Ang Classmate kong Siga
Bxb 2013
AiTenshi
Chapter 4
"Hay grabe talaga mga kabataan ngayon mama, tingnan mo dalawang student ng Saint Mary Catholic school ang nag away at doon pa mismo sa kanal ng kabilang bayan. Grabe talaga!" ang wika ni papa habang naka upo ito sa lamesa at nag babasa ng news sa online. Kanina ay nacheck ko na ito, hindi naman kita ang mukha namin ni Gerald sa larawan at hindi rin naman kami pinangalanan. Bagamat ilang oras palang ang nakakalipas ay nag trend na agad ang larawan ng "dalawang lalaking nag away sa kanal."
"O, hijo anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni papa sa akin noong makitang may pasa ako sa mukha at sa ilalim ng mata.
"Ah e, pa. Naaksidente ako kanina sa P.E namin, gynastics kasi iyon, medyo namali ako ng tapak sa bar." ang wika ko naman. "Oo, galing na ako sa school nila kanina at nang hingi ng paumanhin ang campus dahil luma na pala ang equipment na ginamit nila sa p.e class." ang pag tatakip ni mama.
"Ang mahal ng tuition sa school niyo pero ang P.E equipment ay luma? Anong klaseng paaralan iyan?" ang galit na tanong ni papa. "Tatawagan ko ang management ng campus."
"Pa wag na." ang tugon na may kataasan ang boses. "Ah e ang ibig ko pong sabihin ay huwag na dahil galing na doon si mama. Saka baka sabihin pa nila na mama and papa's boy ako. Okay na ako papa. Dont worry."
"Oo nga naman hon, maayos naman ang anak natin, wala kang dapat ipag alala." ang wika ni mama sabay lagay ng pag kain sa lamesa.
"Anyway, mabuti nalang at hindi basag ulo ang anak natin. Biruin mo walang kahihiyan ang dalawang estudyante sa news. Religious school ang pinag aaralan pero mga asal kalye." ang wika pa ni papa habang napapailing. Samantalang ako naman ay napangiwi nalang at napatingin kay mama na noon ay sumesenyas na huwag na akong sumagot at hayaan ko na lamang.
Iyon nga ang aking ginawa..
"Kung anak ko ang dalawang iyan? Baka grounded ang katapat niyan sa akin!" ang hirit pa ni papa kaya napayuko nalang ako.
KINABUKASAN..
Sa gate palang ay sinalubong na ako ni Roxan, ang aking mukha ay puro plaster and band aid. Mukha akong siga sa campus na pinag titinginan ng lahat. Medyo nakapikit pa ang aking isang mata dahil mapapaga ng aking pasa. "Nabalitaan ko ang nangyari kahapon, kung alam ko lang sana ay hindi na kita iniwan o kaya isinabay na kita pauwi." ang bungad niya.
"Wala namang nakaka alam na ganito ang mangyayari. Sadyang dinapuan lang ako ng kalamasan noong pumasok dito iyang classmate nating siga." ang sagot ko naman.
"Pero alam mo nakaka kilig yung ginawa niyo. Ganyan talaga sa una, the more you hate, the more you love." ang hirit niya. "Iyan ang pinaka pangit na punch line na narinig ko mula sa iyo." sagot ko naman dahilan para matawa siya. "Huwag kana nga maasar, ihahatid na kita sa guidance office nandoon na si Gerald kanina pa."
Agad kaming nag tungo sa second floor kung saan naroon ang guidance office. Sa harap palang ay bumulaga na sa akin si Gerald na nakaupo sa sofa at nag hihintay. Noong makita niya akong dumating ay agad niyang binukasan ang pintuan ng opisina at pumasok siya dito. "Sige na, wait nalang ako dito sa labas." wika ni Roxan.
Pumasok rin ako sa opisina at dito naabutan namin si Mrs. Minerva na hawak ang printed copy ng online news kung saan naka feature ang away namin ni Gerald sa kanal. "Aware ba kayo na laman kayo ng online news kagabi?" tanong niya.
"Yes mam" sagot namin.
"I am very disappointed. Mabuti na lamang dahil hindi nila inilagay ang names niyo sa news ayon na rin sa kahilingan ng campus na pangalagaan ang names at reputation ng mga students dahil mahal namin kayo. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa paligid kapag nasira ang pangalan at imahe ninyo?" tanong niya dahilan para matahimik kami ni Gerald.
Maya maya lumingon siya sa akin. "Mr. Lee Kim, isa kang top student, nakaka shock na makita kang nakikipag buno doon sa kanal. Gusto kong makuha ang iyong statement o side tungkol dito."
"Wala naman po talaga akong balak makipag away, sayang ayaw lang akong tigilan ni Gerald. Ipinag tanggol ko lang ang aking sarili laban sa kanyang kasamaan." ang sagot ko.
"So ibig sabihin ay si Mr. Sanchez nanaman ang nag simula ng gulo?" ang tanong ng councilor sabay harap kay Gerald. "Aba Mr. Gerald Sanchez, kaya ka namin tinanggap dito ay dahil anak ka ni Congressman Sanchez kaya't kahit pangit ang record mo sa dati mong campus ay bukas palad ka naming pinatuloy dito na parang isang tahanan. May record ka sa dati mong paaralan ng madalas na pakikipag away at maging hanggang dito ay dinala mo pa ang iyong pagiging siga. Halos ilang linggo ka pa lamang dito pero naka 12 records kana ng pang gugulo sa iba't ibang year, sa ibat ibang tao. Mr. Sanchez mukhang kailangan mo nang harapin ang violation. At ikaw rin Mr. Kim mayroon." ang wika ng guidance at napa buntong hininga nalang ito.
"Mr. Kim ikaw ay mag duduty library bilang student assistant sa loob ng dalawang linggo. At ikaw naman Mr. Sanchez ay hindi maaaring pumasok dito sa campus sa loob ng 2 weeks."
"What? Hindi niyo ito pwedeng gawin sa akin."
"Mr. Sanchez ang iyong ama mismo ang may panukala nito kaya sinunod lang namin siya. Sana ay mag silbi itong lesson para mas maging mabuti kayong mag aaral."
"Bakit hindi mo rin iban itong gagong ito? Hindi bat pareho lang naman kaming nag away doon sa kanal?" tanong ni Gerald
"Oo nga't pareho kayong nag away ng matindi doon sa kanal pero si Mr. Kim ay hindi nasasangkot sa mga violations. Ngayon lamang umingay at nadrag sa negatibong issue ang kanyang pangalan." ang tugon ng guidance. Unlike sa sitwasyon mo na halos nasa 12 times na violations, ang iyong ama na mismo ang nag sabi pansamantala kang huwag papasukin."
Natahimik si Gerald at tila napikon ito. "Bwiset talaga si papa sa buhay ko. Tangina." wika nito sabay harap sa akin. "Ano masaya kana? Babalikan kita gago ka." ang wika niya.
"Mr. Sanchez ano ba iyang mga salitang lumalabas sa bibig mo? Masyado kang matapang at nagiging pasaway." pag babawal ni Mrs. Minerva.
Halata ang pang gigigil sa muka ni Gerald noong mga sandaling iyon. Wala siyang magawa kundi ang mag walkout at tahakin ang pinto palabas. Samantalang ako naman ay napaupo nalang sa sofa at napa butong hininga. "Sorry po sa gusot."
"Ayos lang iyon hijo. Alam ko naman na nakaladkad ka lamang sa kaguluhan. Sa nakikita ko kay Gerald, ang kanyang behavior ay nag rerebelde, marahil ay galit siya sa kanyang ama, o mayroon siyang hinanakit sa mundo na hindi niya mailabas kaya sa halip na malungkot o mag pakita siya ng kahinaan ay dinadaan na lamang niya ang lahat sa galit, init ng ulo at sa mga gawaing kabulastugan sa paniniwalang maididivert niya ang negative thoughts sa iba pang negatibong gawain. Ang tawag sa sitwasyon na kanyang ginagawa ay Lose Lose situation. Sa tingin ko ay kailangan ng isang taong mag papabago ng kanyang pag iisip. Dapat ay maramdaman niya hindi siya nag iisa o mayroong isang nag mamahal sa kanya."
"Kailangan po ba talaga ay iban siya?" tanong ko.
"Iyon ang bilin ng kanyang ama." ang tugon niya. Natahimik ako at wala rin akong nagawa kundi isipin si Gerald. Batid kong nakatanim ngayon sa kanyang isipan na siya ay pinag kaisahan ng mga tao sa kanyang paligid. Siguradong lalo nanaman siyang mag rerebelde nito.
Alas 10 ng umaga noong makalabas ako sa guidance office. Agad akong natungo sa library upang maging isang student assistant sa loob ng dalawang linggo. "Mabuti nga ito nalang ang inabot ko, kaysa naman masuspende ako katulad ni Gerald." ang wika ko kay Rox habang nag lilinis ako ng mga lamesa. "Haist, pero nakaka awa rin siya kung tutuusin. Kung bakit ba naman kasi ang dami na niyang violations dito sa school. Minsan hindi batayan ang gusot para mapatunayan na astig ka."
"Iyan rin ang sinabi ko sa kanya. Lalo pa ngang nagalit sa akin dahil nag mamarunong raw ako."
Simula noong araw na iyon ay madalang ko nang makita pa si Gerald, nakatanggap ako ng text message sa kanya na lalo ko daw siyang idiniin ng guidance councilor kaya siya na suspende. Lalo lamang lumala ang galit niya sa akin.
May mga oras na kapag umuuwi ako sa hapon ay nakikita ko siyang nakatambay sa labas ng gate nag yoyosi habang naka tingin sa akin ng masama. Ang kanyang pag kakasuspende ay kagustuhan mismo ng kanyang ama dahil naging malabis na ito at wala akong kinalaman doon. Sinabi ko lang ang totoo na buhay noong pumasok siya dito sa classroom natin ay madalas na niya akong pag tripan.
"Mabuti nalang at hindi ka nasuspende kundi ay lagot tayo sa papa mo." ang wika ni mama noong dinaanan niya ako sa school.
"Hindi naman maituturing na violation yung ginawa ko dahil ipinag tanggol ko lang ang aking sarili. Yung anak ni Congressman Sanchez ang pinaka walang hiya sa lahat, mabuti nalang at nasuspende siya sa campus dahil isa siyang literal na halimaw sa banga."
"Tama lang naman na ipinag tanggol mo ang iyong sarili, kaya next time mag iingat kana, sa halip na tumakbo ka sa walang direksyon ay mag tungo nga sa pulis o sa inyong mga guro para makapag sumbong." ang wika ni mama sabay park ng sasakyan sa mall. "Ma, bakit nandito tayo?"
"Mag ggrocery ako ng supply natin sa bahay ikaw ang mag bubuhat at mag tutulak ng cart. Iyan ang parusa mo sa pagiging pasaway mo at pakikipag away mo doon sa kanal."
"Ma, aksidente yung pag kakagulong namin sa kanal."
"Kaya nga ang viral yung larawan ninyo dahil bihara sa dalawang binatang mag aaral ang mag aaway doon sa mabahong kanal na daluyan ng dumi ng tao at hayop. Kahit doon sa opisina namin ay pinag tatawanan ito, hindi ko lang masabi na "anak ko yung isa" alangan namang maging proud pa ako diba?" tanong ni mama.
Napanguso nalang ako..
Natawa nalang ako, mabait si mama at si papa. Hindi lang talaga sila sanay na nasasangkot ako sa gusot dahil isang santo ang tingin nila sa akin, ang ibig kong sabihin ay hindi gagawa ng kahit na anong negatibong bagay na mag bibigay ng kahihiyan sa kanila.
Ngayon lang talaga mag buhat noong dumating ang gung gong na iyon sa buhay ko..
Itutuloy..