Ang Classmate kong Siga
By: AiTenshi
Chapter 2
Mistulang tinamaan ako ng isang malakas na kidlat ng makita ko ang mukha nya na naka tingin at naka ngisi sa akin. Binalot ako ng matinding takot habang nag lalakad siya palapit sakin. Hindi ko malaman ang aking gagawin nung mg oras na iyon. Namalayan ko nalang na naka upo na siya sa bakanteng silya katabi ko.
“Kumusta kana?” ang sabi nya na parang matagal na kami mag kakilala
Hindi ako sumagot, ni hindi ko nagawang tingnan siya. Marahil ay namumukaan nya ako o natatandaan pa ang kanyang ginawa sa bakanteng lote. Maya maya pa ay dinikit nya ang kanya mga labi sa aking tenga at bumulong ito..
“Oh wag ka matakot sakin, hindi naman ako kumakain ng tao eh, pumapatay lang” sabay ngisi na animo dyablo.
Binalot ng kaba ang aking pag katao.. “s**t, tarantado to ahh, mukhang hindi ako titigilan ang hindi ako napapatahimik.” Ang sabi ko sa aking sarili habang naka yuko. Binibilang ko ang bawat pag patak ng minuto at hinihintay ko na mag uwian na para maka takas na ko sa taong ito.
Hanggang marinig ko ang aking pinaka hihintay na bell. Hudyat iyon na tapos na ang klase. Dali dali akong lumabas at tumakbo papuntang gate ng campus. Halos tumulo ang pawis ko sa sobrang nerbyos. Nang mapansin ko na naka sunod siya sa akin at tawa ito ng tawa. Napapansin kong tumatawa din ang mga studyanteng nadadaanan ko. Pero hindi ko sila pinansin at agad akong sumakay ng tricicle pauwi ng bahay.
Pag dating ko sa bahay ay agad akong nag palit ng damit. Nakita ko ang isang papel na naka dikit sa aking likod at naka sulat ay “Bakla ako!!!”. Agad sumagi sa isip ko kung bakit nag tatawanan ang mga tao sa paligid ko at kung bakit siya tawa ng tawa habang naka sunod sa akin. Nilamukos ko ang papel at tinapon ito sa basurahan.
Hindi ko alam kung bakit siya nag transfer duon sa aming paaralan, pero isa lang ang sigurado may kinalaman iyon sa akin. Dahil siguro gusto na nya ko patahimikin dahil narin sa aking nasaksihan noong nakaraan buwan.
Sobrang gulo nan g sitwasyon, pilit ko tuloy tinatanong sa aking sarili kung ano ba ang magagawa ko para tigilan na nya ang pag sunod nya sakin!
Ewan..
Kinabukasan ay papasok nanaman ako sa campus. Nakita ko agad siyang nag aabang sa gate. Sino kaya ang inaabang an ng taong ito. Lumapit siya sa akin at nag pakilala ito.
“Ako si Gerald. Anak ako ni Congressman Sanchez, ngayong kilala mo na ko alam mo na siguro kung saan ka lulugar.” ang wika niya na may halong pag yayabang
“Ahh Gerald pala ang pangalan ng hambog na to. Eh ano ngayon kung anak siya ng congressman?’ bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko siya pinansin at dumirecho ako papasok na gate. Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata at mistulang napahiya. Napakamot siya ng kanyang ulo.
Sa loob ng classroom ay ganun pa din ang aming set up, seatmate kami at madalas siya nag papansin, pero nag papatay malisya ako. Kunwari hindi siya nag eexist sa mundong ito. Kunwari ay hindi ko siya katabi. Ngayon natuto na ko, bago ako umuwi ay pumunta ako ng Cr para icheck baka may naka dikit nanaman na kung ano sa katawan ko. At alam ko na siya ang gumagawa nun. Nasa loob ako ng cr ng may marinig ako sa cubicle.
“Kuya!! Sorry, hindi ko naman sinasadyang mabunggo ka kanina sa hallway..” ang sabi ng lalaking parang natatakot.
“Tarantado ka! Sinasadya mo yun!!” ang sabi ng isa pang lalaki
Teka parang kilala ko ang boses na iyon. Tama si Gerald yun. Sino naman kaya ang inaaway nya ngayon. Pambasang bully talaga siya. Kaya nag lakas loob ako ng buksan ang cubicle king saan sila nag aaway.
Tumambad sa harap ko si Gerald na hawak ang leeg ng isang batang freshman. At aktong susuntukin na ito ng makita nya ko.
“ikaw nanaman? Anak nang!! Twing may tatapusin ako lagi kang sumulsupot! Ano ba gusto mo? Gusto mo bang unahin kita?” ang sabi nya habang naka hawak sa collar ng damit ng freshman na bata.
“Edi binatawan mo yung bata at tayo mag harap. Ganyan na ba kakati ang kamao mo at pati batang walang laban sayo eh kinakatay mo?” ang sabi ko sa kanya.
“Tarantado ka! Paki alamero ka!” ang sabi nya
“Oh ako pa ang tarantado ngayon. Tingnan mo nga ang itsura mo, hindi ka lang pala bwiset, siga ka din!!” ang sabi ko
Agad nyang binitiwan ang batang fresh man, nang naka kuha ng pag kakataon ang bata ay agad itong tumakbo palabas ng CR.
“Ngayong nabitin ako at kating kati natong mga kamao ko, sayo to lalanding.!” Ang sabi nya, sabay hitak sa akin papasok na cubicle.
“Sigelang mag sawa ka!” nilapit ko pa ang aking muka sa kanya.
Isang malakas na suntok ang binitiwan nya.. Pumikit nalang ako.. katapusan na nang mala anghel kong mukha.
Ngunit laking gulat ko ng dumaplis ito at sa pader tumama. At agad itong lumabas ng cubicle na nag mamadali. Nakita kong sinipa pa nya ng basura sa pinto sa cr.
Tagaktak ang pawis ko habang napa upo sa bowl ng cr. Halos muntik na iyon. May takot akong naramdaman pero may tanong din sa aking utak kung bakit hindi nya tinuloy ang pag suntok sa akin. Nakita kong may bahid ng dugo ang pader kung saan nag landing ang kanyang kamao.
Makalipas ang ilang minuto ay tumayo ako at lumabas ng cr. Nakita ko siyang naka upo sa tabi ng hallway at nag iisa ito, napansin ko din na dumudugo ang kanya mga kamao. Nag lakas loob akong lapitan ang Tigre sa kanya hawla.. nung maka lapit ako ay kinuha ko ang kanyang kamay at pinatong ang aking panyo sa dumudong parte ng kanyang kamao. Hindi ito kumibo kaya umalis ako iniwan ko ang aking panyo na naka tali sa kanyang kamay.
Kung iisipin mo ay napaka layo ng itsura nya sa kanyang ugali. Yung nga lang buhok nito ay kulay dilaw at may halong puti na animo drug addict. Muka siyang anime kung tutuusin ay pwede siyang Cosplayer ni Ichigo ng anime na Bleach dahil sa pareho silang basagulero. Maganda at nangungusap lagi ang mga mata nya. At maganda at proportion ang pangangatwan nyan. Napaka perfect at malayong malayo saakin. Kung physical na looks ay hindi naman ako mag papahuli, pero iba ang dating nya na parang may parating na delubyo pag lumalad siya. Kabaligtaran ko siya kung iisipin.
Nakita ko nanaman si Gerald na naka tayo sa parking lot ng campus may hawak itong isang bato at kitang kita ko kung paano nya binato ang salamin ng isang sasakyan at nag tatakbo ito palayo na tila galak na galak. Naisip ko tuloy na anong klasing pag papalaki kaya ang ginawa sa kanya. Parang nakaramdam ako ng awa sa kanya..
At hindi pa doon nag tatapos ang kalokohan nya, ilang oras lang ang naka lilipas ay napasama naman ito sa rambulan sa labas ng campus. Nakita naming may hawak itong isang baseball bat at nag tatakbo sa loob ng kanyang sasakyan. At hindi na ito pumasok sa kanyang klase.
Araw araw ay ganado si Gerald sa pag hahasik ng lagim sa buong campus. Dalawang uri ng tao lang naman ang madalas niya napapag tripan, ang una ay mga batang freshman na mapapayat at mayayabang na parang kakasa sa lahat ng labanan. Alam niyo ba yung bata na kapag ininis ay magagalit at hahamunin ka ng suntukan? Iyon ang gustong gusto ni Gerald, una ay aasarin niya muna ang mga ito at pag katapos mahulog sa kanyang pain ay bubugbugin na niya kapag nanlaban. Ang ikalawang tipo niya ay walang iba kundi ako, madalas niya akong tinatakot sa mga text messages at maging sa mga note sa locker ko. May pag kakataon pa bigla nalang niya akong hahablutin sa braso kapag hindi ko siya pinapansin at nag papanggap nalang ako na isa siyang masamang hangin.
Alas 3 ng hapon habang nag didiscuss ang aming guro sa communication and writings. "You will learn the basics of active reading and how active reading is paramount in your success as a student and beyond. You will also learn how to identify the main idea in a piece of writing and how to create a topic sentence that conveys the main idea in your own writing. You will discover the benefits of prewriting and will learn prewriting techniques that can be used at the onset of any writing project. In the next lesson you will delve deeper into the main idea by learning the basics of thesis statements, while developing strong thesis statements of your own. You will also learn the value of outlines in writing, and some techniques to help you outline effectively."
Habang nasa ganoong pakikinig ako ay biglang may nag landing na maliit na eroplanong papel sa aking desk. Luminga linga ako at dito ay nakita ko si Gerald na kumakaway sa akin habang naka ngisi.
Nakatahimik lang ako at agad kong binuksan ang papel na kanyang pinalipad sa akin. Naka sulat dito ang salitang "I still now what you did last summer!" Napakunot noo ako at nilagyan letter K ang salitang "now" niya para maging "know" ito. Saka ko pinalipad pabalik sa kanya.
Binuksan niya ito at maya maya ay napakamot ito ng ulo saka muling nag sulat. Pinalipad niya sa akin ang papel at kaya muli kong binuksan. Naka sulat dito ang salitang "Bakla" tapos ay may drawing pa ng t**i na may lumalabas na tamod." Hindi na ako sumagot, nilukot ko ang papel at agad itong itinapon sa basurahan.
"Okay class, bago tayo mag dismis gusto kong icongratulate sina Lee at Gerald for being on top picks for the most Handsome student of our campus according to our linkage newspaper! Si Lee ay nasa top 6 at si Gerald naman ay nasa top 3. At congrats rin kay Roxan bilang most beautiful face ng campus." ang masayang wika ng aming adviser.
"Handsome? Dapat sayo ay beautiful kasi bakla ka." ang wika ni Gerald noong mag abot kami sa CR. "At bakit mo naman nasabi?" tanong ko.
"Dahil ang tunay na lalaki kapag iniinis ay nanununtok. Ikaw? Wala eh, mukha hindi ka makabasag pinggan." ang wika niya.
"Umiiwas lang ako sa gulo dahil may imahe akong disente at walang ako bad record dito sa campus. Huwag mo akong itulad sa iyo na ilang weeks palang dito ay halos buno na yung log book ng counseling office dahil sa dami ng kalokohan." ang sagot ko dahilan para matawa siya. "Ang sabihin mo ay bakla ka lang kaya di ka makalaban. Sige nga kung di ka bakla ay salsalin mo nga b***t ko." ang wika nito sabay labas sa kanyang t**i na malambot pa at may makapal na bulbol.
"Hindi ako kasing salahula mo Mr. Sanchez."
"Kung ganoon ay suntukin mo nalang ako para mapatunayan mong hindi ka bakla. Dali na hindi ako iiwas. Ang tanong ay kung kaya mo ba?" pang aasar niya. "Baka sa halip na suntukin mo ako ay sabunutan mo ako o worst ay baka halikan mo ako." hirit niya.
Hindi ako kumibo..
"Ano na? Suntok na! Tang ina duwaaag!" sigawa niya at hindi pa ito nakakatapos mag salita ay itinikom ko ang aking kamao at isang malakas na sapak ang ginawad sa kanyang mukha. Tumama ito sa kanyang nguso dahilan para mag dugo ito.
Sa sobrang lakas nito ay natumba siya sa sahig bumulagta. "Marunong akong manuntok dahil nag boboxing kami ni papa bilang sport. At itago mo na yung t**i mong kasing laki ng hinliliit ko." ang sagot ko sabay labas sa CR.
"Tanginaaa kaaaaa!" ang sigaw ni Gerald sa loob ng CR kaya noong marinig ko ito ay mabilis akong nag tatakbo palabas ng gate. Galak na galak ang aking puso noong mga sandaling iyon! Sa wakas ay nakaganti ako ng FREE kay sa gagong iyon!
Kung minsan kasi ay para siyang isang asong tahol ng tahol pero kadalasan ay bahag naman ang kanyang buntot. Mayabang lamang siya dahil may mataas na posisyon ang kanyang ama at may kaya sila sa buhay. Pero ako yung tipo ng tao na hindi naman basta basta mag papagapi at mag papatalo ng ganoon nalang.
Halos ilang linggo ko palang nakaka klase si Gerald pero ang pakiramdam ko ay nakalubog na ako sa kumunoy at palubog ako ng palubog dito. Kung maibabalik ko lang ang oras na nag lalakad ako sa bahaging iyon ng lote, hindi na ako babalik pa at lalakad akong diretso, baka sakaling nabago pa ang buhay ko at hindi naging ganito ka komplikado.
Itutuloy..