PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa, maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po"
NOTE: Ang Kwento ito ay sinulat ko pa noong 2013, isa ito sa pinaka unang nobela na ginawa noong nag sisimula palang ako. Hindi ito perfect, marami itong error at medyo mabalis ang pacing pero malinaw at maayos naman ang takbo ng istorya.. Salamat sa pag unawa.
******
Ang Classmate kong Siga
By AiTenshi
Chapter 1
Ginabi nanaman ako ng uwi dahil sa lakad ng barkada. Im sure pagagalitan naman ako ni erpat nito. At tiyak dudugo naman ang tainga ko sa walang humpay na sermon. Ewan ko ba, simula kasi noong high school ay madalang akong mag karoon ng kabarkada, kaya heto noong nag college ako ay sinulit ko na ito kaya madalas kaming lumalabas na para wala nang bukas. Madalas kami sa gimikan, sa mga party, sa mall. Basta kung saan may happy happy ay present kami. At ang pinaka paborito naming parte ay ang pag katapos ng examination. Para bang tagumpay na mairaos namin ito kaya tiyak na celebration ang susunod na eksena.
Alas 11:40 ng gabi iyon habang ang buwan ay nakatunghay sa aking pag lalakad. Sa kabilang kanto lang naman ang bahay namin kaya hindi ito masyadong kalayuan kaya nag pasya akong gamitin nalang ang aking mga paa upang tahakin ang daan pauwi. May pag kakataon kasi naniningil ang guard sa mga taxi driver bago maka enter sa aming subdivision, ayoko naman mabawasan pa ang allowance ko sa pag babayad ng extra fee kaya okay rin ang mag lakad.
Patuloy ako sa pag lalakad..
Tahimik at maaliwalas ang paligid..
Sa di kalayuan ay makikita mo ang isang bakanteng lote at isang sirang gymnasium na dating pinag lalaruan ng basket ball nila papa. Sa totoo lng natatakot ako dumaan dito dahil daw pugad iyon ng mga espirtu at multo. Naalala ko nga yung kwento ng mga kaibigan ko dito, kadalasan daw na nakikita ay yung paring may pugot na ulo o yung madre na naka suot ng purong pulang damit. Minsan kung walang mga bad spirit ay masamang tao naman ang nag hihintay sayo. Nakakatawang isalaysay pero pag tapat ko sa lugar na iyon ay kumaripas ako ng takbo at wala nang lingon lingon pa.
Noong makalagpas ay huminga ako ng malalim at nag simulang bumilis ang t***k ng aking puso..
Isang malawak na bakanteng lote ito at dahil sa malaki ito ay mahabang lakaran ang aking tatahakin. Isang malaking pag subok para sa akin ang dumaan dito sa ganitong dis oras ng gabi. Naalala ko tuloy yung mga pinapanood kong horror movie o kaya yung mga binabasa kong pinoy ghost stories! s**t! Nakakatakot talaga!!
Patuloy ako sa pag kilos ng mabilis..
Malakas pa rin ang kabog ng aking dibdib..
Tumataas ang balahibo ko sa takot ng mga oras na iyon, lalo na noong may narinig akong isang impit na sigaw o daing na hindi ko malaman.. “Tulong.. pakiusap.. Tungan nyo ko”.
Nagimbal ang aking pag katao “Baka maligno iyon! O isang engkanto na kunwari ay nang hihingi ng tulong at kapag tinulungan mo siya ay bigla itong mag babago ng anyo saka ka sasakmalin ng buong buo!” ang sigaw ko sa aking sarili.
Waaaa hindi ako lumilingon.. “kaya mo yan Lee, kaya mo yan!!” ang pag kukumbinsi ko sa aking sarili para lang lumakas ang aking loob.
Maya maya pa ay lalong lumakas ang sigaw.. “Tulungan ninyo ako! Kahit na sino sa inyo! Papatayin nila ako!!!” ang muling daing niya. Ang ibig sabihin ay papatayin palang siya, meaning ay buhay siya!
Ngayon ay sigurado na ako na isang lalaking buhay at hindi isang maligno ang sumisigaw habang nang hihingi ng tulong. May narinig din ako ng mga tao parang nag tatawanan. Siguro sila yung drug addict doon sa kabilang kanto na sinasabi ng mga classmate ko na mapanganib.
Pero hindi ko na ito pinansin pa nag patuloy ako sa pag lalakad ng mabilis hanggang sa wakas ay naka lagpas na ako ng bakanteng lote. Tagaktak ang aking pawis, butil butil ito ay pakiramdam ko ay sinabuyan ako ng malamig na tubig. Habang napahinto ako at napa isip. Ano kaya at sino ang sumisigaw na iyon. "Tulong please! May nakakarinig ba sa akin?! Saklolo!" ang muli kong narinig at sa pag kakataong ito ay parang nag hihingalo na ito na hindi mo malaman.
Parang naka ramdam ako ng kaunting pagka konsensya sa aking ginawa. Guilty ako kaso natatakot akong madamay pa. Ilang segundo rin ako nag isip dahil na rin may nag bubulong sa kabilang parte ng utak ko na tingnan kung ano ang nanyayari. “Hay s**t!! Bahala na si batman!!” ang bulong ko sa sarili at nilakasan ko ang aking loob. Sabagay naisip ko rin na pag tumakas at natakot ako ngayon ay habang buhay na kong matatakot at tatakas. Kelan ko pa haharapin to.. ito na ang chance ko na harapin ang takot ko o kung ano man ito.
Marahan kong sinundan ang nag hihingalong tinig ng lalaki. Nasa gawing dulo ito ng naturang lugar.
Tahimik lang.
Iniwasan kong gumawa ng kahit na anong ingay..
Napansin ko ang loob ng bakanteng lote, dito naka tayo ang luma at medjo sira sira ng gymnasium. May mga sirang pader ito at ilang pang sirang pintuan. May ilaw naman sa loob kaya medjo maliwanag ang paligid. “parang awa nyo na, tama na!!” iyon ulit ang narinig kong boses at galing ito sa loob ng lumang gym.
Dahan dahan akong lumapit at maingat na sumilip sa isang bintana. Halos sumabog ang aking dib dib sa sobrang kaba. Habang iniikot ng mga mag mata ang buong paligid. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Isang lalaki duguan at walang saplot na pang itaas, napapaligiran ito ng 4 o 6 lalaki na tawanan ng tawanan. Naisip ko na hazing ito sa isang frat o kaya naman ay pag bibinyag sa bagong miyembro nila.
Pero bakit ganun? Parang balak yata nila itong patayin ng makita ko ang isang lalaki na lumapit na pinag sisipa ito. Halos maawa ako sa mukha ng lalaking binubugbog nila kaya naisipan kong umalis na at mag report sa pulis. Ngunit hindi ko ito nagawa dahil may humarang sa akin.
Isang lalaki na halos kasing edad ko. Kasing tangkad ko, tinitigan ko ang kanyang mukha at naaninag ko ang kanyang singkit at medjo bilugang mata ang labi nyang mapula at ang napaka kinis nyang balat. Kung tutuusin ay parang napaka buting tao nya.
“At saan ka pupunta Tisoy na koreano ka ba? O intsik?” sabay tutok sa akin ng isang maliit na kutsilyo.
Hindi agad ako naka kibo nang bigla nyang ilapit sa mukha kong ang patalim na hawak nya. Halos maiyak ako at maihi sa salawal sa sobrang takot. "Hindi ka lalaban o mag ccause ng kahit na anong gulo. Na curious lang ako sa ingay na narinig ko kaya nag tungo ako dito."
“Malas mo tol, kailangan kita patahimikin, baka sumabit kami dito!” ang sabi nya habang naka sakal sa akin. Sa tingin ko ay hindi bago sa kanya ang gawaing ito. Walang pangamba o takot akong naramdaman sa kanyang mukha. "Dapat kasi next time na may kakatayin kayo ay takpan niyo ang bibig niya para di siya nag iingay, sa tingin ko ay kasalanan niyo rin kung bakit napunta dito." ang sagot ko pa na parang aatakihin sa takot.
"Aba mag sasalita ka pa, gusto mo bang putulin ko yang dila mo?" tanong nito dahilan para mas lalo akong manginig.
Halos tumulo ang pinag halong luha at pawis ko dahol sa takot, nang akmang sisigaw ako para mang hingi nang tulong ay sinuntok nya ako. At pilit giniit ang hawak na patalim sa aking mukha. Kitang kita ko ang kanyang pag ngisi na animo isang mamatay tao. Bagamat kapag nasisilayan ko ang kanyang mukha ay nakikita kong gwapo ito, parang isang artista sa telebisyon.
Sobrang natatakot ako sa pangyayari, habang ang isang lalaking duguan sa loob ng gym ay hinihila na at pakiramdam ko ay wala na itong malay. Sa tingin ko ay samahan nila nag lalaking ito na naka huli sa akin. Kung ganon ay nasa 7 pala sila.. 6 ang nasa loob at 1 ang nandito sa labas, marahil siya ng watcher kung may taong parating.
Narinig ko ang isang kasamahan nila. “boss saan natin ilalagay ito?”
“Ako na ang bahala dyan!” ang sigaw ng lalaking naka huli sa akin.
“Boss? Ibig sabihin siya ng may pakana at utak ng mga ito?” sabi ko sa sarili ko
"Alam mo naisip ko talaga na yariin kana dito e. Kaso sayang naman iyang gwapong mukha at yang kakinisan mo kung matitigok ka lang. Alam ko na, mag laro tayo tol. Ganito nalang.. bibilang ako ng lima. At dapat ay maka takbo ka dahil kapag naabutan kita alam mo na mangyayari sayo” sabay dikit ng patalim sa leeg nya.
“Kung sakaling maka takas ka ay wag na wag mong ipag sasabi ito. Kung hindi ay malilintikan ka.” Naintindihan mo?? Kahit nasaan ka kaya kaya kitang sundan, kahit nasa loob ka pa ng saya ng nanay mo. Maliwanag ba? Sagot!"
"O-po!" tugon ko.
“Magaling. Ngayon ay umapisahan na natin ang taguan." naka ngising niya sagot sabay awit. "Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Walang mag tatago sa likod o sa harap. Pag bilang kong sampu ay nakatago kana..
Isa............... dalawa......”
Kahit nanlalambot ang aking tuhod sa takot ay pinilit kong tumakbo palayo..
“tatlo.... apat......... lima! anim!!
Sabay tawa ng malakas..
Narinig ko nalang na tumawa ito at hindi ako hinabol. Parang tinakot lang nya ako. Halos kumakaripas ako ng takbo at parang mamalugatan ako ng hininga.. ilang minuto pa ay narating ko ang tarangkahan ng aming bahay at agad akong napanatag.. “ligtas na ako sa wakas” dali dali akong pumasok at sinara ang lahat ng bintana at pinto ng aming bahay.
Ilang oras pa ang lumipas matapos ang aking pag mumuni muni ay nag pasya na akong mahiga sa aking kama. Hindi halos dalawin ng antok dahil sa sobrang kaba at pag kabahala. Hindi ko malimot ang mukha ng lalaking muntik nang maging sanhi ng kapahamakan ko. Wala rin akong kamalay malay na ito na pala ang simula ng pinaka malaking pag babago sa buhay ko. Ako po si Lee, 20 years old. At ito ang aking kwento..
MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO.
Sumapit nanaman ang pasukan sa 2nd semester. Medjo naka recover na rin ako sa trauma at sa pangayayari sa akin nuong bakasyon.Ngunit paminsan minsan ay ang alala alang iyon ay bumabalik sa aking isip parang isang bangungot na paulit ulit bumabalik sa aking ulirat.
Sinalubong agad ako ng mga kaibagan ko sa campus isa na rito ang bestfriend kong si Roxan.
“Kumusta kana Lee?” ang tanong nito habang excited na inakap ako.
“Mabuti naman, namiss kita ah, kamusta ang bakasyon sa Cotabato?" tanong ko sa kanyang habang ang lalakad kami papasok sa hallway.
"Okay naman, kaso ay medyo boring. Ayos ka lang ba? Parang namayat ka yata?"
"Sa stress at talagang nag diet ako." tugon ko.
“Anyway gwapo ka pa rin naman. Nga pala ay nabalitaan mo ba yung lalaking napatay nuong nakaraang linggo malapit daw iyon sa bakanteng lote sa subdivision nyo.” Ang pag lipat ng topic ni Roxan. “halos duguan daw iyon ay walang habas na pinahirapan.” Ang dagdag pa nya
Bigla akong namutla at nakaramdam ng matiding pag katakot. “kung gano talagang pinatay nila ang lalaking iyon.” Ang sabi ko sa sarili ko.
“Hoy, ayos ka lang ba? Naka tulala ka eh, mukhang lalim ng iniisip mo ha.” ang biro nya sakin.
Agad nya ko hinitak patungong classroom dahil nanduon daw ang aming bagong schedule.. “Sa sobrang energetic ni Roxan at hindi mapapagkailang isa sya sa pinaka magandang babae dito sa campus. Siya ang Ms. Campus namin at pati ako ay lihim na humahanga sa kanya. May pag kakataon rin na napag kakamalan kaming mag kasintahan dahil "perfect" match daw. Madalas din kaming nakukuhang modelo sa mga print ads at tarpaulin sa mga maliliit na advertisement.
Noong makarating kami sa aming classroom sa 2nd floor ay nag kaka gulo ang mga studyante hindi mag kamayaw sa dahil ng mga inaayos na requirement ang iba sa kanila ay ngayon palang nag eenrol. Kaya naman hindi pa masasabing regular ang klase.
Inaya ko muna ang mga barkada ko na mag libot sa mall. Duon ay kumanta kami sa videoke at nanood ng sine. Mabuti na rin ito para malibang ang aking isip. Buong araw kaming nag bonding hanggang matapos ang araw at nag pasya kaming umuwi na muna. Halos bumabalik sa isip ako ang aking alala sa bakanteng lote tuwing nakikita ko ito. Hindi ko maikaka ila sa isip ko ang trauma at takot na sinapit ko nuong mga gabing iyon.
Kinabukasan ay pumasok na ako sa eskwela. Tulad ng dati ay isang normal na araw lang ito. Naka upo ako sa aking silya at nakikinig sa aming guro. Halos seryoso at naka focus ang lahat sa talakayan nang aming subject. Ngunit na hinto ito nang pumasok ang student director sa aming classroom at nag salita siya.
“Ok class, ngayon ang unang araw ng klase at natutuwa ako na handa na kayo. Gusto ko lang ipakilala ang ating bagong kapamilya sa paaralang ito. Isa siya transfer student galing sa isag malayong lungsod at nagagalak ako na ipakilala sa inyo ang inyong bagong kaklase” ang masayang wika ng aming prof.
Habang nag sasalita ang aming guro ay dinodrawing ko lang ang kanyang mukha. Kamukha nya kasi ang isang sikat na bida sa isang pelikula na gawa sa thailand ang crazy little thing called love. Kamukha siya ni teacher In. Kaya natatawa ako sa aking pinag gagawa at mahahalata mo sa akin na hindi ako interesado sa kanyang sinasabi. Narinig ko nalang nag palakpakan ang mga classmate ko habang pumasok ang transfer student sa aming klase.
So na curious ako kung ano ang itsura ng bagong kaklase namin. Kaya inangat ko ang aking ulo. Lumaki ang aking mata, at halos isang malaking pag kabigla ang aking nadama matapos kong makita ang mukha ng lalaking bagong salta.
Isang lalaki na halos kasing edad ko. Kasing tangkad ko, tinitigan ko ang kanyang mukha at kanyang singkit at medjo bilugang mata ang labi nyang mapula at ang napaka kinis nyang balat.
"Hoy Lee, mukhang hindi na ikaw ang pinaka gwapo dito sa loob ng classroom. Parang dumating na yung rival mo." ang kilig na hirit ni Roxan.
Patuloy akong naka tingin sa lalaki at habang pinag mamasdan ko ang kanyang mukha ay lalo pang lumalakas ang kalabog ng aking dibdib lalo na noong mamukhaan ko siya. "Siya ang lalaking nag tangka sa buhay ko sa bakanteng lote!! Hinding hindi ko malilimot ang kanya mukha." ang sigaw ko sa aking sarili sabay tayo sa akin silya.
Naka tingin ako sa kanya at napansin kong naka titig siya akin at naka ngisi ito..
Huminto ang lahat sa paligid ko..
Ano gagawin ko????
Ano kaya ang binabalak nya!!??
Ito ang mga katanungan na nabuo sa aking isip noong mga sandaling iyon. Naalala pa kaya niya ako? O nag kataon lang na nandito siya para sa ibang rason? O baka naman nandito siya para tapusin ako dahil nagging saksi ako sa krimen na ginawa nya. Mamatay tao talaga itong adik na to.
Maya maya, napansin kong papalapit na sakin ang lalaking kriminal sa bakanteng lote. Ang hirap no? akala ko tahimik na ang buhay ko eh gugulo nanaman pala. Kung ano man ang pakay ng lalaking ito ay batid kong hindi ito maganda kaya't dapat akong mag handa.
Itutuloy.