WALANG NAGAWA pa si Surene kundi ang namnamin ang sarap na pinapalasap sa kanya ni Kevin mula sa mga mapang-aliping mga labi.
"Ohhh..." di mapigilang daing ni Surene.
Mga daing na mas lalo pang pumapatid sa pagtitimpi ni Kevin. Daing na mas lalo pang nagpapahibang sa kanya kaya mas lalong pinag-igi ang pag-angkin sa mga mapupula nitong mga labi. He doesn't know what is happening to him. Para kasing ecstacy ang babae at lalo pa siyang nahihibang rito. Gumapang ang labi pababa sa leeg. Hanggang sa marating ang mga pakay.
Hanggang sa muling naulit ang maiinit na tagpo nila sa nagdaang gabi. Batid man ang isip kung ano ang misyong nakaatang kay Surene ay hindi niya pa rin maiwasang hindi pangarapin ang lalaking katabi.
Mahimbing na mahimbing na itong natutulog tanda ng mabining hilik nito. Kagaya lang din siya ng ibang babae. Kinikilig kapag nakakakita ng guwapong lalaki. And Kevin is too handsome.
's**t Surene. Naririto ka para sa misyon mo,' suweto ng utak.
Napangiti siya ng mapakla saka tinitigan ang guwapong mukha ng lalaki. Sa pagtitig niya rito ay hindi niya namalayang naglandasan na pala ang butil ng luha sa mata.
"s**t! Huwag kang umiyak Surene. Misyon ay misyon. Pera ay pera. Yayaman ka. Tandaan mo iyan," bulong sa sarili saka pilit natulog.
Kinabukasan ay maagang nagising si Surene. Hindi niya alam kung ano ang gusto ng lalaki. Ngunit nangahas na siyang pakialaman ang kusina nito. Nagprito siya ng itlog, hotdog at ham. Nagtimpla na rin siya ng kape at hinanda ang tinapay na nakita. Tapos na niyang ihanda ang lahat nang nakitang lumabas ang lalaki at nakabihis na ito.
Napakunot noo si Kevin nang makalabas ng silid. Nakita niya si Surene na nakasuot pa ng apron at sa lamesa naroroon ang niluto nito. Gusto niya sanang mag-almusal kahit hindi niya gawain nang bigla siyang napaisip. Naalala niya si Kimberly na anak ng amega ng ina. Ayaw niyang maulit ulit ang mga nangyari. Hindi niya alam na ang kahulugan ng pagtanggap o pag appreciate niya ay may gusto siya rito.
Lumapit si Kevin sa lamesa saka tumingin sa kanya. "No need to do things like this. Hindi kita asawa," deretsahang wika nito.
Saka tinungo ang pintuhan. "Always put in your mind. Your just here because I want you to filled my lust. Just that!".
Nakamaang lang si Surene sa lalaki. Napakapit siya sa upuhang malapit sa kanya dahil halos manginig siya sa pagkapahiya. Masyadong nakakababa ng tingin ang mga salitang binibitawn ng lalaki.
Ngumiti siya ngunit kasabay noon ang pagpatak ng luha. "Ano pa nga ba ang inaaaahan mo Surene. Isa ka lamang parausan di ba. Parausan!" bulalas sa sarili.
Buti na lang at nakaalis na ang lalaki bago pa maglandasan ang masaganang luha sa mata.
Matapos makalabas si Kevin ay tila nagsisi siya sa sinabi sa babae. Hindi kasi nalingid sa kanya ang reaksyon nito.
"Oh boy. Not again?," aniya saka nagpabaling baling ng ulo saka tuluyang umalis.
Sa opisina ay nadatnan niya ang tiyuhin. Kapatid ito ng ina. Masyado itong gahamal. Pati ang kompanyang minana ng ina ay gusto pang kunin samantalang ang buong ari-arian ng mga Villareal sa Mindoro ay nasa kanya na.
"Oh iho, naririyan ka na pala?," pakitang tao nito.
Wala siya sa mood na makipagbolahan sa tiyuhin. "Anong ginagawa niyo rito?," deretsahang tanong.
Napatawa ng malutong ang tiyuhin. "Masyado ka namang high blood Kevin. Nakapakabata mo pa. Wag kang tumulad sa ama mo baka maaga ka ring kunin ni lord. Sige ka, wala ka pang taga pagmana," pang iinis pa nito.
Mas lalong nag-init ng ulo ni Kevin sa tiyuhin. Ngunit kailangan niyang hamigin ang sarili bago pa niya masuntok ang kaharap.
"Kung naririto po kayo para inisin ako. Wala akong panahon kaya makakaalis na kayo!," singhal niya sabay upo sa upuhang laan sa kanya.
Muling tumawa ang tiyuhin. "Masyado ka namang atat paalisin ako," tila naghihimapong arte nito.
"Alam niyo kung saan kayo pumasok kaya alam kong alam na alam niyo ang daan paalis. Kaya alis!," tuluyan na siyang nawalan ng pasensiya.
Tumayo ang tiyuhin habang hawak ang isang envelop. "Nagpunta ako rito para rito. Pirma mo na lamang ang kailangan ko Kevin. Kaya pirmahan mo na."
Tumingin siya ng matiim sa tiyuhin.
"Hinding-hindi ako pipirma. Kaya makakaalis ka na bago ako mawalan ng respeto sayo at ipakaladkad kita sa mga security guard," madiing wika sa tiyuhin.
Mukhang nainis rin ito sa sinabi niya kaya mabilis itong umiskapo. Hindi niya tuloy mapigilang mag-init ng ulo. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang kapursige ang tiyuhin na kunin ang kompanya.
SAMANTALA, wala naman magawa si Surene kaya naisipan na niyang maglinis kahit malinis ang bahay. Nangahas na rin siyang pumasok sa silid ng lalaki tutal ay bukas naman iyon at niligpit ang kama nito at ilang damit na nagkalat.
Nang maghapon na ay muli siyang naghalungkat sa fridge kung ano ang maaari niyang iluto. Buti na lang at may stock sa fridge at nakaluto siya ng mahahapunan nila ng lalaki kahit hindi niya alam kung doon ba kakain ito o hindi. Matapos makaluto ay pumasok siya sa silid at mabilis na tinungo ang banyo. Kahit maghapon siyang walang ginawa ay tila nanlalagkit siya.
Alas siyete na nang tuluyang makalabas ng banyo ngunit wala pa rin Kevin na dumarating. Tinutuyo ang basang buhok nang biglang tumunog ang lumang cellphone niya. Agad na rumihistro doon ang pangalan ng kaibigang si Weng. Nag-alinlangan siya kung sasagutin ba ito o hindi. Ngunit mas nanaig ang kagustuhang malaman ang sasabihin nito.
"Hello," aniya.
"Gosh! Buti naman at sumagot ka na. Ilang beses kitang tinatawagan hindi ka nasagot. So, anong balita?," tanong nito.
Napatigil si Surene nang marinig ang boses ng kaibigang si Weng. Hindi niya alam kung sasabihin ba rito ang set-up nila nang lalaki.
"Hoy Surene. Nalunok mo na yata ang dila mo o nasasarapan ka na sa feeling ni fafa Kevin," pasaring nito. Tila may selos sa tinig nito. Sabagay, masasarapan ba kasi ito sa piling ng don eh ang tanda na nito.
Nainis lalo si Surene sa kaibigan. "Iba na talaga ang nagagawa ng pera," anas niya.
"Anong sinabi mo!," galit na tinig ng kaibigan sa kabilang linya.
"Wala. Sabi ko busy lang ako kaya di kita nasasagot. Beside nasa misyon ako di ba?," aniya rito. 'Bingi,' tuya sa isip.
Matapos ibaba ang cellphone ay napaisip siya. Tama nga ang kaibigan. Naroroon siya upang paibigin ang lalaki. Upang makakuha ng impormasyon kung may nalalaman ba ito tungkol sa secret account ng kompanyang minana sa magulang. Siguradong malaki ang laman ng secret account na iyon kaya ganoon na lamang kapursigido ang don.
Hindi pa rin naiibsan ang tensyon ni Kevin mula nang madatnan ang tiyuhin sa opisina niya. Kung wala na siyang natitirang respeto rito ay kanina pa niya ito pinakaladkad sa security guard. Napapaisip tuloy siya kung bakit ganoon na lamang ito kapursigeng makuha ang kompanya samantalang halos palugi naman na ito. Kaya nga naghanap pa siya ng ilang investors just to save the company from bankruptcy samantalang ang ganda ng kita ng farm nito sa Mindoro.
"Bro...ang lalim noon ah," tinig na pumukaw sa kanyang kamalayan.
Napabuntong hininga na lamang siya. Iba na talaga ang nagagawa ng pera sa panahon ngayon. Lahat handa nang pumatay para sa pera kahit kadugo mo pa.
"Naiinis na lang ako kay uncle. He knows na hindi ko bibitawan ang kompanya pero hindi pa rin tumitigil," himutok sa kaibigan.
Napatawa ito. "Dude relax lang. You better check it out this girl?," anito sabay lahad sa cellphone nito sa kanyang mukha. Maganda ang babaeng nasa larawan. Sa katawan at mukha pwedeng ipanlaban sa Miss Universe.
"She's Margaux. Cathy's friend," anito tukoy sa long time girlfriend. "What do you think?" pahabol pang tanong sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit bigla ay parang nawalan siya ng gana ngayong araw na iyon. Kaya wala siyang naging reaksyon sa tanong ng kaibigan.
"Don't tell me Bro...nagbago ka na since you bedded a virgin lady," nakangising tudyo nito. Hindi kasi napigilang sabihin sa mga ito ang encounter niya sa babaeng napagkamalan nilang strip dancer.
Napangiti siya nang maalala si Surene. Ang babaeng pupuno sa kanyang pangangailangang pisikal.
"Wala lang sa mood Dude," aniya na lang para hindi ito makahalata.
Tapos na naman ang maghapong trabaho at wala sa mood gumala si Kevin kaya minabuti niyang umuwi na lang. Past seven na iyon. Pasakay na siya ng sasakyan niya sa maluwang na parking lot sa harap ng building nila nang may dumaang nagtitinda ng bulaklak. Sumingit tuloy sa isipan ang maamo at magandang mukha ng babae na nasa kanyang condo.
"Manang magkano po?" di mapigilang tanong sa aling nagtitinda.
"Trenta y singko lang ang isa iho. Bibili ka ba?" anang ng ginang.
Agad naman niyang binunot ang wallet at kumuha mula roon ang limang daan saka binayaran ang matanda.
"Naku iho wala akong manukli sa'yo," hiyang wika ng matandang tindera.
Sumenyas siya rito na kahit hindi na siya suklian saka sumampa sa kanyang sasakyan. Hindi mawari ni Kevin kung bakit tila excited siyang umuwi. Gayong hindi naman siya ganoon.
Nang buksan ang pintuhan ay nagtaka siya dahil madilim na madilim ang loob. Napakunot noo siya. Bigla tuloy siyang kinabahan baka umalis na ang babae o kaya nilooban na siya. Kaya mabilis pa sa alas kuwarto ang ginawang paghalughog ng bahay. Agad na tinungo ang silid upang tignan babae. Pagkabukas ng ilaw ay tumambad sa kanya ang magandang babae na nakahiga sa kama. Napangiti siya nang makita ito. Lumapit siya sa kama kung saan nakahiga ang babae. Nang maaalalang hindi pa pala ito lubos na kilala. Pangalan lang ang alam niya maliban doon ay wala na. Kung may pamilya pa ba ito? Ni edad nga nito ay hindi niya alam.
Nang makitang mahimbing na itong natutulog ay tumayo na siya upang magbihis nang maalala ang bulaklak na dala. Agad niyang kinuha iyon kung saan niya nilapag saka bumalik sa kuwarto. Nilagay niya iyon sa side table ng kama malapit sa babaeng natutulog saka muling lumabas.
Upang pumunta sa kusina dahil kumalam ang tiyan. Naalala niyang hindi nga pa pala siya kumakain kanina bago umuwi. Pagkabukas ng ilaw ay kita niyang may natakpan sa mesa. Napangiti siya habang napapabaling-baling ng ulo dahil nakita mula roon ang isang note galing sa babae.
"Alam kung hindi ko obligasyong ipagluto ka dahil isa lamang akong PARAUSAN, huwag kang mag-alala walang extra bayad ito. Walang obligasyon kundi niluto ko ito para kapag kumalam ang sikmura mo may kakainin ka. Okay lang kung ayaw mo. Almusal ko na lang bukas." Basa niya sa note nito. Hindi niya mapigilang matawa sa huling sinabi ng babae.
Natakam agad siya ng makita ang nasa malaking bowl. Tinolang manok iyon. Kahit hindi siya masyadong nakain noon ay hindi niya mapigilang tikman iyon. Dadamputin na sana niya ang kutsara nang makitang maging iyon ay may note.
"Di masarap ang tinola pag di mainit. Initin mo muna sa microwave." Dagdag pang note ng babae. At sa totoo lang ay sapat na iyon para ngumiti ang isang Kevin Nicholson Montealegre.
Masarap nga ang luto ng babae. Habang kumakain tuloy ay hindi niya maiwasang isipin na masarap pala ang feeling na may asawang naghihintay sa'yo pag uwi o kaya may nagluluto para sa'yo.
Mabilis lumipas ang araw. Halos hindi namalayan ni Surene na magdadalawang buwan na silang nagsasama ni Kevin aa iisang bubong. Sa loob ng mga araw na iyon ay hindi man lang kinakitaan ng pagbabago ang lalaki.
Nakaalis na si Kevin nang bigla siyang tila maduduwal. Agad na sinapo ang kanyang ulo. Sabay pang tila gusto niyang sumuka ng sumuka. Agad siyang nagtungo sa may lababo. Pinagpawisan siya ng malapot matapos magsuka.
Ilang araw nang napapansin ni Surene ang kaniyang pagkahilo at pagsusuka ngunit hindi pa niya nasasabi kay Kevin. Binabagabag na siya nang alalahaning baka nagbunga na ang ilang gabing pang-aangkin sa kanya ng lalaki. Kaya pagkaalis ng lalaki sa araw na iyon ay napagpasyahan niyang magpakonsulta na sa doktor. Hapon na nang lumabas siya at tinungo ang ospital ng Maynila. Ngunit patawid na siya upang sumakay ng jeep ng may mahagip ang mata sa isang kalapit na coffee shop.
Hindi siya maaaring magkamali dahil siya lang ang may ganoon mukha. Si Kevin at may kasamang magandang babae. At talagang nakatingin din pala sa kanya ang lalaki.
-----ITUTULOY-----