Diane:
PAGAK AKONG natawa na panay ang tungga sa beer ko. Akala ko pa naman may pag-asa na ang mga bagay-bagay sa amin ni Dionne ngayon na nagkita ulit kami. Pero nagkamali ako. Parang isang malaking sampal sa akin ang pagbabalik nito para lang malamang magiging kapatid ko pala siya! Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo, siya pa ang naging anak ni tito Davidson.
Paano ko naman susundin ang puso ko, kung kaligayahan ng ina ko ang kapalit ng pagpili ko dito. Napahinga ako ng malalim na sa madilim lang na dagat nakamata. Kita ko naman sa peripheral vision kong nakatitig ito sa akin na tila maraming gustong itanong pero tulad ko ay mas pinili na lamang ang manahimik.
Kahit gusto ko siyang tanungin sa mga bagay-bagay tungkol sa kanya ay nawalan na ako ng gana. Bakit pa? Magiging iisang pamilya na kami sa susunod na buwan kapag legal ng ikasal ang aming mga magulang. Iisipin ko pa lang ang mga bagay na mangyayari sa hinaharap ay para na akong nadudurog ngayon pa lang. Hindi ko yata siya kayang maging kuya. Lalo na ang makitang may iba na siya. Dahil hindi naman pwedeng, ako ang maging girlfriend niya.
Mapait akong napangiti na hinayaang tumulo ang luha. Pakiramdam ko'y pinagkakaisahan ako ng kapalaran. Mapupunta lang pala sa wala ang paghihintay at pag-asa ko dito. Na balang araw ay magtatagpi ulit kami at hindi ko na siya pakakawalan pa.
Nanatili kaming tahimik. Tila nagpapakiramdaman kung sino ang unang babasag sa nakabibinging katahimikang naghahari sa pagitan namin. Parang naging akward na rin sa aking makausap ito ng mga personal na bagay lalo na ang nakaraan namin ngayong alam ko ng siya ang anak ni tito Davidson.
Natigilan ako nang maalala ang unang gabing may nangyari sa amin. Sa kotse nito. Tanda ko pang galit na galit ito noon sa isang tao na hinahanap ang anak nito para paghigantian niya ang taong 'yon. Kung ganon ay......ako ang babaeng hinahanap niya noon na palaging nagagawi sa bar nila Liezel!!? Kumabog ang dibdib kong tila unti-unting naninikip ang paghinga na baka noon pa man ay alam niya ng anak ako ni mommy. Ang magiging step mom niya. Kaya siya biglang umalis sa poder ko at hindi na muling nagparamdam pa sa akin?! Napasapo ako sa noo at pilit pina-normal ang kilos ko kahit sobrang bilis na ng t***k ng puso ko! Para akong kinakapos ng hangin at hindi na makatingin pa dito na matiim pa ring nakatitig sa akin!
Saglit lang ay nag-ring ang cellphone ko sa pouch kong ikinalingon namin ni Dionne sa isa't-isa. Bakas ang kakaibang lungkot ngayon sa kanyang mga mata na hindi ko mawari kung para saan, o para kanino. Kimi akong ngumiti na dinampot ang pouch ko at kinuha doon ang cellphone kong tumutunog pa rin. Nangunotnoo ako na mabasa ang caller. Si Inigo Henderson. Ang ka-partner ko sa coffeeshop ko na ngayo'y manager na doon dahil gusto niyang personal na i-manage ang pagpapalago sa coffeeshop namin.
"Inigo" masiglang bungad ko.
"Hi Di, how are you?" mapait akong napangiti. Alam kasi ni Inigo na ayaw kong magpakasal si mommy sa iba. Hindi naman sa ayaw ko kay tito Davidson kundi, parang ayaw ko lang na may maging kapalit na si daddy sa buhay namin ni mommy. Pero heto at kahit labag sa loob ko? Nagawa ko pa ring suportahan ang mga ito sa kanilang engagement party.
"I don't know Inigo. I can't explain how I feel right now" napahinga ito ng malalim sa kabilang linya. Kita ko naman sa gilid ng mga mata ko na matiim na nakatitig at nakikinig si Dionne. "Anyway. Are you available tonight? Can you fetch me here" sinadya kong iparinig 'yon kay Dionne at pinalambing ang tono na may pekeng ngiti na nakapaskil sa aking labi. Hindi na rin kasi ako komportable sa tabi nito na mapagtanto ang lahat-lahat.
"Yeah of course. I'm on my way Di, wait for me" napalabi akong napatango-tango.
"Sure. Thank you Inigo. I really need someone to talk too tonight" aniko na ibinaba ang linya. Kita kong nagtagis ang panga ng katabi ko na sunod-sunod nilagok ang kanyang beer. Tumayo na akong muling isinilid sa pouch ang cellphone ko.
"Where do you think you're going Di?" pigil nito na napahawak sa braso kong ikinanigas ko. Para na naman akong nakadama ng libo-libong boltahe ng kuryente mula sa kamay nitong nagkalat sa sistema ko! Napataas ako ng kilay na bahagyang nilingon ang kamay nito at binaklas ang kamay nitong ikinatigil at lunok nito.
"I have to go, someone will fetch me outside. Thank ypu for your time Dionne, but...my boyfriend is waiting" kiming sagot ko na nginitian itong kunot ang noo at kita ang pagdaan ng kirot at galit sa kanyang mga mata.
"No. You stay here Di" anito na muli akong pinigilan sa akmang pagtalikod ko. Napataas ako ng kilay na muling binawi ang braso dito.
"Why?" napalunok itong napaiwas ng tingin. Pagak akong natawa na napailing dito. "Who do you think you are to stop me and command me of what would I do or not hmm?" may kadiinang saad ko na nang-iinsulto ang tono.
"I'm sorry. I know I was wrong. But please, let me explain why--"
"Stop" pigil ko sa mga sasabihin pa nito. Napatitig sa akin ang mga nanlalamlam niyang mga mata pero pinanatili kong walang kaemo-emosyon ang aking mga mata. "We're not even friends Dionne. So stop acting, like your one of them cause you're not"
Napalapat ito ng labi na nangilid ang luhang napailing. "I have to go. And please next time, when our paths cross again? Pretend Dionne. Pretend that, we don't know each other" natigilan itong bahagyang nangunot ang noo at nagtatanong ang mga mata. Kimi akong ngumiti na tinapik ito sa kanyang balikat. "Is that clear?"
Tumalikod na ako at hindi na hinintay pa ang isasagot nito. Napatakip ako ng palad sa bibig at halos patakbong lumabas ng resort. Bawat hakbang ko palayo sa kanya ay pabigat namang pabigat ang loob ko. Sa katotohanang kailangan kong tanggapin, na step-brother ko....ang lalakeng hinihintay kong bumalik sa loob ng dalawang taon! Ang lalakeng unang minahal at pinag-alayan ko ng aking sarili. Na akala ko sa susunod na pagkikita namin ay magiging maayos na ang lahat sa amin. Pero nagkamali ako. Dahil lalo lang naging malabo, ang lahat-lahat sa amin ni Dionne. Mahal na mahal ko siya, pero mas mahal ko naman....ang aking ina.