Chapter 9 I Love You

1159 Words
Diane: PANAY ANG PAHID ko ng luha habang nakatagilid kay Inigo at sa bintana nakaharap na tahimik umiiyak! Sanay akong ako ang iniiyakan, hinahabol, minamahal. Pero kung kailan naman natuto akong magpahalaga at magmahal, saka naman ang balik sa akin ng kapalaran. Karma ko ba ito? Sa mga pinaasa at sinaktan ko sa larangan ng pag-ibig? Napailing akong may matabang na ngiti sa labing inaalala ang sitwasyon namin ni Dionne. Para akong pinipiga sa puso. Bakit naman ganto kasakit maglaro ang tadhana? "Ahem!" napapahid ako ng luha sa pagtikhim ng kasama ko at umayos ng upo. "Hindi naman siguro lalake ang iniiyakan mo Di, right?" "Hell no" alma kong pagak na natawang napapasinghot. Hindi ko tuloy namalayang nasa tapat na kami ng bar nila Liezel sa lalim ng iniisip ko. Napatitig ito sa akin na nanlalamlam ang mga mata. "Di" "I'm okay. Of course I am" pilit akong ngumiti dito. "I'm strong enough to handle this kind of situation Inigo. Honestly? Mas malala pa dito ang mga napagdaanan ko na before. Kayang-kaya ko itong lagpasan, kailangan ko lang ng konting oras para matanggap ang mga bagay-bagay" Napabuntonghininga ito ng malalim na pilit ngumiting nagtanggal ng seatbelt. "If you need someone to lean on? You can count on me Di. I'm always here for you" napangiti akong tumango-tango dito. "Yeah. I'll keep that on my mind Inigo. Thank you!" masiglang saad kong ikinangiti na rin nito. "Let's go?" "Let's go. You stay first Di, I'll open the door for you" kindat nitong ikinatawa kong napapilig ng ulo at nagtanggal ng seatbelt. Mabilis din naman itong bumaba na umikot sa gawi ko at pinagbuksan nga ako ng pinto sabay alalay sa akin. Napahalukipkip ako nang yumakap ang lamig ng hangin sa akin lalo't napaka-revealing ng suot kong sleeveless dress na abot lang ang manggas sa gitnang hita ko at wala akong blazer. Napangiti ako dito nang hubarin nito ang suot na coat na ipinasuot sa akin. "Thank you Inigo" "Anything for my girl" napahagikhik akong napailing na yumakap sa braso nito. Inalalayan din naman ako nitong pumasok ng bar. "Vip or counter?" "Uhmm...Counter I guess" saad kong ikinatango nitong iginiya ako sa gawi ng counter. Nakakailang naman kasi kung sa vip room kami eh kaming dalawa lang. "Okay, shall we?" akay nito. "Thank you Inigo" pasasalamat ko dito nang alalayan akong makaupo ng maayos sa isang highchair dito sa counter. Naupo din naman ito sa tabi ko at sinenyasan ang bar tender na kasalukuyang nagmi-mix ng tinitimpla nitong alak. Napanguso akong umikot papihit sa mga taong nagkakahiyawang masayang nagsasayawan sa dance floor. Naiiling na lamang akong nanonood sa mga ito. Maya pa'y may iniabot sa akin si Inigo na shot glass at nakimata na rin sa mga tao sa dance floor na tinitignan ko. "Wala ka namang planong magwala dyan mamaya, 'di ba?" bulong nitong nanunudyo ang tono na mahinang ikinasiko ko ditong napahagikhik. "No way. Kung 'di ako maging headlines ng mga articles bukas" "Maiba ako" napalingon ako dito na nakamata na pala sa akin. Seryoso ang mukha na matiim nakatitig sa mga mata ko. "What?" balewalang tanong kong napasimsim sa shot ko. "Nakilala mo na ba ang magiging step brother mo?" natigilan akong napa-isang lagok sa shot kong inuunti-unti kong sinisimsim. "No" kaila ko. Wala naman kasi siyang alam ng tungkol sa amin ni Dionne. Kahit nga si mommy ay hindi alam ang bagay na 'yon. Kami-kami lang ng mga kaibigan ko ang nakakaalam tungkol sa mga namagitan sa amin ni Dionne at sa paghihintay ko dito na inabot ng taon. Pero mapupunta lang pala sa wala. "Hindi ba siya dumating?" umiling akong may mapait na ngiti sa labi. Napatango-tango naman ito. "Hindi ka kaya magkaproblema sa kanya Di?" "Bakit naman?" napalingon ako dito. Napanguso naman itong naiiling. "Para kasing matigas din ang ulo niya katulad mo eh. Ngayon pa nga lang ang suwail na. Kita mo naman, engagement ng ama niya pero wala manlang moral support ito dito" anito na napapailing. Pilit akong ngumiti na bumaling muli sa dance floor. "Wala naman akong pakialam kung ayaw niya sa mommy ko. Hwag niya lang kaming kakantihin" wala sa sariling saad ko. Kita sa gilid ng mga mata kong natigilan itong dahan-dahang napalingon sa akin. "What do you mean Di?" umiling akong napalagok ng shot ko. "Kung sakali lang naman Inigo. Baka kaya hindi siya nagpakita doon dahil ayaw niyang may ibang pakasalang babae ang ama niya" napatango-tango naman itong lihim kong ikinahinga ng maluwag na naniwala ito sa naisagot ko. "At hwag ka rin niyang pakikialaman Di, malalagot siya sa akin" "Tss. Bakit, ano ba kita hmm?" nangingising tudyo kong ikinangisi rin nito. "Ako? Ako lang naman ang future husband mo Di" kindat nitong ikinasamid kong sunod-sunod na napaubo. Napahalakhak naman itong hinagod-hagod ako sa likod at nag-abot ng tissue. "Damn you. Ang sakit sa ilong huh?" asik ko ditong nagpunas ng bibig at ilong ko dahil lumabas ang alak sa ilong ko. Tatawatawa lang naman itong napapakamot sa batok. Panay ang linga ko sa paligid habang nag-iinuman at nagkakakwentuhan kami ni Inigo dito sa gawi ng counter dahil ramdam kong may mga matang nakatutok na naman sa aking ikinaaasiwa ko. Napakibitbalikat na lamang ako dahil marami-rami namang tao dito sa loob ng bar at hindi na bagong may napapatitig sa akin lalo na't kilala akong tao ng publiko. MAG-UUMAGA NA nang lumabas kami ni Inigo ng bar. Umiikot na rin ang paligid ko at halos hindi na makatayo ng maayos na kulang na lang ay kargahin na rin ko nito kung hindi lang siya pagewang-gewang ding maglakad. "Get off her. I'll drive her home" ani ng baritonong boses na humarang sa amin dito sa parking lot. Naniningkit ang mga mata kong pilit itong inaaninag. "And who are you to command me mr? I don't even know who you are?" palabang sagot ni Inigo na nakayapos sa baywang kong nakaalalay sa aking lupaypay na. "Shut the fūck up boys. I'm sleepy now" iritadong asik ko sa mga ito. "Let's go Di" ani ng pamilyar na boses na inagaw ako mula kay Inigo. "Back off asshole. Know your place. This girl, is mine" asik pa nito na agad akong pinangkong parang bagong kasal na ikinaikot lalo ng paningin ko. "Your being stubborn honey" anito habang inaalalayan akong makahiga ng front seat. Napasinghot ako sa bahagyang pagkakalapit nito sa akin. Pamilyar kasi ang pabangong gamit nito. At kakatuwang hindi ako makadama ng pagkailang dito. "Dionne" mahinang sambit ko. Napahaplos ito sa ulo ko mariing humalik sa noo ko. "Shh...back to sleep honey. I'll drive you home" napangiti akong ngumusong ikinahagikhik nitong mariing humalik sa labi ko. "D-Dionne...I love you" halos pabulong kong saad na nagpapatangay na sa antok. "I'm happy to hear that words coming from you. And I love you too Di, I love you very much honey" napangiti ako kasabay ng pagtulo ng luha ko nang maramdamang dumapong muli ang malambot at mainit niyang mga labi sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD