Ang Classmate kong Siga
AiTenshi
Chapter 5
"Mr. Kim, sigurado kaba na gusto mong isama si Mr. Sanchez sa research project na ipinasa mo kahit wala siya naitulong dito? Hindi kaya unfair iyon dahil wala siyang contribution?" tanong ng aming guro noong pinasa ko ang term project. Maximum of 3 members since kami lang ni Roxan ay mag damag niya akong kinukulit na isali na si Gerald dahil kawawa daw ito at baka bumagsak pa. "Yes mam, ang research project namin ay may 180 pages, siya nalang ang sisingil ko sa materials na ginamit bilang contribution niya." ang sagot ko naman.
"Akala ko ba ayaw mong isali si Gerald sa mga projects natin? Bakit nag bago yata ang isip mo?" tanong ni Roxan.
"Ewan, dahil makulit ka at ayaw mo akong tigilan. Saka may nabasa akong article na napag babago daw ang isang tao kapag pinakitaan mo siya ng kabutihan. Malay natin, mag bago siya maging kaibigan natin."
"Gusto mo siyang maging friend?" tanong niya na may halong kilig.
"Gusto ko siyang mag bago para sa sarili niya. Para pag pumasok siya next week ay hindi na siya mamomoblema sa dami ng term paper na ipapasa niya. Mukha mahina pa naman ang ulo niya dahil puro 3 at 2.75 ang marka halatang hinila lang dahil may malaking kontribusyon ang tatay niya dito sa campus."
"Hindi naman mahina ang utak niya, tamad lang talag siyang mag aral. Siguro dahil mayaman na sila at hindi na niya kailangan kumayod para makaipon."
"Hindi naman nag tatagal ang yaman ng tao. Kailangan niyang mag pondo para sa sarili niya at para sa magiging pamilya niya sa hinaharap." tugon ko
"Edi huwag muna kayo mag anak saka feeling magiging house husband mo si Gerald at ikaw ang kakayod sa labas para mag work." ang hirit ni Roxan.
"Yan ang epekto ng kakapanood mo ng ganyan sa social media. O, eto last term paper sa social studies tig 5 pages tayo ng ittype. Tapos etong kay Gerald pa paghatian natin, 3 sa iyo dalawa sa sa akin."
"Yeah, hati nga."
"Eh diba ikaw naman may gusto na isali siya. Dapat mas marami yang sayo." natatawa kong sagot habang inihahatid siya sa gate ng campus. "Oy Lee ha, huwag kana masyadong nag papagabi dahil pagod na pagod na akong tawagan ng mama mo kapag hindi ka nag papaalam sa inyo." ang pahabol ni Roxan. "Uuwi na rin ako maya maya, ipapasa ko lang itong mga files ko." ang sagot ko habang naka ngiti.
Alas 6 na ng hapon matapos kong isubmit ang aking mga naiwang files sa guro ay nag pasya na akong lumabas ng campus. Dinouble check ko pa ng library kung naka kandado ito bilang trabaho ng isang SA. Habang tinatahak ko ang daan patungo sa sakayan ay may humarang sa aking mga lalaki sa aking harapan. "Bakit?" tanong ko sa kanya
"Kasi pare may kailangan ako sa iyo." ang sagot niya.
"Sorry pero hindi ako nakikipag usap sa taong hindi ko kakilala." ang sagot ko naman.
"Kasi gusto kang makaharap ng boss namin, gigil na gigil na kasi siya sayo! Hindi na siya nakakatulog ng maayos kapag nakikita niya yung mukha mo sa isip niya."
"Paki sabi nalang sa boss mo na iwasan niya ang pag tira ng katol para hindi siya na h-high at hindi nililipad ang utak niya." ang sagot ko naman
Habang nasa ganoong posisyo kami ay biglang may pumalo sa aking likod at ang lalaking aking kausap ay may tinapal na basahang kakaiba ang amoy sa aking ilong na siyang naging dahilan ng pag wala ng aking malay.
Tahimik..
Hindi ko na alam ang susunod na nangyari. Nakikiramdam ako ng maigi, habang naka pikit ay maramdaman kong may bumuhos na tubig sa aking mukha.
Unti unti akong nagkamalay at dito ay nakita ko ang mga lalaki sa paligid ko. Namumukaan ko sila. Sila yung nambubugbog sa lalaki sa bakanteng lote!! Sila ang mga kasamahan ng pambansang bully na si Gerald!! Hindi ko akalaing aabot sa ganito ang kawalanhiyaan ni Gerald!
“Sino kayo? Bakit ako nandito? Asan ako?” ang sigaw ko na halos hindi makahinga sa sobrang kaba. Naalala ko yung ginawa nilang pambubugbog doon sa lalaki sa bakanteng lote, baka gawin rin nila iyon sa akin!
“Nasa langit kana!” ang sabi ng isa na may hawak na isang sinturon. "Ngayon mamimili ka kung sarap o hirap?" tanong niya habang naka ngisi. "Sa kinis mong yan? Kahit hindi ka babae ay hahalikan kita at roromansahin."
“Gago! Mga walangya kayo!! Ano bang kasalanan ko sa inyo?” ang tanong ko.
“Kasalanan mong nabuhay ka pa!” iyan ang sabi ng isa habang sinipa ako at sinuntok sa akin. "Ang bilin ni boss ay turuan ka ng leksyon na hindi mo malilimutan! Ikaw ang dahilan ng pag kakasuspende niya sa paaralan!
PLAK!
Tumulo ang dugo sa aking nguso. At naka ramdam ako ng pag hilo. Pero nag pumiglas ako at nanlaban pero wala pa rin akong nagawa. Hinang hina na ako dahil narin siguro sa pag hampas ng aking likod kanina.
Sa aking pag kaka alam ay isang malaking gusali ang pinag dalan sa akin. Nakita kong bumukas nag pintuan ng gusali at nagulat ako sa nakita ko... si Gerald!!
“Boss, nahuli na namin ang matagal na nating hinahanap, ano papatahimikin naba natin ito? Iyutin natin para masarapan siya ng husto!" ang sabi ng isa.
“Hindi. Umalis na kayo dito at iwan ninyo kami dalawa." ang utos nya. At agad naman umalis ang mga tauhan nya.
Nakita ko na puro dugo ang sahig kung saan ako ay naka upo. Nakatali ako at walang pang itaas na damit. Nakita kong palapt si Gerald sa akin. “Sabi ko na nga ba ikaw ang may pakana ito..ano?? masaya kana ba?” ang sigaw ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pag agos ng luha sa aking mga mata.
"Alam mo, gigil na gigil ako sa iyo! Bakit kailangan mo pa akong idiiin? Sinisira mo ba talaga ang buhay ko?"
"Gago! Matagal ng sira ng buhay mo! Patapon ka at wala kang pangarap! Pwe!" ang sagot ko sabay dura sa kanyang mukha dahilan para sampalin niya ako. "Gago ka ah, wala pang dumudura sa mukha ko, ikaw palang!" ang galit niya sigaw sabay sampal ulit sa aking kabilang pisngi.
"Gago ka rin! Duwag kaaaa!" ang sigaw ko pa. "Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa iyo at kung bakit mo ito gingawa sa akin! Kung bakit kasi dumating ka pa sa buhay kon! Kung bakit pinag tagpo pa ang landas nating dalawa! Napaka malas ko! Ako na pinaka malas na tao sa buong mundo dahil nakilala kita!" ang sigaw ko sa kanyang mukha.
"Tumigil ka! Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo bakla kaa!"
"Bakla ka rin! Duwag ka pa! Ipapakulong kita at sisiguraduhin kong mawawala na pwesto ang iyong ama at hindi kana makakabalik pa sa campus!" ang sigaw ko
Susuntukin niya ako pero hindi niya itinuloy. "Gawin mo ang gusto mong gawin! Walang mawawala sa akin dahil matagal na akong ganito. Naunawaan mo ba? Matagal na akong ganito!" Sigaw niya sa harap ako. "Oo! Matagal kanang ganyan dahil wala kang kaibigan! Walang nag mamahal sa iyo! Kaya kapag namatay ka ay walang iiyak! Lahat kami ay mag sasaya! Suko na ko sayo Gerald. Surrender na ko. Gawin mo na lahat ng gusto mong gawin! Pero tandaan mo makakarma ka rin!!" ang sagot ko sa kanya..
Tahimik.
Napaluha nalang ako noong mga sandaling iyon “Nalulungkot ako dahil gustong gusto kitang maging kaibigan ko. Pina plano ko palang na tulungan kang mag bago ay bigo na agad ako. Alam kong wala akong laban sayo pero pinipilit kong lapitan ka para kahit papano nawala ang takot ko sayo. Ano bang naging kasalanan ko?”
"Hindi ko kailangan ng kaibigan! Okay lang sa akin na mamatay ng nag iisa! Sanay akong mag isa!" sagot niya.
"Sanay kang mag isa.. pero hindi ka masaya.." ang sagot ko naman.
Hindi na siya umiimik, ako naman ay nakaramdam ng labis na pag kapagod kaya napikit nalang ako, epekto ito ng gamot na nalanghap ko kanina, marahil ay ito rin ang dahilan ng aking pag kahilo..
Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas. Naramdaman ko nalang na tinulungan ako makatayo ni Gerald. Hinawakan nya ang aking braso at inilagay ito sa kanyang balikat. Tinahak namin ang daan papunta sa kanyang sasakyan at isininakay ako dito. Nakatulog pala ako, nung mag kamalay ako ay nasa osptital na ako at nilalagyan ng benda ang aking ulo at braso. Hinanap ko si Gerald sa paligid ngunit umalis na daw ito.
Nung makaramdam akong ginhawa sa katawan ay nag pasya akong mag pasundo sa driver ni papa at para maka uwi na rin ako agad. Sinabi ko rin kina mama at papa na napag tripan lamang ako ng mga adik doon sa kanto kaya ako nabugbog. Labis naman silang nabahala at nag report agad sa pulisya.
At mag buhat noong araw na iyon ay nag pasya na akong tumahimik at huwag na mag pakita kay Gerald lalo't tapos na rin ang kanyang pag kakasupende.
Makalipas ang ilang araw ay hindi pa rin ako pumapasok ng campus. Hindi na ako nag pasabi na hindi papasok. Umabot ang halos 4 na araw ay hindi pa rin ako nag papakita sa campus. Nag ttext at tumatawag na ang aking mga guro upang makibalita. Sa totoo lang ang plano ko ay hindi na ko papasok at lilipat nalang ako ng ibang school para makaiwas kay Gerald. Iyon talaga ang napag usapan namin nila mama at papa. Siguro doon nalang muna ako titira sa probinsya para makalayo sa sumpa na aking napasukan. Ang makilala si Gerald ay ang nag pabago ng takbo ng aking buhay. Naging worst pa ito kung tutuusin.
ISANG LINGGO ANG NAKALIPAS..
Wala pa ring akong paramdam..
Kinabukasan ay kinatok ako ng aming kasambahay sa aking kwarto at sinabi na may nag hahanap daw sakin sa gate. Binilin ko nalang na papasukin ito at paupuin muna sala. Marahil ay si Roxan iyon at binisita nya ako alam kong pati siya ay nag aalala dahil sa aking biglaang pag kawala.
Pinatay ko ang aking laptop at agad na nag ayos ng aking sarili..
Dali dali akong bumaba upang harapin ang aking bisita. Dito ay nakita ko ang isang lalaking naka sumbrero at naka talikod habang tiningnan ang mga painting na nakasabit saming pader.
Halos hirap pa din akong lumakad dahil pilay pa ang aking paa. At maga pa ang aking likod.. naka saklay ako habang palapit sa kanya.
Agad naman itong humarap sa akin..
Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita..
Si Gerald!!
Ang pinaka demonyong tao na nakilala ko.
Itutuloy..