Chapter 10 Step Sister

1276 Words
Diane: PUPUNGAS-PUNGAS AKONG napabangon ng kama. Nangunotnoo akong mabungaran ang isang bulto ng lalake na katabi ko at walang suot na pang-itaas! Natutop ko ang bibig na nanlalaki ang mga matang dahan-dahang nag-angat ng tingin sa mukha nitong ikinalaglag ng panga ko! "Dionne?" piping usal ko na napapilig ng ulo. "Paanong kasama ko ang taong 'to? Si Inigo naman ang kasa-kasama ko buong magdamag sa bar?" Napatitig ako ditong nahihimbing pa rin. Wala sa sariling napaangat ako ng kamay na nahaplos ito sa pisngi at pinangilidan ng luha habang matiim itong tinititigan. Abot kamay ko na siya. Nandito na nga siya. Kasama ko. Nakikita, nahahawakan, nakakausap. Pero hanggang doon lang. Dahil sa nakapagitan sa aming invisible line na siyang humaharang sa aming dalawa. Ang katotohanang.....magiging magkapatid na kami. Bagay na kay hirap tanggapin. "Uhmm..." kaagad akong napaayos ng upo at nagpahid ng luha nang gumalaw itong napaungol. "D-Di?" namamaos nitong pagtawag sa akin. Tumayo na akong inayos ang sabog-sabog kong buhok. Napaupo na rin ito na napahilamos ng palad sa mukha at naniningkit pa ang mga matang halatang kulang sa tulog. "Where are you going?" hindi ko ito nilingon at dinampot na lamang ang pouch ko sa bedside table. Naramdaman ko namang bumangon na ito ng kama. "Di" pigil nito sa braso ko. "Get off me. I have to go" madiing saad kong binawi ang braso dito. "May problema ba tayo? Kagabi ka pa ganyan ah. May nagawa ba ako?" kunotnoong tanong nito na ikinangisi kong hinarap ito. "Problema? Nagawa?" sarkastikong tanong ko na ikinaawang ng labi nitong namutla. "Dalawang taon Dionne. Dalawang taon ang nakakalipas magmula ng basta ka na lang nang-iwan sa ere" garalgal kong sumbat dito. Napailing akong pinipigilan ang pangingilid ng luha habang matamang nakikipagtitigan dito. "Okay lang sana kung one night stand lang ang namagitan sa atin noon eh. Pero hindi. Paulit-ulit na may nangyari sa atin. At alam mo sa sarili mong ikaw ang nakauna sa akin" panunumbat kong naduro-duro itong matamang lang na nakatitig sa akin. "And then one day bigla kang babalik. What do you expect me to do huh? Welcomed you?" pagak akong natawa at napailing kahit deep inside ay durog na durog na ako. "Siguro naman kahit wala tayong naging label noon deserve ko pa ring malaman ang totoo. Kung bakit basta ka na lang nang-iwan na hindi manlang nagpapaalam. Ginawa mo akong tānga, ginawa mo akong katawa-tawa!" "I'm sorry. I know I was wrong to leave you that easily" mababang saad nitong ikinalapat ko ng labing pinipigilan ang pagtulo ng luha. "Di--" Tumalikod akong kaagad nagpahid ng luha kong tumulo. Ayokong ipakita sa kanya na apektado ako. Na napaiyak niya ako. Na nadurog niya ako. Hindi na dapat kami nag-uusap ng mga gantong bagay-bagay. Dahil sa ilang araw lang ay magiging iisa na kaming pamilya. "Di sandali" "Tama na. Hindi na rin naman natin maibabalik ang nakaraan kahit na magsisi pa ako" walang emosyong saad kong tuluyang lumabas ng pinto. Malalaki ang hakbang kong nilisan ang unit nito habang nakatakip ng palad sa labi na pinipigilan ang sariling mapahagulhol. NAMUMUGTO ANG mga mata kong dumating ng mansion. Natigilan ako na maabutan si mommy na nandidito. Usually kasi kapag gantong oras ay nakaalis na ito ng mansion. Napakunotnoo ito na mapatitig sa mga mata ko. "What happened hija? Why are you crying huh?" puno ng pag-aalalang tanong nitong ikinahagulhol kong niyakap ito. "Mom" para akong nakakuha ng kakamping masasandalan ngayon na nakayakap kay mommy at malayang umiiyak sa kanyang bisig habang kino-comfort ako nito. "Comm'on hija, what happened huh? Tell me. Please?" anito na panay ang pahid sa luha kong hindi maubos-ubos na nagsisi-alpasan! Napailing-iling akong humihikbing nakamata dito. Kahit naman kasi sabihin ko sa kanya ang pinagdadaanan ko ngayon ay wala ding saysay dahil hindi naman ako minahal ni Dionne. Ginamit niya lang ako. Mukhang sinadya nga niyang lapitan ako noon para maisakatuparan niya ang planong pananakit sa mommy ko. Sa pamamagitan ng pananakit nito sa anak ng babaeng minamahal ng kanyang ama. At sa kasamaang palad ay ako anak ng babaeng pinaghihigantian nito. Ako na walang kaalam-alam at madaling nabiktima nito. "What happened sweetie hmm?" paglalambing nitong pinapahid ang luha ko. Pilit akong ngumiti na umiling dito. "Nothing Mom. May konting aberya lang po sa personal na buhay" "At hindi ko pwedeng malaman ganun ba Diane Allison Casanova?" napangiwi ako sa pagtataray nito na nakataas ang kilay at sa pagsambit ng buong pangalan ko. Napakamot ako sa ulo na alanganing ngumiti dito. "Soon Mom. Sasabihan ko po kayo kapag hindi ko na kaya. Isa pa, kilala niyo ang anak niyo. Kayang-kaya kong lagpasan anu man ang pagdaanan ko" kindat ko dito na pinasigla ang boses. Napahinga ito ng malalim na muli akong niyakap. "Always remember that I'm always here for you sweetie. Tayong dalawa na lang ang pamilya at magkaramay ngayon sa buhay. Sana hwag ka namang maglihim sa akin lalo na pagdating sa mga problema mo anak" anito na ikinangiti at tango kong napahalik sa kanyang pisngi. "Yes Mom. I'll keep that on my mind. No worries about me. I can handle myself Mommy. Isipin niyo na lang ang paparating niyong kasal" pag-iiba ko ng usapan. Napanguso naman itong hinaplos ako sa buhok. "Anak, I have something to tell you" seryosong saad nitong ikinalunok ko. Pigil-pigil ang hiningang napatango dito na matiim akong tinititigan. "Sure Mom. What is it?" napahugot ito ng malalim na buntong-hininga bago ngumiting tumitig sa mga mata ko. "Napag-usapan na kasi namin ng tito Davidson mo na lilipat na sila dito sa mansion this weekend. Is it okay with you hija?" natameme akong ilang sandaling prinocess sa utak ang sinaad nito. "Pero Mom. Malapit na ang kasal niyo. Hindi niyo na ba mahintay na makasal muna kayo ni tito bago magsama sa iisang bubong--" "Hayan na siya!!" natigilan ako sa pagtili nito na inuga-uga pa ako sa brasong napakalapad ng ngiting nakatitig sa pinto. "Di anak, ayusin mo naman ang sarili mo. Nandyan na ang bisita natin dali!" "Huh? Sino?" mahina akong nahampas nito sa braso at parang kiti-kiting nabudburan ng asin na kinikilig at hindi makapirmi sa kinatatayuan. "Si Alden Di, nandyan na siya. Akala ko hindi siya darating!" nangunotnoo akong napatitig dito. Bakas ang tuwa sa kanyang mukha na napakaaliwalas ngayon. "Sinong Alden--" "Señora Diana, señorita Diane, nandito na po ang mga bisita" napapihit ako paharap sa pagsulpot ng isa sa mga katulong naming nagbukas ng main door at namilog ang mga matang mabungaran si tito Davidson na may dala pang bouquet ng sunflower kasama......si Dionne!! "Honey" "Honey thank you" ani mommy na siyang sumalubong kay tito at tinanggap ang inbot nitong bouquet sa kanya. "How are you Diane sweetheart?" anito na bumeso sa aking alanganin kong sinagot. "I'm good po Tito" napangiti itong hinaplos ako sa ulo. Hindi ako makatingin kay Dionne na matiim na nakatitig sa akin at bakas ang gulat sa mga mata nitong makita ako dito. "Anyway. Diane hija. This is my only son Alden Dionne. And Alden hijo, this is Diane Allison, your soon to be, younger sister. Be nice to her huh? " anito na nakangiting inakbayan ang anak na nakatulala sa aking hindi makatingin sa kanyang mga mata. Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito na magkakaharap-harap kaming apat! "H-hi! Nice to meet you....K-kuya Dionne" masigla at nauutal kong bati na naglahad ng kamay dito. Nangingiti naman ang mga magulang naming nakamata sa aming dalawa ni Dionne. Humakbang itong inabot ang kamay ko at mahigpit hinawakang ikinakagat ko ng ibabang labing matapang sinalubong ang mga mata nitong puno ng katanungan. "H-hi. Nice to meet you too. My dear STEP SISTER DIANE ALLISON"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD