kapag busog na busog.
"Anong masasabi mo? Laban ba ang mga lasa ng food rito?" tanong niya habang naghihintay kami sa parehong sundo namin.
"Laban na laban. Pangmalakasan ang lasa. Puwedeng lumaban sa mga mahahaling restaurant," sagot ko kaya nakita kong natuwa siya.
Habang naghuhunta kami tungkol sa mga food ng restaurant niya ay nagulat kami ni Misha sa sumisigaw na babae. Kung hindi ako nagkakamali ay si Leeya na mataray iyon. Tumatakbo siya habang hinahabol ng isang kulay purple na umiilaw na bato. Nanlaki ang mata namin ni Misha nang tumama iyon sa katawan ni Leeya. Kitang-kita namin kung paano lumutang sa hangin si Leeya habang lumiliwanag ang buo niyang katawan. Pagkatapos ay bigla itong nalaglag sa lupa.
"O.M.G!" sabi ko at saka kami nagtinginan ni Misha.
Walang tao noon sa labas kundi kami na lang tatlo. Tumingin kami sa loob ng restaurant ni Misha. Busy ang ilan sa pagkain na tila hindi nakita ang nangyari kay Leeya.
"Namamalik-mata lang ba ako?" tanong ko pa kay Misha na nanlalaki ang mata habang nakatingin kay Leeya na iika-ikang tumatayo ngayon.
"Kitang-kita ko ang nangyari," sagot ni Misha.
Bigla na siyang tumakbo palapit kay Leeya kaya sinundan ko na rin siya.
"Ayos ka lang ba, Leeya?" tanong ni Misha nang lapitan namin siya. Nakangiwi siya na para bang masakit ang buong katawan.
"N-nakita niyo ba ang nangyari sa akin?" tanong niya na nauutal-utal pa.
"Oo, kitang-kita namin," sagot ko.
"Ano ang bagay na iyon? Bakit ako hinahabol ng umiilaw na bato na iyon?" tanong niya na para bang groogy na.
"Hindi rin namin alam. Walang may alam. Kakaiba ang nangyari sa iyo. Pumasok ang umiilaw na bato sa katawan mo e," sabi ni Misha na tila nag-aalala na. "Sabihin mo...anong nararamdaman mo ngayon? Ayos ka lang ba?" tanong pa niya. Naalala ko tuloy si Christine. Hindi kaya ganito rin ang nangyari sa kanya? Kung oo, ano kayang kahiwagaan ang nangyayari dito sa Garay?
Kapag nahimatay si Leeya ay confirm. Ganoon kasi ang natatandaan kong nangyari kay Christine, ayon sa kaklase namin na kapitbahay niya.
"Hindi ako ayos. Naliliyo ako. Umiikot ang paningin ko ngayon. Pakiramdam ko ay nilalamig ang buo kong katawan na para bang masusuka pa ako," sagot niya na nauutal pa rin.
"Teka, maupo ka muna kung hindi mo kaya," sabi ko pero matigas ang ulo niya.
Nakaya pa ri niyang tumayo. Humakbang pa siya nang tatlong beses pero mayamaya ay bigla na rin itong nabuwal kaya agad na naming siyang sinalo para hindi siya mabuwal sa lupa.