HINAMIG muna ni Kevin ang sarili bago bumalik sa opisina niya. Baka hindi niya matantiya ang sarili at masaktan lamang ang babae. Isang malalim na hininga ang pinakawalan bago tuluyang lisanin ang malawak na silid na iyon na pinagdadausan ng kanilang meeting nang tumunog ang cellphone niya. Napamaang siya lalo nang makitang ang tiyuhin ang nasa kabilang linya. "Hello!" Galit na sagot sa cellphone. "Relax Iho. Mukhang mali ang gising mo," anito na tila nang-iinsulto. "Kung tumawag ka lang tito para insultuhin ako. Wala akong panahon," matigas na wika saka papatayan ito. Ngunit maagap na nagsalita ang matanda. "Kapag pinirmahan mo ang papeles, makakaasa kang hinding-hindi na kita kukulitin," pangungulit pa nito.