Chapter 7 Fiancee

1083 Words
2years later Dionne: NAPAPAILING AKONG panay ang tungga sa alak na dala ko habang nakatitig sa engagement invitation ni daddy sa akin. para sa kanilang engagement party ng mapapangasawa nito. Ang babaeng una at natatangi niyang inibig. Ang babaeng dahilan kaya hindi naging masaya ang aking ina. Kung bakit hindi na ito natutunang mahalin ni daddy kahit para manlang sana sa akin na bunga ng kanyang pagkakamali. Pero hindi. Dahil naging matigas ito at ngayon may gana pa itong padalhan ako ng kanilang invitation? Napahinga ako ng malalim na napapahilot ng aking sentido. Kahit naman hindi kami malapit ni daddy ay hindi ako nito pinabayaan lalo na sa mga financial needs ko. Kaya nga ako nakapag-aral sa kilalang unibersidad at hindi nakaranas ng hirap dahil sa pera at impluwensya nito. 'Yon nga lang ay pagdating sa ina ko? Said na said naman ito. Kahit ginagawa na ni mommy ang lahat ay hindi pa rin sinuklian ni daddy ang pagmamahal na ibinibigay ni mommy para dito. "Diana Alicia Casanova" basa ko sa pangalan ng fiancee nito. Nagngingitngit ang mga ngipin kong nalakumos ang kanilang invitation at pinagpupunit itong isinilid sa trash can. Alam ko naman kasing kahit hindi ako pupunta sa engagement party na 'yan ay matutuloy at matutuloy pa rin dahil hindi naman mahalaga kay daddy ang approval o opinion ko. Napapilig ako ng ulo na muling napatitig sa mukha ng babaeng isang taon ko na ring hindi nakikita at tanging sa social media account na lamang niya ako nakasubaysay. Napangiti akong nahaplos ang mukha nitong nasa screen ng laptop ko. "I miss you Di" napapahid ako ng luha na mapait napangiti. Isang taon ko na rin siyang gustong-gustong puntahan pero, naduduwag ako. Lalo na't hindi manlang ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya noong umalis ako ng unit niya at bumalik ng Europe dahil sa nangyayaring pagbagsak ng stocks sales ng kumpanya ko. Ang DDC corporation. Sariling sikap, dugo't pawis ang naging puhunan ko para mapalago ito kaya ganon na lamang kalaking bagay sa akin pag itong kumpanya ko na ang pinag-uusapan. Napapahid ako ng luha na dinampot ang cordless phone kong konektado kay Billy. Ang secretary ko. "Boss?" "Book me a flight to Philippines tonight" "Yes boss. Right away" masiglang sagot nitong ikinangiti ko. "Thank you Billy" pagka-pasalamat ko dito ay ibinaba ko na ang phone at muling bumaling sa mga pipirmahan ko pang papeles mula sa mga bagong investors namin. PANAY ANG TUNGGA ko sa beer na dala ko habang nakamata sa loob ng resort kung saan ginaganap ang engagement party nila daddy at fiancee nito. Napapailing na lamang akong kahit ayokong magpunta dito ay kusa namang nagtungo dito ang sarili ko. Akmang aalis na ako nang may pamilyar na mukhang nahagip ng paningin ko. Humarang ako sa daraanan nito dahil baka namamalikmata lang ako lalo na't napapayuko ito na nagmamadaling lumabas galing sa loob ng resort. DIANE: NANGILID ANG LUHA kong may matabang na ngiti sa labi habang pinapalakpakan sina mommy at tito Davidson na ngayo'y masayang marahang sumasayaw sa gitna nitong venue ng kanilang engagement party. Napapahid ako ng luha na sunod-sunod tinungga ang wine glass ko. Masaya akong makitang masaya na rin si mommy sa bagong mapapangasawa nito. Kahit parang sinasaksak ako sa mga sandaling ito na ibang lalake na ang nagpapasaya sa ina ko ay wala naman akong ibang magawa kundi suportahan ang ina ko. Sila ni tito Davidson na ngayo'y fiancee na nga nito. Mapait akong napangiting tumayo at tumalikod na sa kanila. Kasabay ng bawat paghakbang ko palabas ng venue ay ang pagragasa ng luha sa aking mga mata. Hindi ko na napigilan ang sariling napahagulhol kaya napatakip ako ng palad sa bibig at malalaki ang hakbang na patakbong lumabas ng garden! "I'm sorry--" natigilan ako sa pagpapaumanhin ko nang mapatingala sa nakabangga ko at namilog ang mga matang mabungaran ang isang pamilyar na mukha ng lalakeng nakayapos ngayon sa baywang ko at bakas din ang gulat na makita ako! "D-Dionne" mahinang sambit ko sa pangalan nito. Napangiti ito pero agad ding unti-unting napalis na mapansing luhaan ako. Lumamlam ang mga mata nitong marahang pinahid ang luha kong ikinangiti kong nakamata lang dito. Dalawang taon ko din siyang hindi nakita matapos ako nitong iwanan ng hindi nagpapaalam. "Di, what are you doing here?" ngumiti akong napailing. "Family matters" simpleng sagot kong ikinatango-tango nito. "Ikaw ba, anong ginagawa mo dito Dionne?" baliktanong ko dito. Nagpantig ang panga nito na kita ang pagdaan mg kakaibang galit sa kanyang mga mata. "Family matters too. Are you with someone?" napangiti itong inakay na akong palabas ng resort kung saan ginaganap ang engagement nila mommy. Nagpatianod ako dito nang akayin ako sa katabing resort na pinanggalingan namin. Kapwa tahimik na nakasalampak ng buhanginan at nakamata sa madilim na karagatan habang may tinutunggang beer. Marami sana akong gustong itanong sa kanya pero naiilang akong ako ang unang babasag sa nakakabingi naming katahimikan. Maya pa'y natigilan itong basta na lamang inihagis ang hawak na bote sa pampang at nagpapantig ang panga! Napalunok akong kinabahan sa nakikitang galit sa kanyang mga mata! "I hate her! I really do!" nanggigigil nitong sambit na kuyom na kuyom ang mga kamao. Lakasloob ko itong tinapik sa kanyang balikat. "S-sino?" kabadong tanong ko. "My step mom" napalunok ako. "Step mom" piping usal ko na napapapilig ng ulong matiim na nakatitig dito. Napaatras ako ng may sumagi sa isip ko. Dahil din sa pamilya kaya siya nasa kabilang resort. Iisa lang ang anak ni tito Davidson na binata at hindi ko pa ni minsan nakilala. Ngayon ay parang nagtatagpi-tagpi ang lahat sa akin ng mga nangyayari. Mula sa una naming pagkikita dalawang taon na ang nakakalipas at ngayon kung kailan ang engagement nila mommy at tito. "A-anong pangalan ng step mom mo Dionne?" lakasloob kong tanong na pigil-pigil ang paghinga! Napatitig ito sa akin na salubong ang kilay na lalong ikinabibilis ng t***k ng puso kong nilalabanan ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin. Pipi akong nagdarasal na sana....sana mali ang naglalaro sa isip ko. Na sana, na sana hindi si mommy ang tinutukoy na step mom nito. Napahilot ito ng sentido na napabuga ng hangin at napahilamos ng palad sa mukha. "Diana" napalunok akong nangatog ang mga tuhod. "Diana Alicia Casanova" dugtong nitong ikinanghina ng mga tuhod kong napaluhod at sunod-sunod tumulo ang luha! Napailing-iling akong ikinabahala nitong kaagad akong dinaluhang niyakap at pinaghahalikan sa ulo. Napahagulhol akong sumubsob sa dibdib nito na makumpirmang.. .siya ang anak ni tito Davidson. Siya ang magiging....step brother ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD