Dionne:
NANGINGITI AKO na sinusubuan itong kumakain. Panay ang irap na walang kangiti-ngiti. Padabog pang tinatanggap ang mga sinusubo ko. Kitang nababanas pa rin ito sa paniniil ko ng halik dito.
Matapos ko itong pakainin ay niligpit ko na muna ang mga pinagkainan nito bago bumalik sa tabi nito. Nakahalukipkip lang naman itong napapanguso na nakasandal ng headboard. Napahinga ako ng malalim na nakamata dito.
"Di"
"Yes?" tinatamad nitong sagot. Napabuga ako ng hangin na kinakalma ang puso kong bumilis ang t***k sa itatanong ko.
"Saan ka ba kasi nagpunta?" tinitigan ako nito sa mga mata na napapangisi.
"Sinabi ko na Kuya, nanlalake ako bakit? May problema ka ba doon?" sarkastikong tanong nito na ikinapikit kong napahilot ng sentido. Lalo naman itong napapangisi na makitang hindi ko nagustuhan ang sagot nito.
"Tinatanong kita ng maayos Diane" panenermon ko ditong napataas lang ng kilay. "Anong nangyari? Bakit puno ka ng pasa? At bakit may tama ka ng baril huh?"
Natigilan ito sa prangkang tanong ko at kitang napalunok na nagbawi ng tingin. Napapisil ako sa baba nitong iniharap sa akin ang mukha at pilit hinuli ang mga mata nitong umilap na hindi makatitig sa mga mata ko.
"Diane" untag ko na napapanguso. Kahit may ideya na ako ay ayoko namang pangunahan ito.
"Wala ka na dun Dionne. Hindi kita kapatid. Lalong-lalo ng hindi kita boyfriend para alamin mo ang mga pinaggagawa ko sa buhay ko. Kuha mo?" seryosong saad nito.
Napalunok akong napipilan sa sinaad nito. Aminado akong nasaktan ako dahil ang dating ay wala akong halaga sa kanya. Na wala lang ako sa paningin niya kahit ilang beses ng may namagitan sa aming dalawa.
Napahinga ako ng malalim na pilit ngumiti dito na napatango. Matiim lang naman itong nakatitig na tila binabasa ang tumatakbo sa aking isip.
"Okay. Sabi mo eh" walang emosyong saad kong tumayo.
"And where do you think you're going huh?" hindi ko ito pinansin o nilingon. "Dionne! Come back here! Fūck you!"
Lumabas ako ng silid na kinaroroonan nito. Mariin akong napapikit na napasandal sa may pinto. Para akong pinipiga sa puso sa kaalamang....ang babaeng pinakamamahal at pinakapinapahalagaan ko ay wala pala akong kwenta o halaga para dito.
"Dionne?" napamulat ako na may tumawag sa akin. Napaayos ako ng tayo na mabungaran ang limang kaibigan ni Diane na bagong dating.
"H-hi" alanganing bati ko sa mga itong napalapad ang ngiting lumapit.
Nanigas ako sa kinatatayuan nang isa-isang humalik ang mga ito sa pisngi ko na napapahagikhik. Pakiramdam ko tuloy ay pinagti-trip-an na naman nila ako.
"Are you okay fafa Dionne?" malambing tanong ng pinakahuling humalik sa akin na si Irish.
Pilit akong ngumiting tumango dito na matiim nakatitig sa mga mata ko. Kaya naman nakakailang makaharap ang mga ito eh. Napaka-derekta kung makatitig sa mga mata mo na tila nababasa nila ang mga tumatakbo sa utak mo. Napaiktad ako nang yumakap ito sa braso kong ikinahagikhik ng apat.
"Damn Crawford. Tantanan mo 'yan kung ayaw mong matiris ni Casanova" naiiling saad ni Naeya na ikinatawa ng iba.
"Mahina pa siya Almonte. Kayang-kaya ko siyang itumba" nakangising saad nito na ikinailing ng mga kaharap namin.
"Hey fafa Dionne. May oras ka ba? Samahan mo naman ako" malambing baling nito na napatingala sa aking nagpakurap-kurap pa na parang nagpapaamong tuta. Kung hindi lang siya maganda eh.
"Hoy Crawford si Casanova ang pinuntahan natin dito hwag kang lumihis ng landas" ani Lira na ikinahalakhak ng mga kasama. Napapakamot ako sa batok na nagsisimula na naman ang kakulitan at kapilyahan ng mga itong nagsama-sama.
"Marami na kayo. Dito ako kay fafa. Samahan ko muna siya. You look sad fafa Dionne, wanna have fun with me?" ngising saad nitong hinila na ako patungo sa elevator.
Napahagikhik itong bumitaw pagkapasok namin ng elevator na ikinahinga ko ng maluwag. Para akong napapaso sa pagkakadikit dito. Hindi pa ako sanay sa kakulitan nila kaya naman naiilang pa akong makipagsabayan.
"Okay ka lang ba?" pilit akong ngumiti na tumango. Nangingiti lang naman itong nakatitig sa repleksyon namin sa salamin nitong elevator habang pababa ng lobby.
"Honestly, kasalanan ko ang nangyari kay Diane" natigilan ako sa sinaad nito. Sakto namang bumukas ang pinto kaya napasunod kaagad ako dito na lumabas ng elevator.
Malalaki ang hakbang na lumabas kami ng hospital at nagtungo sa kaharap na coffeeshop. Tahimik lang naman akong nakasunod sa likuran nito. Matapos um-order ng kape namin ay pumwesto kami sa pinakasulok nitong shop kung saan malayo sa mga costumers dito.
"Thank you" nakangiting pasasalamat nito na pinaghila ko ng silyang mauupuan. Pagkaupo nito ay umikot ako sa kabila at naupo sa paharap dito. Sakto namang dinala na ang order namin.
"What do you mean Irish?" kunotnoong tanong ko nang makapag-solo na kami nito. Napasimsim lang naman ito sa kape nito na pinipigilan mapangiti dahil tutok na tutok ako sa sasabihin nito.
Nagkibitbalikat ito na napahinga ng malalim. Hindi ko mapigilang kabahan habang hinihintay ang sasabihin nito sa nangyari kay Diane.
"Napalaban kami. Ako pala" natatawang saad nito. Hindi ko tuloy malaman kung seryoso ba ito o nagbibiro.
"Ahem! May pinuntahan kaming bar. Nagkalasingan. Nagkagulo. Kaya kami napalaban" anito na mas pormal na ang tonong makitang seryoso ako. Kimi itong ngumiti na hinawakan ako sa kamay. Para akong nakuryenteng napatitig sa mga kamay namin sa ibabaw ng mesa. Marahan nitong pinisil ang kamay ko.
Napipilan ako. Hindi makaapuhap ng tamang isasagot o itatanong dito lalo na't napakatiim niyang tumitig. Wala akong mabasa sa mga mata nito kaya mahirap hulaan ang tumatakbo sa kanyang isipan. Magkakatulad nga silang magkakaibigan. Hindi mo basta-basta mababasa ang tumatakbo sa isip.
"Okay" tango ko na ikinangiti nito.
Ilang sandali din kaming tumambay sa coffeeshop bago bumalik ng hospital. Napaiktad ako nang pagkatapat namin sa silid ni Diane ay yumakap ito sa tagiliran ko. Napahagikhik pa ito na maramdamang nanigas ako sabay pihit ng pinto kaya sabay-sabay napalingon sa amin ang mga tao sa loob.
Napalunok akong nag-iwas ng tingin kay Diane na naningkit ang mga mata sa amin ni Irish na matamis pang nakangiti sa mga ito habang naiiling namang napapangisi ang apat maliban may Diane.
"Umuwi na nga kayo" ani Diane na ikinahalakhak ng mga kaibigan nitong tumayo at inakay na si Irish na napahalik pa sa pisngi kong ikinatuod ko.
"Fūck you Crawford!" asik pa ni Diane dito na napangisi at kumaway pa sa amin bago tuluyang nahila nila Liezel palabas ng silid.
"Ahm...--"
"Ang landi mo talaga" asik nito sa aking ikinalunok kong napaawang ng labi na napatānga dito. Napakurap-kurap akong naipilig ang ulo na paulit-ulit nagri-replay sa isip ang sinaad nito. Pagak akong natawang nagpamewang na ikinataas ng kilay nitong nakasimangot.
"Galit ka ba?"
"Hindi. Tuwang-tuwa ako....Kuya" nagpantig ang panga ko sa nang-uuyam na sagot nitong ipinagdiinan pa ang pagtawag sa akin ng kuya.
Sabay kaming napalingon sa gawi ng pinto ng may kumatok doon at niluwal si Inigo. Napakuyom ako ng kamao na napairap dito. May dala na namang bulaklak tsk. Plano ba niyang gawing flower shop ang silid ni Diane?
"Baby" malambing pagtawag ni Diane dito na abot tainga ang ngiting lumapit.
"How are you Di? Flowers for you" anito na iniabot kay Diane ang dalang bouquet. Napangisi pa itong tinaasan ako ng kilay na kitang tuwang-tuwa na nababanas akong bumalik-balik pa ang Inigo na 'to.
"Ah...how sweet baby. Hindi katulad ng iba dyan" parinig nitong ikinakuyom ko ng kamao.
Sa inis ko ay lumabas na lamang ako ng silid. Kaysa naman manood at makinig sa paglalambingan na naman nilang akala mo'y wala silang ibang kasama.