Chapter 21 Kulong

1157 Words
Diane: ISANG LINGGO KO lang sa hospital at nakalabas na ako. Hindi pa gaanong hilom ang mga pasa at tahi ko pero mas nakakagalaw na ako ng maayos. Lagi din namang nakaalalay si Dionne na ultimo pagbanyo ko ay sinasamahan ako para lang makaisa at mamboso tsk. "Di" "Ayt!! Dionne ano ba!" singhal ko sa biglang pagsulpot nito dito sa wardrobe ko at 'di magkandamayaw kung anong tatakpan ko dahil wala ako ni anumang saplot!! "Lumabas ka nga!" asik ko na pinaniningkitan itong napangising aso lang at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa! Sinasadya pang pabalik-balik ng tingin sa kepchay at dibdib kong napapalunok! "Bakit mo ba tinatakpan honey? Nakita ko na lahat 'yan. Nasisid ko pa nga eh" panunudyo nitong dahan-dahang lumapit na ikinaatras ko hanggang sa maramdaman ko na ang malamig na salaming kinasandalan ko! "L-lumabas ka muna. Nagbibihis ang tao eh" napalunok ako nang na-corner ako nitong itinukod ang mga braso sa magkabilaang gilid ko. "D-Dionne ano ba" mahinang saway ko sa dahan-dahan nitong pagyuko lalo na't gahibla na lang ang pagitan namin! Para akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko habang nilalabanan ang kakaibang damdamin na unti-unting nabubuhay sa sistema ko! "I missed your sweet kisses honey" anas nito na pinagsasagi ang aming mga labi! Mariin akong napapikit na napasalubong ditong sabay nagkatugunan ng mga labi! Napayakap ako sa batok nito na sabay naming ikinaungol habang kumapit naman ito sa baywang ko at mas pinalalim ang aming halikan na nagkakatunog pa! "Uhmm.... D-Dionne" napatingala ako sa pagbaba ng mga labi nito sa panga at leeg ko! Nagsisimula na ring bumigat ang paghinga ko at ang paglukob ng init sa katawan kong impit kong ikinauungol na nasasabunutan na ito! "Diane!! Diane!?" Para kaming nabuhusan ng malamig na tubig na napabitaw sa isa't-isa nang kumatok si mommy mula sa labas ng pinto!! "M-magtago ka bilis!" natatarang tili ko na basta na lamang itong isinilid sa closet ko. "Teka naman honey, masikip dito" "Hwag ka ng umapila. Quite ka dyan. Ipapahamak mo pa ako" asik ko na pinagsarhan ito ng pinto. "Di naman. Mainit" dinig ko pang reklamo nito na hindi ko na lamang pinansin at kaagad isinuot ang roba ko bago pinagbuksan si mommy! "Mom?" "What took you so long?" kunotnoong tanong nito na pumasok ng wardrobe. Napapalunok ako. Paniguradong katapusan na namin ni Dionne kapag mahuli ito ni mommy na nandidito sa wardrobe ko na ganto ang ayos ko! "Uhmm....nagbibihis po kasi ako. Ano po ba 'yon Mom?" aniko na pilit ngumiti at pina-normal ang tono. Napakagat ako ng ibabang labi at dama ang sobrang lakas ng pintig ng puso ko sa pagbukas nito sa closet ko na katabi lang ng pinagtataguan ni Dionne! Napapanguso naman itong hinahalungkat ang mga naka-hanger kong damit na namimili ng isusuot ko pero mukhang wala itong matipuhan! Akmang isasara niya iyon nang pigilan ko at basta na lamang humila ng naka-hanger na dress kaysa naman hayaan kong buksan nito ang isa pang closet! "Here Mom. I want to wear this!" "Are you sure?" napapangiwing saad nito na ikinatabingi ng ngiti kong napasulyap sa dress na nahugot ko. "Uhm oo naman po" Napanguso itong pinapakibot-kibot na tumango rin at lumabas na ng silid na ikinahinga ko ng maluwag. "Make it fast Diane. Naghihintay na sila sa baba" pagpapaalala pa nito bago isinara ang pinto. Mabilis akong nagbihis at inayos ang sarili bago lumabas ng wardrobe. Malalaki ang hakbang na bumaba ng sala. Sakto namang naghahanda na ang mga katulong para sa tanghalian. Nandidito na rin si mommy at tito na naglalambingan pa. "Ahm, nasaan si Alden, Diane?" sunod-sunod akong napaubo sa tanong ni mommy na ikinakunot ng noo nito. Napainom ako ng isang basong juice na napahagod sa lalamunan. "I-I don't know. Baka naman nasa silid pa si Di--si kuya" nauutal kong sagot. Napalapat ako ng labi. Nakalimutan ko si Dionne sa loob ng wardrobe. Siguro naman lalabas din 'yon kapag napansing tahimik na ang paligid niya. Panay ang lingon namin sa pinto na hindi pa rin bumababa si Dionne. Napapapilantik na ako ng mga daliri lalo na't sinundo na siya ng isang maid namin sa silid nito! "Ahm señora, wala po si señorito sa silid niya" mariin akong napapikit sa sinaad ng katulong na nagtungo sa silid ni Dionne para sunduin ito! "Ano bang ginagawa niya? Bakit hindi pa siya lumalabas?" piping usal ko na nagngingitngit ang mga ngipin! Alam naman niyang nandidito ang mga magulang namin at naglalambing silang sabay-sabay kaming mananghalian! "Diane, nakita mo ba ang kuya mo?" "Hah!" napapitlag ako sa pagbaling sa akin ni mommy. Napangiwi akong pilit ngumiti sa mga itong nagtataka ang mga matang nakatitig sa akin. "M-malay ko po. Baka naman lumabas ng mansion. O may biglaang lakad" tarantang sagot kong ikinatango-tango ng mga ito. "Pasensya ka na sa anak ko honey" ani tito sa malambing na tono. Ngumiti lang naman si mommy na umiling. "It's okay honey. Intindihin na lang muna natin ang mga bata. Hindi naman nakukuha sa madaliang pagtanggap ang mga bagay-bagay" ani mommy na ikinangiti ni tito at napahalik sa noo nito. "Ang swerte ko talaga sa asawa ko, maganda na, mabait na, nakapa-understanding pa" "Sus, nambola pa ang matanda" napahagikhik akong ikinahagikhik din ni mommy habang nanlalaki naman ang mga mata ni tito Davidson dito. "Anong matanda? Baka gusto mo--umppt" natigil ang iba pang sasabihin sana nito sa pagsubo ni mommy ng isang buong hita ng manok dito na napabusangot. Naiiling na lamang ako sa kakulitan at paglalambingan ng mga ito na hindi na nga naiilang kahit may ibang taong nakaharap. MATAPOS NAMING mananghalian ay nagmamadali akong umakyat mg silid ko. Nagngingitngit ang mga ngipin ko na pumasok ng silid at agad ni-lock ang pinto. Malalaki ang hakbang na nagtungo ang ng wardrobe ko pero wala naman na dito si Dionne na ikinakunot ng noo ko. "D-Dionne?" nangangatog ang mga tuhod na tinungo ko ang closet kung saan ko ito ikinulong. "Fūck! Oh my God! Dionne!?" gimbal na bulalas kong kaagad hinagilap ang susi ng closet na nai-padlock pala sa pagkakasara ko kanina na hindi ko napapansin! Napaawang ang labi ko na pagbukas ko ay siya namang pagkatumba nitong namumutla na at basang-basa ng pawis!!? "Shīt honey! Wake-up! Shutah ka Diane!" kastigo ko sa sarili na maingat hinila si Dionne palabas sa closet ko! Kaagad kong dinama ang leeg nito at nakahingang maluwag na humihinga pa naman ito. "Hey honey wake-up. I'm sorry. I'm sorry" panay ang marahang pagtapik ko sa pisngi nitong ginigising ko. "Uhmm..." mahinang ungol nitong ikinatulo ng luha kong nayakap ito. "H-hindi ako makahinga" "I'm sorry" napapalabing paglalambing kong inalalayan itong makaupo. Pinaniningkitan ako nito na ikinangiwi ng ngiti ko. "Pasalamat ka, sariwa pa ang sugat mo. Kung hindi? Parurusahan kita--uumpt!" napunta sa ungol ang panenermon nito sa paniniil ko sa mga labi nitong ikinayakap nito sa baywang ko at dahan-dahang humigang muli sa sahig kasama ako. "Parusahan mo na ako, gusto ko 'yong hard, ngayon na......kuya"

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD