Ang Classmate Kong Siga
AiTenshi
Chapter 3
"Mr. Sanchez what happen to your face?" ang tanong ng aming guro noong makita si Gerald na pumasok sa klase late ito at mayroong maitim na pasa sa gilid ng nguso. Gwapo pa rin naman siyang tingnan at mas nakadagdag pa nga sa pagiging astig niya yung pasa niya sa mukha.
Tumingin siya sa akin ng matalim pero agad rin niya itong binawi. "Wala po mam, aksidente lang." sagot niya.
"Hijo, iingatan mo ang sarili mo dahil sayang ang kagwapuhan mo kung mag kakasugat ka sa face. Please take your seat." ang sagot ng aming guro.
Tahimik na lumakad si Gerald sa aming harapan at dahil bakante ang silya sa aking tabi ay dito niya isinaldak ang kanyang katawan. Tatayo sana ako para umiwas pero napansin ako ng aming prof. "Lee, bakit ka tayo? Please take your seat."
"Kaya nakatayo yan mam kasi ayaw niya akong katabi." ang wika ni Gerald. "Hindi po totoo iyan mam, kaya ako nakatayo ay dahil may masama siyang balak sa akin." ang sagot ko.
"Balak? Itong mukha kong ito? Mukha ba akong masamang gagawin sa iyo? Bakit ko sasaktan ang isang magandang babae katulad mo? Ang totoo nga non sa sobrang kinis mo ay gusto na kita gawing shota."
"Hindi ako babae Mr. Sanchez. Huwag mo na ko ulit ibubully dahil dodoblehin ko iyang pasa mo sa mukha." ang sagot ko.
"Inamin din niya mam, yang si Kpop ang may kasalanan kung bakit may pasa ako sa mukha ngayon. Sinuntok niya ako kahapon sa loob ng CR at hinamon niya ako ng suntukan sa hindi malamang kadahilanan."
"Parang di naman yata totoo iyan Gerald, imposibleng mag hahamon ng away si Bes. Kung mayroon ditong bully at siga na may record sa guidance office ay ikaw yun." pag tatanggol ni Roxan sa akin.
"Tumigil ka nga dyan Barbie! Hanapin mo nalang si Ken at sumayaw kayo ng barbie girl! Sasabat pa e. Halikan kita dyan e!" ang sagot ni Gerald. Tawanan ang mga kaklase naming lalaki sa likuran. Lahat sila nahiyaw sa kalokohan ni Gerald. Pati ang aming guro ay natawa nalang at agad kaming pinag hiwalay nito ng upuan. Napuno rin ng kantiyawan sa buong classroom dahil sa mga kalokohang lumalabas sa bibig ng siga ng taon.
Noong mag hapong iyon ay pilit kong iniwasan si Gerald. Paminsan minsan ay lumalapit ito para ako ay asarin pero ang pag patol sa kanya ay hindi makabubuti dahil kung papatol ako sa isang sira ulo ay para na rin akong may sira rin kaya ang pinaka epektibong gawin at mag pretend na hindi siya nag eexist na parang hangin lang nadadaan sa aking harapan.
Tuwing makakasalubong ko siya sa hallway ay iiwas ako, ewan yung takot ko lang na gumanti siya baka mas dobleng pasa pa ang abutin ko pag nag kataon. "Alam mo parang may something sa inyo ni Gerald." ang wika ni Roxan habang nag lalakad kaming dalawa palabas sa gate ng campus
"Something? Tulad ng?" tanong ko naman.
"Tulad ng sweetness, alam mo ganyan yung napapanood ko sa mga BL movie thai, lagi siyang aasarin ng kaklase niya tapos mag kakadevelopan silang dalawa. Kahit naman hate na hate niyo ang isa't isa, one day marerealize niyo nalang na parang may mabubuong special thingy sa pagitan niyo at boom! That is love." ang hirit niya.
"Iyan ang epekto ng sobrang pag babasa mo ng stories sa social media. Epekto rin iyan ng pag adik mo sa dalawang lalaking nag kaka gusto sa isa't isa na nakikita mo naman doon sa youtube." ang sagot ko naman.
"Not bad naman diba? Bagay kayong dalawa, parehong gwapo, parehong campus crush at pareho kayong galing sa rich family. Iyan ang ideal na story ng BXB."
"Rox ang weird mo, akala ko ay hindi ka seryoso sa mga ikinukwento mo sa akin na nahihilig ka sa mga gay movies! Tapos ngayon pati iyang utak mo ay naapektuhan na rin."
"Ano ba, ang cute kaya ng boys love! Saka alam mo ba nabasa ko sa isang magansin na 6 sa 10 babae ang nagiging fanatic ng mga Boy X Boy series! Ito ay nag dudulot ng kakaibang kilig na hindi makikita sa normal ng kwento ng student na girl na nainlove sa kanyang kaklaseng lalaki. At katulad ng mga nababasa kong stories ay mag kakainlovan rin kayo ni Gerald at ako ang magiging number one fan ninyong dalawa. Parang isang magandang panaginip no?"
"Bangungot iyon pag nag kataon. Saka hindi ako bakla, hindi ako mag kakagusto sa kanya."
"Alam mo may nabasa akong article, ang sabi dito ang love daw natututunan. Ngayon maaaring hindi mo mahal yung tao. Pero hindi mo namamalayan na nahulog kana pala sa kanya." ang kinikilig na wika nito.
"At mabuti pa sumakay kana sa taxi dahil magalit yung mama mo kapag nalate kana naman ng uwi." ang tugon ko sabay alala sa kanya pasakay sa loob ng sasakyan. "Ah basta mag pustahan tayo! Lahat ng sinabi ko ay mag kakatotoo." ang hirit pa nito sabay dungaw sa bintana. "In your dreams Roxy." ang sagot ko sabay gusto sa tuwing nitong buhok.
"In your dreams Roxy." ang narinig kong pang gagaya ni Gerald na nag kakanda ngiwi ngiwi sa pang aasar.
Hindi ko siya pinansin, lalakad sana ako paalis sa kanyang tabi pero agad niyang hinila ang aking braso. "Ano nanaman ang problema mo?" tanong ko.
"Ang problema ay hindi pa ako nakakaganti sa ginawa mong panununtok sa akin. Nag pumiglas ako. "Ikaw ang may gustong suntukin kita. Ginusto mo iyon uwag mo nga palabasin na inapi kita dahil ang totoo noon ay isa kang masukita na nag eenjoy sa p*******t ng iba." ang sagot ko.
"Ikaw naman ay isang paminta, achuu!! Badingdong! Simula ngayon pepper na ang itatawag ko sayo. At hindi ka makakauwi ng wala kang pasa sa mukha dahil gaganti ako sa iyo." ang gigil niyang bulong sakin sabay mabilis na hablot sa aking uniporme. Luminga linga muna siya kung may tao sa paligid at noong makatiyak na walang nakatingin sa amin ay mabilis niya akong inambaan ng suntok. Dahil sa takot at kaba ay kusang gumalaw ang aking tuhod at pinatamaan ito sa bayag dahilan para mag tatalon siya sa sakit mabitiwan ako.
"Gago kaaa! Sasamain ka sa akin!" ang galit na sigaw nito pero naka kuha na akong ng pag kakataon para makatakbo at makalayo sa kaniya. Ngunit sa pag aakalang titigilan niya ako ay nag kakamali pala ako dahil nakita kong tinutugis ako ni Gerald at mabilis itong tumakbo dahil matinding pang gigigil.
Hindi na ako lumingon sa kanya, ipinag patuloy ko ang pag takbo ng mabilis upang hindi niya ako maabutan. Para siyang isang titan na nakahanap ng biktima. Yung titan na abnormal, yung parang may tama sa utak. "Gago ka baklaaaa! Sasamain ka sa akin!! Kakantutin kita kapag naabutan kitaaaaa!" sigaw pa niya.
Dumaan ako sa eksinita, sa maraming tao upang madelay ang kanyang mabilis na pag takbo pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag habol sa akin. Kung iyong pag mamasdan ang senaryo ay para kaming nag sshooting ng isang action movie kung saana ng senaryo at hinabol ang kalaban ang bidang tauhan para patayin ito.
"Ay jusko ano ba yan, ang ggwapo naman ng nag hahabulan. May shooting ba? Parang mga artista oh." ang wika ng isang beki habang humahabol ito sa amin at nag vivideo.
"Tumigil ka nga dyan baklang urangutan! Mukha kang gremlin sa video mo!" ang sigaw ni Gerald sabay tulak sa beki dahilan para masubsob ito sa basurahan.
"Napaka walangya mo naman pogieeee!" ang sigaw nito.
Patuloy kami sa pag tutugisan ni Gerald, walang kapaguran, ni hindi ko na rin alam kung gaano na kalayo ang aming narating, masakit na rin ang paa pero siya ay hindi pa rin tumitigil. "Gago ka, lalamugin kita kapag naabutan kita! Babaugin mo pa ako!" ang sigaw niya sabay lundag sa aking likuran dahilan para mahuli niya ako.
Pareho kaming hingal na hingal habang nag babag sa lupa na parang dalawang batang nag bubuno. "Babayagan mo pa ako! Mamaya kapag nag j***l ako at may dugo ang t***d ko ay papatayin kitaaaa! Tuwang tuwa ako sa iyooo!" ang sigaw niya sabay sakal sa akin. Dinakot ko naman ang kanyang mukha at nag pagulong gulong kami sa gilid ng kalsada kung saan may mainitim na kanal.
Pareho kaming nahulog dito pero tuloy pa rin ang aming pag aaway. "Hindi kita uurungan kahit dito pa sa kanal ay lalabanan kita!" ang sigaw niya sabay hawak sa aking ulo at pilit niya ako sinubsob. Bahagyang dumikit ang mukha ko sa maitim na tubig kaya naman hinablot ko ang kanyang ulo at siya naman ang isinubsob ko. "Huwag mo akong mamaliitin dahil lalabanan kita! Kahit isubsob pa kita sa tae gagawin ko para manalo sa kampon ng kadiliman na katulad mo! s**t ka talaga! Malas ka sa buhay ko!" ang sigaw ko sabay dikit sa kanyang mukha sa isang dilaw na bagay na inaanod sa tubig.
"Putang ina tae nga! Gago kang paminta kaaaa! Sasamain ka sa akin ngayon!" ang sigaw niya sabay suntok sa aking mukha kaya naman bilang ganti ay inupakan ko rin siya at dito muli kaming nag bunong dalawa.
Pareho kaming madusing at puro putik ang katawan..
Habang nasa ganoong posisyon kami noong may humintong kotse sa aming harapan at dito ay laking gulat namin noong biglang bumaba si Mrs. Minerva, ang guidance councilor ng aming paaralan. "Mr. Kim and Mr. Sanchez! What are you doing? Stop it!" ang pag awat nito sa aming pag bubuno. "Stop it! Mr. Sanchez let him go! Hindi na kayo nahiya, binata na kayong dalawa at naka suot pa kayo ng uniform ng ating catholic schoo! My God! Mag report kayong dalawa sa aking opisina bukas, both of you!" ang galit na wika nito na sumasakit ang ulo. Tumawag ito ng security sa campus para pag layo kaming dalawa at iuwi sa aming mga bahay.
Alas 5 noong makauwi ako sa bahay, sa gate palang ay nakita na ako ni mama na puro putik ang katawan na parang isang taong grasa. "My God, you look s**t! Anong nangyari sa iyo? Ang baho mo pa! Saan ka ba nag suot bata ka?" tanong ni mama.
"Napag tripan lang ma." ang sagot ko.
"Umaalingasaw ang baho mo anak, doon ka mag daan sa back door dahil baka umamoy ka sa sala. Sinong nag trip sa iyo?" tanong niya habang naka sunod sa akin.
"Yung kaklase ko pong may tama sa utak." ang sagot ko.
"May tama sa utak? Bakit nag aaccept sila ng transfer na may mental problem? Paano kung mas marami pang mapahamak? Mag rereport sa school niyo bukas tungkol dito."
"Wag na ma, ako nalang ang bahala doon. Wag mo nalang ipapa alam kay papa na nakipag away ko kasi tiyak magagalit iyon."
"Paano natin ipapaliwanag yang pasa mo sa mukha?" tanong niya.
"Hindi ko alam ma, basta bahala na. Ang mahalaga ay huwag malaman ni papa." ang wika ko sabay pasok sa banyo para maligo.
Itutuloy..