Chapter 20 Plano

1167 Words
Diane: NAPAPANGISI AKO sa isip-isip na nakikitang apektado si Dionne sa paglalalapit ni Inigo at paglalambing nito sa aking sinasabayan ko. Naiiling na lamang ko ditong kung maka-react ay para namang pag-aari niya ako kaya lalo kong iniinis. "Matatanggap mo kaya ako, kung malaman mong.....ilang katao na rin ang kinitil ko ang buhay" mahinang saad ko habang marahang hinahaplos ito sa pisngi. Pasado alasdose na ng hatinggabi pero heto at gising na gising pa rin ako. Habang si Dionne ay kanina pa nahihimbing na nakaupo sa silya at nakasubsob sa gilid ng kama ko. Nangilid ang luha kong kaagad kong pinahid bago pa tumulo. Napahawak ako sa kamay nito na pinag-intertwined ang mga daliri namin. Kahit anong kastigo ko sa sarili na pakawalan na ito at ibaling na sa iba ang nararamdaman ay hindi ko magawa-gawa. Habang iniiwasan ko ito. Habang tinutulak palayo ay siya namang paglalalapit nito na tila nananadyang sinusundan ako! Alam ko rin namang kasing hindi papayag ang mga magulang namin kung ipagpatuloy namin ang namamagitan sa amin ni Dionne. At malaking kahihiyan ito sa pamilya naming maaaring ikabagsak pa ng sales ng kumpanyang maging sanhi ng pagkalugi nito. Mapait akong napangiti na 'di namalayang tumulo ang luha. Mas humigpit naman ang pagkakahawak ni Dionne sa kamay kong ikinasulyap ko dito. Saka ko lang napansing gising na pala itong nakamata sa akin habang nakasubsob pa rin ang mukha sa kama. Pilit kong binawi ang kamay ko na pinakawalan din naman nito at tumuwid ng pagkakaupo. Nag-iwas ako ng tingin ditong napapahid ng luha. "Ano ba talagang nangyari Di?" mahinahong tanong nito. Bakas sa mga mata nito ang pag-aalala na ikinangisi ko lang dito. "Why? Do you care?" sarkastikong tanong ko na ikinalunok nito. "Nagtatanong ako ng maayos Diane. Magseryoso ka naman please. Hindi biro ang nangyari sayo" napatango-tango lang ako na pilit binalewala ang pag-aalala nito. Napahinga ito ng malalim na matamlay ang mga matang nakatitig sa akin. "Diane" "Mind your own business Dionne. Hwag mo akong.....pakialaman" walang emosyong saad kong nahiga patalikod dito. Panay ang pagbuntong-hininga nito na ramdam ko ang matiim niyang mga matang nakatutok sa likuran ko. MARIIN AKONG napapikit na inalala ang mga nangyari kaya ako nabaril. "What should I do buddy? Hindi ko siya magawang pakawalan" pagda-drama ko kay Irish na matamang lang na nakikinig sa paulit-ulit kong drama dito. "Baliw ka ba? Itanan mo" natatawang saad nitong binatukan ako. "Gāga ka ba? Hindi niya ako mahal. Paano ko 'yon itatanan" ismid kong napairap dito. Napangisi itong nagtataasbaba ng kilay. Sa uri ng ngisi nito ay mahihinulaan mo na lamang na may kalokohan na namang tumatakbo sa utak nito. "Paaminin mo. Hindi ka naman sigurado kung pinaglaruan ka nga lang ba ni fafa Dionne o mahal ka rin" napataas ako ng kilay na ikinakindat nito. Napailing akong tinungga ang beer ko. "How?" "Trap him" napangiwi akong inilingan ito. "Ayoko" "How about, make him worried buddy" napalingon ako dito na bakas ang kaseryosohan sa mukha. "Paano?" curious kong tanong na ikinangising aso nito. "Hwag na nga lang" Kaagad kong bawi. Hindi na naman kasi mapagkakatiwalaan ang ngisi nito at uri ng tinging ginagawad sa akin. "I have a bright idea buddy. Trust me. Effective 'to. Dito natin makikita kung may halaga ka sa kuya Dionne mo o wala" "Bahala ka nga" sumusukong pagsang-ayon ko ditong mas lumapad ang ngisi. KINAGABIHAN ay tinawag nito si Bruno. Ang head ng bodyguards nito na kaagad dumating ng unit. Nababagot lang naman akong nakaupo ng sofa habang nag-uusap ang mga ito. Nasa gawi sila ng kusina kaya hindi ko marinig ang usapan ng mga ito. Pero kita ko sa reaction ng kaharap na kabado at parang iniipot ng baliw na Crawford para mapapayag sa kung ano mang ipinapagawa. Napaayos ako ng upo pagkatapos nilang mag-usap na tila pinagsakluban ng langit si Bruno at nag-aalangan na napatingin sa akin. Tumayo ako na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Nagtatanong ang mga mata nang bigla akong sikmuraan ni Brunong ikinadaing ko! Sa laki niyang tao at lakas niyang sumuntok ay napaubo ako ng dugo! Hindi pa man ako nakakabawi ay sunod-sunod ako nitong sinuntok sa tagiliran na ikinanghina kong bumagsak ng sahig! "Damn you!" namimilipit kong daing na nakahandusay sa sahig! "I'm sorry ma'am" anito na muli akong sinugod! Sipa, tadyak, suntok ang inabot ko ditong sa katawan ko lang ang tinatamaan na tila iniiwasan niya ang mukha ko. Nanghihina at naghihingalo ako ng tantanan na ako nitong napaiyak pang dinamayan akong itinayo at kinargang inihiga sa kama. Lumuhod itong napahagulhol na panay ang hingi ng tawad. Kahit nanghihina ako ay napikot ko ito sa tainga. Alam ko naman kasing hindi nito kagustuhan na bugbugin ako kundi utos ng mabait kong kaibigan. "Humanda ka sa akin kapag lumakas na ako Bruno. Babawian kita" banta ko pero ngumiti lang itong tumangong nagpahid ng luha. "Opo ma'am Diane. Hihintayin ko po ang paggaling niyo" napailing na lamang ako ditong nginitian. PAGKALABAS NI Bruno ng unit ay saka lang lumapit si Irish. Namilog ang mga mata ko nang may hawak itong caliber 45 nito! "Damn buddy! Sobra na 'yan!" singhal ko nang ituttok nito sa tyan ko ang baril nito! "Relax Casanova. Para namang ngayon ka pa lang mababaril. Kagat lang 'to ng langgam sayo" nakangising saad nito at walang kakurap-kurap na kinalabit ang katilyo!! "Urrgghhh! Fūck you Crawford!" impit kong daing na pinadaplisan talaga ako ng bala! Tatawa-tawa naman itong nilinisan ang sugat ko habang ako'y namimilipit na sa sobrang kirot at panghihina! "Atlis your question will be answered tommorow morning buddy" kindat nitong ikinaningkit ng mga mata ko dito. Matapos ako nitong linisan at bihisan ay iniuwi na nga niya ako ng mansion. Nanghihina at nahihilo ako na iniwanan nito sa silid nang ma-trace nito ang cellphone number ni Dionne na pauwi na ng mansion kaya nakampante itong iniwanan ako kahit naghihingalo na akong natatangay ng antok! NAPANGITI AKO na malamang hindi nga pakitang tao lang ang pinapakita at pinaparamdam ni Dionne na pag-aalala sa akin. Mukhang katulad ko ay wala din siyang kaalam-alam tungkol sa aming mga magulang. Na hindi nito planado ang paglapit sa akin noon. Mariin akong napapikit nang sumilip ito at maingat akong pinatihayang inayos ng higa at kumot. Pigil-pigil ang sarili kong mapangiti nang haplusin ako nito sa ulo at panay ang halik sa buong mukha ko. "Ang tigas ng ulo mo. Hindi mo naman kailangang magtago ng lihim mo sa akin. Paano kita mapo-protektahan kung hindi mo ako pinagkakatiwalaan ng mga bagay-bagay tungkol sayo" mahinang saad nitong panay pa rin ang halik sa mukha ko. "Mahal kita Di, sana mahal na mahal" anito na masuyong humalik sa labi kong ikinangiti kong napayapos sa batok nito at tinugon itong natigilan. Napadilat ako ng mga mata at mahinang natawa na namimilog ang mga mata nitong natuod. "Mahal din kita" kindat kong ikinakurap-kurap nito. Natawa akong muling sinunggaban ang mga labi nito. "Damn. Kiss me back....kuya" tudyo kong hinahalik-halikan ito sa labi. "What the fūck honey. Kuya pala huh?" "Hahahah! I'm just teasing you--ummppt!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD