Chapter 1: Girl on Mission
"Stop pretending that we're on. 'Cause we're done," walang gatol-gatol na wika ni Kevin sa ex- girlfriend na si Bianca habang nasa isang party ng common friend nila.
Halos sila ang naging center of attraction dahil sa tagpong iyon. Parang gusto nang lumubog sa kinauupuhan si Bianca sa pagpapahiyang iyon ni Kevin.
"Damn you, assh*le!" Gilalas na mura nito dahil inis saka padabog na umalis sa kaniyang harapan.
"Dude, don't too harsh to Bianca. After all she'd been a good girlfriend to you," tapik ni Chris sa kanya matapos mag-walkout ang dating kasintahan.
Napangiti na lang si Kevin sa sinabi ng kaibigan. "You're right Dude but we're done. I don't know why she acted that we still together," giit pa rin niya rito.
Maging ito ay napangiti rin sa sinabi niya. Muling kumuha ng alak sa waiter na dumaan saka inisang lagok.
"Maybe she can't get over sa kamandag mo," pabirong wika nito sa kanya saka malakas na tumawa. Kuha naman agad ni Kevin ang ibig sabihin ng kanyang kaibigan na nakitawa na rin. "Anyways, you don't have girlfriend right now? How could a Kevin Nicholson Montealegre survive without woman in his life?"
Ngumisi si Kevin sa narinig buhat sa kaibigan. "Who said I don't have. In fact, I can have every girl I want," ngisi pa rin sa kaibigan saka tinaas ang kinuhang kopita. "Cheers for the new prospect!"
Umiling na lamang ang kaibigan saka tinaas rin ang kopita nito. "Cheers para sa bagong paiiyakin mo!" Banat nito na kinatawa naman niya.
What's new? Bianca became possessive, she left him with without any choices than to let her go. He don't want any woman acted like they we're entitled to hold him and prohibited him to what he likes to do.
"Oh s**t! Wala na ngang makain, lasenggero ka pang herodes ka. Paksyet!," sigaw ni Surene habang nakatunghay sa ama-amahang nakabulagta sa may pintuhan ng bahay nila. Kung pwede niya nga lang itong sipain ay ginawa na niya.
Sawang-sawa na siya sa pagiging mahirap. Tutal ay dise otso na siya ay maaari na siyang umalis sa poder ng ina at ama-amahan. Awang-awa siya sa ina ngunit kagaya niya ay matigas din ang ulo. Nagpapabilog sa ama-amahang batugan.
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang ina na galing sa paglalabada. Mabilis nitong dinaluhan ang ama-amahang nakabulagta at inayos ito ng higa. Napabuntong hininga na lamang siya dahil hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin sa ina upang kumbonsehin itong iwan na ang ama-amahan.
"Inay, hindi pa ba kayo naaawa sa sarili niyo halos maghapon na kayo nagtatrabaho maibigay lang lahat ng mangangailangan ng tiyong. Tapos ganito pa?," inis na pangaral sa ina.
"Anak, kapag nagmahal ka. Malalaman mo kung bakit ko ito ginagawa," malumanay na sagot ng ina.
Nagngalit ang panga niya sa narinig buhat sa ina.
"Nagmahal? Pagmamahal ba ang tawag diyan inay! Pagpapapakatanga, iyan ang tawag sa ginagawa mo," giit sa ina.
Ngunit wala na siyang narinig pa sa ina dahil pumasok na ito sa maliit nilang kusina. Hanggang sa narinig na lang niyang tinawag siya nito.
"Surene may pansit akong dala at kanin. Kumain ka kung nagugutom ka," anang ng ina na may dalang palanggana at bimpo upang punasan ang pinakamamahal nitong lalaki.
Napabaling baling na lang siya ng ulo saka pumasok sa silid. Nawalan na rin siya ng ganang kumain kahit kumakalam ang sikmura. Mas lalong nainis nang maalalang nabulilyaso pa ang lakad nila kanina nina manang Rosa, di sana ay nakakain na siya sa labas.
Pagpasok niya sa silid ay nabulwagan ang malaking salamin. Lalagpasan na sana ni Surene nang makita ang pigura. Napatitig siya saka hinawakan ang beywang. Maliit ang beywang niya na sumusukat lamang ng 24 pulgada samantalang halos perfect ang dibdib at pwetan niya. Sexy siya ngunit nakatago lamang ang alindog sa maluluwang at kupasing mga kasuutan.
Maya-maya ay ang mukha naman niya ang napagdiskitahang titigan. Maganda siya. Kahawig niya ang isang sikat na artista. Kung mag-aayos lang siya ay hindi maitatanggi ang angking kagandahan. Naaalala ang offer sa kanya ng kaibigang si Weng. Si Weng ay anak ng mayordoma sa bahay ng mga Villareal. Ang pinakamayamang angkan sa kanilang probensiya. Nabanggit kasi nito na nangangailangan si Don Pio Villareal ng babaeng magpapanggap daw sa pamangkin nito upang malaman ang bawat galaw nito. Ayon pa sa kaibigan, guwapo raw ang pamangkin ng Don kaya lang sakim daw ito. Gusto raw nitong kamkamin ang lahat ng pag-aaring lupain ng mga Villareal. Napangiti siya. Tutal ay plano na niyang iwan ang ina at ama-amahan. Bakit hindi na lang niya tanggapin ang offer ng kaibigan. Dalawang daang libo kapalit ng lahat ng kailangang impormasyon ng Don.
Mabilis na isinilid ang ilang piraso ng damit niya sa maliit na bag at kinuha ang ilang nahahalagang bagay saka gumawa ng isang liham para sa ina. Babalik lamang siya kapag yumaman na siya at nakapag isip na ang ina na wala itong kinabukasan sa kaniyang ama-amahan.
Sa gabing iyon ay buo na ang pasya. Susugal siya sa ngalan ng salapi. Ayaw na niyang maging mahirap. Sa perang makukuha ay ang tanging pag-asang makamit ang nais sa buhay. Gusto niyang maging abogado at kung ang gawin lahat ng utos ng Don ang paraan para magtagumpay ay gagawin niya.
Bukang liwayway na ng tuluyang lisanin ni Surene ang tahanang naging kanlungan niya ng labing walong taon sa buhay niya.
"Babalik lamang ako sa lugar na ito kapag mayamang mayaman na ako," pangako sa sarili bago tuluyang tinahak ang daan patungo sa mansyon ng mga Villareal.
Pagkarating sa pakay na bahay ay agad siyang nagdoorbell. Nakangiting mukha ni manang Mila ang nabungaran niya. Ang ina ng kaibigang si Weng.
Nabigla ang ginang nang makilala siya nito.
"Oh ineng. Maaga ka yata. Saan ang lakad mo?," tanong nito habang nakatingin sa bag na nakasukbit sa kanyang likuran.
Sasagutin pa lang sana niya ang ginang nang agawin sila ng tinig ng kaibigang si Weng.
"Sabi ko na nga ba? Hindi mo mapapahindian ang offer ko sayo," anito saka humalukipkip.
Napamata siya sa asta ng kaibigan. Mukha ngang ibang-iba na ito. Maging ang pananamit nito ay iba na rin. Maraming bulong-bulungan na may relasyon daw ito sa Don. Wala na siyang pakialam doon ang importante ngayon ay kailangan niya ng pera, sa panahon ngayon talo ang walang pera.
Matanda na ang Don, nasa singkuwenta y dos na at ang asawa nitong si donya Margarita ay nasa Amerika gawa ng isang malubhang karamdaman.
"Oo nga eh. Sawa na ako sa hirap. Gusto ko namang tumikim ng kagaya ng sa'yo," may pahanging wika sa kaibigan.
Hindi niya kasi nagugustuhan ang asta ng kaibigan ngayon. Masyado siyang nayayabangan. Maaari ngang maganda at maayos ang kasuotan nito pero kung ganda ang pag uusap ay malayong mas maganda siya rito.
Nang ganap na makapasok sa loob ng mansyon ng mga Villareal. Hindi nga matatawaran ang yaman ng mga ito. Marangya ang malawak na mansyon. Puno ng mamahaling nga gamit at muwebles. Inakay siya ni Weng sa isang silid kung saan naroroon daw ang Don. Mukhang napaghandaan na ng mga ito ang kanyang pagdating. Bumungad nga ang Don at nakangisi ito habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.
Nabanas siya sa uri ng tinging pinupukol nito sa kanya.
'Matandang hukloban na ito, gusto pa yatang tyansingan ako ah,' maktol ng isip nang bumulong ito kay Weng at tila nairita ang babae sa sinabi ng matanda.
Maya-maya ay may kinuha si Weng sa kabinet. Brown envelop iyon saka inabot sa kanya. Nagtatakang tumingin sa kaibigan.
"Tignan mo para malaman mo," inis na tinig nito.
Inis din niyang hinablot ang envelop. Kung pangit ang pakikitungo ng isang tao sa kanya. Walang rason para magbait baitan pa siya.
"Masuwerte ka, guwapo ang subject mo. Masasarapan ka," tahasang wika nito sa kanya habang sinisimulan niyang buksan ang envelop.
Doon tuluyan siyang nabanas sa kaibigan. Kung hindi lang talaga siya nangangailangan ay magbabackout na siya. Napasubo na siya kaya tototohanin na niya. Pagkabukas ng envelop ay tumambad ang close up picture ng isang lalaking napakaguwapo. Napasinghap siya. Talagang napakaguwapo ang lalaki. Hindi niya maiwasang mapalunok dahil sa kakaibang damdaming lumukob sa kaniya.
May ilang impormasyon ding nakasulat roon tungkol sa lalaki. 'Kevin Nicholson Montealegre,' anas niya nang mabasa ang pangalan nito.
"Matinik iyan sa babae. Baka naman hindi mo magawa ang ipapagawa namin at baka tuluyan kang bumagsak sa kanyang kamandag," tila insultong wika ng matanda.
Nagngalit ang bagang niya sa narinig.
"No worries. Basta ang usapan ay usapan. Isang daan libo bago ko simulan at isang daang libo pag tapos na," matatag na wika kahit sa totoo lang ay tila gusto na niyang magbackout.
"Sure," anang ng matanda saka sinenyasan si Weng at may nilabas ulit ito buhat sa drawer.
Makapal na sobre iyon. Napangisi siya nang makita iyon. Marunong din pala sumunod ang matandang hukluban.
"Dinagdagan ko na nang dalawampong libo. Pambili mo ng bago mong mga damit para talagang maaakit siya," anang pa nito sabay ng nakakalokong ngisi.
Hindi na siya nagsalita pa. Inabot lamang ang sobre at bitbit ang brown envelop ay tuluyan na siyang lumisan sa lugar na kinalakhan. Tatahakin niya ang mundo ni Kevin Nicholson Montealegre kahit gaano pa iyon kasukal. Sa ngalan ng salapi, gagawin niya ang lahat, makamit lamang ang yamang inaasam.