Chapter 1 -Peymus

1562 Words
Acelle's POV Ang sarap sa pakiramdam ang maaliwalas na sikat ng araw ngayon. Marami akong naririnig ng mga huni ng ibon na pati ata sila ay natutuwa dahil malaya silang nakakalipad sa iba't ibang puno ngayong araw. Ilang araw na kasing umuulan. May dalawang bagyo na dumaan kaya malungkot ang lahat dahil halos ilang araw din walang pasok sa school. Pagkatapos kong pagmasdan ang mga puno sa hardin namin ay tumuloy na ako sa labas dahil mukhang kanina pa ata naghihintay ang driver ko. Pagsakay ko sa kotse ko ay saktong biglang tumunog ang cellphome ko. Pagtingin ko sa screen ng phone ko ay nakita kong tumatawag si Misha. Agad ko namang sinagot iyon. "Yes, Mish?" "Umalis ka na ba sa house niyo?" tanong niya. Dinig ko sa background niya ang bagong kanta ng Blackpink ngayon. Mukhang na sa bahay pa rin siya. Hindi ata siya na-inform na bawal ma-late ngayon at may surprise quiz ang teacher namin sa English. "Oo, nakasakay na ako sa sasakyan namin. Inihahatid na ako ni Manong Magi sa school natin," sagot ko sa kanya kaya narinig kong nalungkot siya. Gusto na naman siguro niya akong ayain sa coffee shop nila. "Teka, baka ma-late ka. Hindi mo ba nabasa sa group chat natin kagabi na may surprise quiz ang teacher natin sa English kaya bawal ma-late. Ang mahuhuli ay hindi na makakapasok sa room natin," sabi ko pa kaya narinig kong bigla siyang nagtatakbo pababa sa hagdan nila. "Oo nga pala! Mabuti at pinaalala mo. Don't worry, paalis naman na rin ako. Mamaya na lang siguro ako mag-aalmusal," sabi niya at saka na rin nagpaalam bigla. Magto-toothbrush pa raw kasi ang gaga. Pagbaba ko sa linya niya ay bigla naman akong nakatanggap ng message sa isang unknown number. Dulo pa lang ng number niya ay alam ko na agad kung sino siya. "Good morning!" basa ko sa text message ni Czedrick. Napangisi ako. Hindi pa rin talaga siya tumitigil sa pagpapansin sa akin. Kainis kasi si Misha. Bakit kasi ibinigay pa niya ang number ko sa lalaking iyon. Ang gwapo-gwapo naman niya kaya bakit ba sa akin siya nagsusumiksik? Marami naman ibang magagandang babae sa school kaya bakit ako pa? Marami tuloy ang nagtatanong sa akin na bakit daw ayaw ko siyang pansinin? Bakit daw pilit kong sinusupladahan si Czedrick e, suwerte na raw naman raw ako sa kanya. Ang guwapo na, mayaman, sikat at mabait pa. Tuwing madidinig ko iyon ay napapairap ako. Isa lang ang sinasagot ko sa kanila. Ayoko nang gulo. Alam ko kasing maraming fans iyon. Maraming may crush sa kanya. Ayokong magkaroon ng kaaway sa school. Palagi ko kayang napapanuod mag-basketball iyon. Ang daming tumitiling babae sa kanya. Hindi sa 'di ko siya bet, crush ko naman siya at inaamin kong minsan ay kinikilig din ako sa mga banat niya sa text message niya sa akin, kaya lang ay kailangan ko pa rin siyang suruin. Titignan ko kung hanggang saan aabot ang pagtitiis niya sa pagiging suplada ko. Kapag nakatiis siya ng ilang buwan sa akin ay sige, susubukan ko siyang pansinin ng isang beses. Kung talagang bet niya ako at seryoso siya ay magtitiyaga siyang paamuhin ako. "Narito na po tayo, Ma'am Acelle," sabi ni Manong Magi sa akin nang huminto siya sa tapat ng Casay National High School. Bababa pa sana siya para pagbuksan ako ng pinto pero pinigilan ko na siya. "Huwag na po kayong bumaba at marami ng sasakyan na nakahinto sa likod. Pagbaba ko e, umalis na po kayo ka agad at traffic na kasi sa likuran natin," sabi ko kaya tumango na lang siya at nagpasalamat sa akin. Pagbaba ko sa sasakyan ay nakasabay ko naman si Leeya na kakababa lang din sa sasakyan niyang kulay violet. Siya ang nag-iisang student dito na half korean, half filipina na sikat sa pagiging writer at vlogger. Hindi ko siya close. Medyo may pagkamataray kasi ito at sabi pa ng iba...sa social media lang siya mabait. Nagtama ang mga mata namin, pero agad rin niya akong iniwasan nang tingin. Nauna na siyang pumasok sa gate. Kahit ang paglalakad niya ay mukhang ang taray-taray pa rin. Minsan tuloy ay kinakatakutan siya ng iba dahil tingin pa lang ay mukhang mananapak na. Nakakainggit nga ang katawan niya dahil puwedeng-puwede rin siyang maging model. Pero ganunpaman ay gusto ko siyang maging ka-close. Sabi kasi ni Misha ay mabait naman ito kapag naging close mo na siya. Bakit niya nasabi? Dahil magka-close na kasi sila. Parehas kasi silang adik sa pagkain ng mga korea food. Nang ako na ang pumasok sa gate ay sinalubong agad ako ng mga estudyanteng followers ko sa social media ko. "Good morning, Miss Acelle!" "Hello, Miss Acelle!" "Ang ganda mo talaga, Miss Acelle!" "Ang swerte natin at araw-araw natin siyang nakikita!" Ilan lang iyan sa mga palagi nilang bati sa akin tuwing umaga. Araw-araw silang ganyan. Sila ang mga likers at commentor ko sa social media. Hindi ko naman inaakalang gagawin nila sa akin iyon dahil lang sa maganda at mabait ako. Nag-umpisa akong maging famous nang ipagtanggol ko ang isang estudyante na binu-bully ng isa sa mga bully na student dito sa Casay National High School. Naka-video kami noon. Kitang-kita sa video kung paano ko ipahiya ang isang grupo ng babae na binubuhusan ng juice ang isang kaawa-awang babae estudyante na walang laban sa kanila. Inagaw ko sa leader nilang babae ang juice at saka ko ibinuhos sa kanila ang natitirang juice sa boteng iyon. Natatawa pa ako nang mapanuod ko iyon. Sa huli kasi ay nagpalakpakan pa ang mga nanunuod na estudyante sa amin. Nag-viral iyon. Ang daming pumuri sa akin. Isa raw akong super hero sa mga binu-bully na estudyante sa school namin. At doon na nga nagsimulang dumami ang followers ko sa lahat ng social media account ko. Araw-araw tuwing papasok ako ay para akong artista na palaging binabati ng mga kapwa ko estudyante. Pagpasok ko sa room namin ay nagulat ako sa upuan ko. May nadatnan akong isang supot ng cookies na may kasama pang notes. Naupo ako at saka ko binasa ang nakasulat doon. "Good day, Miss Acelle. Smile lang palagi. Sana, soon...lumambot na ang puso mo sa akin," basa ko sa notes na galing pala kay Czedrick. Napapailing na lang ako. Ang kulit talaga. "Sana all may cookies," dinig kong sabi ni Misha. Nanlaki pa ang mata ko nang makita ko siya. Mabuti na lang at nakaabot siya. Nakita kong basa pa ang buhok ng gaga. Mukhang nagmadali na rin siyang pumasok. "Bet mo ba?" alok ko pero umiling lang siya. Naupo na siya sa tabi ko at saka kinutkot ang bag niya. Mukhang may baon siyang bala. "Bigay sa iyo iyan kaya ikaw ang kumain niyan," sagot niya at saka niya inilabas sa bag niya ang dala niyang cupcake na mukhang dinaanan pa niya sa coffee shop nila. Sinabayan kong kumain si Misha habang naghuhuntahan kami. Scam ang teacher namin sa English. Pinapasok niya lang kami ng maaga para madatnan niyang buo na kami. Lahat tuloy ng palaging late pumasok ay narito na ngayon. Lahat ay naiinis dahil naloko raw sila. Tatawa-tawa tuloy ang English Teacher namin nang pumasok siya sa room namin na buo kaming lahat. Sinadya niya raw ito para makita kaming buo ng umaga para good mood daw siya. Pero ganunpaman ay hindi siya nagtagumpay dahil kulang pa rin kami ng isa. Wala si Christine. "Bakit kaya hindi pumasok si Christine ngayon?" tanong ko kay Misha. Kanina pa ako lumilingap sa likuran namin. Blanko pa rin hanggang ngayon ang upuan niya. Madalang siyang mag-absent kaya nakapagtataka na wala siya ngayon. Kulang tuloy kami ni Misha. Walang madaldal na nerd na nangungulit sa amin habang nagtuturo ang teacher namin. Nagulat ako nang kalabitin ako ng katabi ko. "Hindi talaga papasok iyon," sabi ng isang kaklase namin na nasa gilid ko. "Bakit? May sakit ba siya?" tanong ko. "May sakit ata sa ulo," sagot niya na kinalito ko. Nainis pa ako ng kaunti sa kanya dahil kaibigan namin si Christine. "Hindi ako naniniwala sa kumakalat na balita sa amin. Ang sabi kasi ng kapitbahay nila ay may umiilaw na bato raw na tumama sa katawan niya. Ito raw ang kuwento ni Christine nang maayos pa itong nakauwi sa bahay nila. Pagkatapos noon ay nahimatay na lang ito bigla at hanggang ngayon ay hindi pa nagigising. Dinala nga raw siya sa ospital, pero wala namang nakitang mali sa katawan niya. Hindi siya comatose. Tulog lang daw ito," kuwento pa niya na kinagulat ko. "Grabe naman iyon. Sana naman ay okay lang siya," sagot ko habang kinakain ko nang palihim ang cookies na bigay ni Czedrick. Pagkatapos ng klase ay napag-usapan namin ni Misha na dalawin si Christine. Pinuntahan namin siya sa hospital dahil malapit lang naman iyon sa Casay National High School. Gaya nang sinabi ng kaklase namin ay tulog pa nga rin ito hanggang ngayon. Hindi naman siya comatose, sadyang tulog lang siya na naghihilik pa. Nakapagtataka nga lang. Anong klaseng bato kaya ang tumama sa kanya at nakatulog siya na parang naging si sleeping beauty. Sana ay magising na siya. Hindi kasi kami buo ni Misha ng walang nerd na makulit sa buhay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD