Chapter 3: Living as Lovers

2104 Words
                Hindi na nagpatumpik tumpik pa si Surene kaya agad na tinanggap ang offer ng lalaki dahil iyon na ang pagkakataong pinakahihintay.                "Ah..oo..okay," tila atubiling sagot para hindi halatang atat siya sa alok nito. "Kukunin ko lang ang ga...." aniya nang putulin ng lalaki.             "No need, just take your personal belongings. Cloths? We can do shopping as soon as tomorrow," autorititive na saad nito.              Nakatungo na lang na sinunod ang utos ng lalaki matapos nitong ibigay sa kanya ang isang tarheta kung saan ang numero nito at nakasulat ang address ng condo nito. Alam na alam na niya kung nasaan iyon dahil ilang araw na rin niyang pinag-aralan ang lugar nito.              "Okay, just come to my place as soon as you want," anito saka tuluyang umalis sa harapan niya. Naiwan siyang natitigilan sa bilis ng mga pangyayari. Tutal naman ay naisugal na niya pati sarili ay lubos-lubusin na niya.                Mabilis siyang umuwi sa inuupahang kuwarto at niligpit ang ilang gamit niya. Bukas na lang siya pupunta sa condo ng lalaki para maihanda ang sarili lalong-lalo na ang puso niya na sa unang pagkikita pa lang nila ay tila nagwawala na.                 'No. It can't be,' aniya sa sarili.                  "Tatapusin ko ang misyon ko kapalit ng pera."  Matigas na paalala sa sarili, kapag nakuha na niya ang kabuuang bayad ay makakapag-aral na siya. Tutal naman ay ayon sa sinabi ng Don ay ganid ang lalaki at kinukuha lang daw nito ang dapat sa kaniya na ayaw ibigay ng pamangkin.              Kinabukasan ay maaga pa sa alas siyete ay nasa gusali na siya kung nasaan ang pakay. Ayon dito ay alas otso pa ang pasok nito sa opisina kaya batid na maaabutan pa niya ito dahil inagahan talaga niya ang pagpunta roon.               Samantala, nagmamadaling nagbihis si Kevin katatawag lang ang isa sa nililigawang investor para sa kompanya nila. Hiniling nitong agahan nila dahil sa jogging track sa Quirino grandstand magtatagpo at magkakape na rin upang mapag-usapan kung papayag ba ito sa lahat ng kondisyones. Medyo nainis siya ng konti dahil bigla itong tumawag upang makipagkita ng maaga rito ngunit para sa kompanya ay gagawin niya ang lahat.                Naaalala niya ang babaeng inalok niya. Napailing dahil hindi siya ganoon sa mga kababaeng naikakama niya pero iba ang babaeng iyon. Tutal ay siya ang nakauna rito ay lubos-lubusin na niya.                Alam niyang darating ito ngunit baka hindi na siya nito maabutan kaya naisip niyang iwan na lang ang susi sa conceirge para kapag dumating ito ay makapasok sa kanyang condo. Papalabas na siya nang isang mukha ang bumungad sa kanya pagkabukas ng kanyang pintuhan na nagpatigil sa kaniya.                Maging si Surene ay natigilan din nang biglang bumukas ang pintuhang balak sanang katatukin. Nagtama ang mga mata nila ng lalaki na tila magdya-jogging pa.               "Ha...hi," nahihiyang bati sa rito.              "Hi," tugon naman ni Kevin nang ganap na makabawi. Hindi niya alam kung bakit tila may magneto ang babae at tila nahihipnotismo siya sa taglay na kagandahan. Marami siyang naging kasintahan, kung tutuusin ay mas maganda pa pero iba talaga ang babaeng kaharap. Pinagmasdan niya ito. Simple ngunit binubuhay nito ang libido sa katawan. Kung hindi lang talaga niya kailangang katagpuin si Mr. Henares ay hindi na siya lalabas ng condo niya.              "Come in," alok sa babae. Alumpihit itong pumasok sa kanyang condo habang bitbit ang bag nito.                "Salamat," dinig pa niyang tipid na wika.                "Feel at home. I will be out for a early business meeting. Suit yourself," aniya saka tuluyang umalis bago pa siya tuluyang hindi umalis at saluhan ang babae sa unang araw nito sa condo niya.                                Nang makalabas sa condo ay nakalimutan niyang tanungin ang pangalan nito kaya napabalik siya.                  “Sorry, your good name?”                   “Surene.” Nahihiyang pakilala nito.                  “Kevin,” aniya sabay lahad ng kamay nang muling sumingit ang kaniyang meeting ay muli siyang nagpaalam rito. “Sorry, I really have to go.”             Dahil hindi pa lubos kilala ang babaeng iniwan sa condo ay nagbilin siya sa concierge na bantayan kung lalabas ito. Mahirap na ring magtiwala sa panahon ngayon baka mamaya ay kawatan na pala ito. Napangiti sa isiping iyon.              Hindi alam ni Surene kung saan niya ilalagay ang gamit niya kung sa silid ba ng lalaki o kabilang kuwarto. Dalawang lang ang kuwarto roon ngunit pagbukas niya sa isa ay hindi kama ang nakita kundi lamesa at mga shelves na punong puno ng mga libro at papeles. Kaya wala siyang nagawa kundi ang hintayin na lamang ang lalaki. Nang mapatingin siya muli sa lamesa ay doon lang naalala ang totoong pakay sa lalaki. Mabilis ang naging galaw niya at hinalughog ang buong kuwarto. Sabi ng Don ay papeles daw ng kompanya. Ang Montealegre Automobiles. Kailangang maibalik daw iyon sa kanya dahil ayaw naman daw ibalik ng pamangkin kahit bilhin pa raw nito.              Nahalungkat na niyang lahat ngunit walang papeles na naglalaman ng kung ano hinggil sa pakay kaya minabuti na muna niyang magpahinga. Naupo siya sa sofa na naroroon nang maisip na siyasatin din ang kuwarto nito. Mabilis na tinungo ang kabilang kuwarto. Malinis at masinop ang lalaki. Nakita pa niyang nakaayos ang kama nito. Minimal ang gamit ng silid nito. Walang masyadong nakasabit o nakapatong. Kaya napagtuunan ng pansin ay ang closet. Nang buksan ang mga built-in cabinet ay namangha siya. Organisadong-organisado iyon. Sa kulay at uri nito. Maging ang mga sapatos nito.               Maya-maya ay siniyasat din ang kabila at nabigla siya nang makitang punong puno rin iyon ng gamit ng babae. "Akin ba ito?," sapantaha niya. Napangisi siya. Mayaman nga naman basta may pera lahat magagawa sa isang iglap lamang.                Nang muling magsiyasat at walang makita ay naisipan niyang pumunta sa kusina. Pasado ala una na pala kaya medyo kumakalam na ang sikmura niya. Kaya mabilis niyang siniyasat ang fridge at tinignan kung ano ang pwede niyang kainin. Maging sa fridge nito ay malinis at maayos. Gumawa na lang siya ng sandwich upang maibsan ang gutom.             Tunog ng cellphone ang gumambala sa kanyang katahimikan. Muli siyang nainis ng makitang lumihistro mula roon ang pangalan ng kaibigan. "Hello!," bungad niya.            Tila naman naasar ito sa pagtaas niya ng boses. "Hoy Surene. Umayos ka ha! Baka pasampal kita diyan. Ipapaalala ko lang sa'yo ang trabaho mo. Atat na atat na si Pio," anito tukoy ang Don.               "Alam ko at hindi mo na kailangang ulit-ulitin. Sa katunayan naririto na ako sa condo niya. Naghanap na ako pero wala dito," aniya para naman kahit papaano ay alam nilang ginagawa niya ang trabaho niya.               "Magaling. Galingan mo ha! Isipin mong makukuha mo ang isang daang libo at baka matuwa pa si Pio ay dagdagan pa. Kunin mo lang ang pinapakuha niya at huwag mo ring  kalilimutang alamin kung may alam siya sa secret account na iniwan ng ina," anito saka siya pinatayan.             "Sarap sampalin," aniya sa inis dito. Kung makaarte kasi ito ay daig pa ang asawa ng don. Kung papatol lang din siya ay pipili naman siya ng guwapo hindi  sa matandang hukluban.               Tuwang-tuwa si Kevin nang tuluyang tanggapin ni Mr. Henares ang kanyang offer dito. "Konting-konti na lang," aniya sa sarili. Maiiahon na rin niya ang kompanya ng ama. Pinaghirapan iyon ng ama kaya hindi niya hahayaang makuha ninuman kahit ilang pilit ng tito niyang si Pio Villarreal na pera ng Villareal ang ginamit ng ama sa pagtatag dito.                Hindi mayaman ang pamilya ng ama ngunit masipag ito at makisig kaya hindi kataka-takang magugustuhan nito ng ina na isang Villareal. Mayaman ang mga Villareal sa kanilang probensiya sa katunayan ay ekta-ektaryang lupain ang pag-aari ng mga ito. Dalawa lang ang mama at tito Pio niya.                Bente-sais siya nang mamatay ang ama dahil sa naaksidente ang sasakyan nito. Mula noon ay ang ina na ang nag-manage ng iniwang negosyo ng ama, kita niya ang hirap nito maisalba lamang iyon. Noong panahong iyon ay wala siyang alam kundi ang magbulakbol at mambabae. He hates responsibilities. He is a typical happy-go-lucky guy.                Nahiling pa nga sa ina na ibenta na lamang pero hindi ito pumayag dahil iyon na lamang daw ang iniwan ng ama sa kanila at batid nito ang hirap, pagod at determinasyong binigay ng ama para sa negosyo nito.               She decided to sent him to US for his masteral on his marketing course. Alam niya raw na siya ang makakaahon sa kompanya at manunungkulan roon. Nang umalis siya ng bansa ay hindi niya alam na may iniinda na pala itong karamdaman. Hanggang sa malaman niya na lang na tinakbo ito sa ospital at agaw-buhay.               Marami siyang naririnig na sabi-sabi at bulong-bulungan nang tuluyan siyang bumalik sa Pilipinas dahil hindi na nakaabot pa sa ospital ang ina. Galit ang umahon sa kanya ng malaman ang katotohanan. Hindi ito nagkasakit kundi unti-unti raw itong nilalason ng kapatid hanggang makamkam ang mga lupain nila.                Gusto sanang magdemanda pero wala siyang sapat na katibayan para ihabla ang sariling tiyuhin. Sa lahat ng nakamkam ng tiyuhin, may isang bagay ang ayaw ibigay ng ina. Iyon ay ang kompanya nila, hindi niya alam kung bakit pursigedong pursigedo ang tiyuhin na kunin iyon samatalang papalubog naman na ang kompanya nila.                Maswerte na lamang siya dahil bago pa man pumanaw ng ama ay nakabili na rin ito ng ilang shares sa mga naglalakihang kompaniya at nilagay nito iyon sa kaniyang pangalan dahilan para kahit papaano ay ma-maintain ang marangyang buhay. Handa na siyang itayong muli ang kanilang kompaniya.              Gabi na nang pauwi siya dahil matapos ang meeting niya kay Mr. Henares ay dumiretso na siya sa kaniyang opisina. Marami siyang paper works na aayusin lalo na at malaking pera ang binuwis niya para sa mga shipment ng mga brand new Automobiles nila.              Bagot na bagot na si Surene habang hinihintay ang lalaki. Alas sais na nang hapon kaya latag na ang dilim sa labas na nasilid sa salaming dingding ng kinaroroonang gusali. Nang mainis ay nangahas na siyang gamitin ang banyo ng lalaki upang makaligo. Alas sais pa siya ng umaga naligo kaya medyo nanlalagkit siya lalo na't napagod siya sa kagagalugad sa kabilang kuwarto.               Maligamgam ang tubig na pumatak mula roon kaya masarap sa pakiramdam niya. Nang matapos ay binalot niya ang katawan ng tuwalya saka lumabas ng banyo nang makita buhat roon ang lalaking nakatayo at tila kanina pa naghihintay sa kanya. Bigla siyang nahiya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Hanggang sa namalayang unti-unti itong lumapit sa kanya.               Tila gusto niyang umatras sa sandaling iyon. Wala siyang ni anumang saplot kundi ang tuwalyang tumatabing sa kanyang kahubaran.               Mabilis nag-init ang buong katawan ni Kevin ng makitang palabas mula sa banyo ang babaeng kanina pa hinahanap. Akala niya kanina ay nasalisahan na siya ngunit wala naman nawala sa gamit niya kaya alam na niyang naliligo ito lalo na at dinig ang lagaslas ng tubig.              Hindi niya mai-explain ang nararamdaman sa sandaling makita pa lamang ang babae. Lalo na ngayong buhol lang ng tuwalya ay malalantad na ang buo nitong kahubdan. Mabilis nabuhay ang kanyang p*********i kasabay ng paglapit rito. Naramdaman niyang tila natulos ang babae at gustong umatras. Bago pa nakagalaw ito ay sinibasib na niya ng halik kasabay ng paglaglag ng tuwalyang tumatabing sa buong katawan.  ------ITUTULOY-----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD