Chapter 17 Secret Assassin

1292 Words
Dionne: MAGHAPON AKONG tumambay sa coffeeshop ni Diane. Nagbabaka-sakali na dumaan ito pero lumipas na ang maghapon ay kahit anino nito hindi naligaw doon. Maging ang kaibigan at kasosyo nito sa coffeeshop na si Inigo ay walang alam kung nasaan si Diane. Bagsak ang balikat na bumalik ako ng mansion. Siguro hihintayin ko na lamang ang pag-uwi nito. Sana lang ay nasa maayos siya kung saan man siya naroroon ngayon. Pagkababa ko ng kotse ay parang nabuhay ang nananamlay kong dugo na makitang nakaparada dito sa garahe ang black sportcar nitong laging ginagamit! Parang lulukso palabas ang puso ko sa dibdib ko na makitang nandidito na ito! Ang babaeng 'yon. Malalagot talaga siya sa akin sa halos dalawang linggo niyang hindi pagpaparamdam! Marahil dahil pabalik na ng bansa sina daddy at tita kaya umuwi na rin ito ng mansion. Patakbo akong pumasok at umakyat ng floor kung saan ang silid nito. Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko sa mga sandaling ito na nandidito na siya! Kahit nagagalit at nagtatampo ako dito ay mas nangingibabaw pa rin naman ang galak ko na umuwi na ito. Na nandidito na siya. Kasama ko. "Diane?!" sunod-sunod kong pagtawag at kalampag sa pinto ng silid nito. "Diane?!" muli ko itong kinatok pero walang sumasagot. Napakagat ako ng ibabang labi at lakasloob na pinihit ang seradula ng pinto. Nakahinga ako ng maluwag na hindi naman nito ni-lock ang pinto kaya malaya akong nakapasok. Bigla akong niyakap ng malamig na ihip ng aircon nitong silid. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan na nangatog ang mga tuhod! Maging ang puso ko ay nakiki-ayon na lumakas bigla ang t***k! "Diane" mahinang sambit ko na nangilid ang luhang sa wakas ay nakita ko na ang babaeng nagpapabaliw sa akin sa ilang araw nitong hindi pag-uwi. Napalabi akong pinipigilan ang pagtulo ng luha habang nakamata ditong dahan-dahang lumapit sa gawi nito. Para akong kakapusin ng hangin sa baga na walang kakurap-kurap na nakamata ditong nahihimbing sa gitna ng maluwag niyang kama. Maingat akong naupo sa gilid na pinakatitigan ito. Para siyang pagod na pagod at bahagyang namumutla ang mukha. Kahit ang mga labi nitong natural na mapula ay maputla ngayon. Napalunok akong napasuri ng tingin sa kabuoan nito. Ilang beses ko na siyang nakakatabi sa kama. At alam kong hindi siya komportable kapag may suot na damit sa tuwing matutulog ito. Pero ngayon, naka-pajama ito at manipis na sweater. Namumuo din ang mga pawis sa noo at leeg kahit napakalamig dito sa silid nito. Binundol ako ng kakaibang takot at kaba sa dibdib. Parang may sariling isip ang kamay kong dahan-dahang nailapat sa noo nito at napapitlag na nakakapaso ang init nito!! "Diane?! Diane!?" tarantang pagyugyog ko dito na umungol lang! Napasampa ako ng kama na kinalong itong mabilis inilabas ng silid pababa ng mansion! "Señorito!?" natigilan ako sa biglang pagsulpot ni manang Asuncion na bakas ang gulat at takot sa mukha na mapatingin sa karga kong walang malay at lupaypay na! "Ako na pong bahala sa kanya manang pakitawagan naman po si tita Dianna" aniko na patakbong lumabas ng mansion at hindi na hinintay ang sagot nito. PALAKAD-LAKAD AKO dito sa labas ng labas ng OR habang inaasikaso si Diane sa loob. Para akong mawawalan sa katinuan na hindi mapalagay. Akala ko inaapoy lang ito ng lagnat pero nakitang may malalim itong sugat mula sa tagiliran na ayon sa mga doctor ay mula sa tama ng baril! Sariwang-sariwa pa ang sugat nito na inulit nilang tinahi dahil nakabuka na ito. Marami ring pasa sa katawan na nagmula daw sa pagbubugbog. Lalo tuloy akong hindi mapalagay habang inaasikaso ito. Samo't-saring katanungan ang mga naglalaro sa isipan sa nangyari dito. "Dionne" napalingon ako sa tumawag sa akin at bumungad ang limang kaibigan nito na puno ng takot at pag-aalala ang mga mata. "Si Diane?" ani Liezel na napalingon sa pinto ng OR. Umiling akong nagpipigil pangilidan ng luha. "Nasa loob pa" napahinga ang mga ito ng malalim na kitang naiinip na rin lumabas ang mga doctor sa loob. "Ano bang nangyari?" 'di na ako nakatiis at natanong na ang mga itong nagkakapasaan ng tingin sa isa't-isa na parang walang gustong magsalita. "Ahem! Napaaway lang kami sa bar Dionne" napalingon ako kay Irish na siyang sumagot. Nangunotnoo ako. "Pero bakit......bakit may tama siya ng baril?" nagkatinginan ang mga itong muli. Tila nagpapasaan kung sino na naman ang sasagot sa akin. "Ahem!" napatikhim si Liezel na ikinalingon ko dito. Kakamot-kamot pa ito sa batok na napapangiwing sinalubong ang mga mata kong nagtatanong. "Si Diane na lang ang tanungin mo Dionne. Wala din kasi kaming alam sa buong pangyayari" makahulugang sagot nito na napairap kay Irish na ngingisi-ngisi lang. Napatango-tango na lamang akong hindi na nagtanong pa. Mukha ngang marami pa akong hindi alam kay Diane. Mga bagay na dapat kong alamin. Ilang sandali lang ay lumabas na ang mga doctor na kaagad nilapitan nila Liezel. Tahimik akong nakinig sa mga sinaad nito at napapaisip kung ano ba talagang nangyari? Lalo tuloy akong naku-curious sa mga nangyayari lalo na ngayon na napahamak si Diane. Matapos mailipat ito sa private room nito ay nagpaalam na rin ako sa mga kaibigan nitong nakabantay dito. Naiilang din kasi ako na ako lang ang lalake sa silid lalo na't tulog pa si Diane. NAPAPALINGA akong nagmamasid sa kabuoan nitong silid ni Diane. Nagbabaka-sakali na may matutuklasan. Napalingon ako sa portrait nito sa itaas ng headboard ng kama. Parang may nag-uudyok sa aking lumapit doon na sinunod ko. Napapaawang ang labing napahaplos ako sa larawan nito. Nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa na ikinagulat ko'y natabig ko ang portrait na ikinatagilid nitong muntik pang malaglag! "Fūck!" malutong akong napamura na akmang iaayos sa pagkakasabit nang may mag-beep ng sunod-sunod sa gawi ng magkatabing bookshelves nitong ikinalingon ko doon! Napanganga akong nanlalaki ang mga matang makitang dahan-dahang gumalaw ang dalawang bookshelves at bumukas!! Natutulala akong pumasok sa loob nitong isa palang..... secret room!! Tumatayo ang mga balahibo ko lalo na ng magsarado ang pinto. Nangangatog din ang mga tuhod na pilit kong inihahakbang papasok. Halos lumuwa ang mga mata ko na mabungaran ang loob nitong parang isang headquarters....na may mga nagtataasang uri ng baril sa bawat sulok!! Tila mga collection ang mga itong maayos ang pagkakasinop sa mga wall. Mula sa mga caliber, hanggang sa mga sniper rifle na iba-iba ang klase at haba. "Diane....sino ka ba talaga?" nanghihina akong napaupo sa isang desktop na kaharap ang mga computer at sinubukang buksan ang computer nito. Napapilig ako ng ulo. May mga hiden cctv camera pala dito sa bawat sulok ng mansion. Akmang isasara ko na ang computer nang mapasulyap sa isang file na nakaagaw ng attention ko at wala sa sariling nadampot ito. Nangangatal ang kamay kong pigil-pigil ang paghinga habang maingat na binubuksan ito. "Ano 'to?" tanong ko sa sarili na may mga documents itong nakalagay ang pangalan ni Diane at ang isang teenage picture nito. "Personal Information The Dangerous Angels...Member name: Diane Allison Casanova. 17 years old. Bomb expert, secret assassin's code DAC" basa kong ikinanigas ko sa kinauupuan. Sunod-sunod akong napapalunok na pinagpapawisan ng malapot! Naninikip ang dibdib na hindi mag-sink in sa utak ko ang mga nababasa kong nakalakip sa resume na hawak ko patungkol kay Diane!! "Assassin's? Anong secret assassin si Diane? Imposible...." napatakip ako ng palad sa bibig nang maalala ang mga sinabi ni manang Asuncion nitong nakaraan patungkol sa alaga nito. Na hindi ko na dapat inaalala ito dahil kayang-kaya ni Diane protektahan ang sarili. Napailing-iling ako na napapagtagpi-tagpi ang mga nangyayari. "Hindi... impossible...pumapatay si Diane?" pero para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig na maalala ang pagbabanta nito sa akin bago pa man ikasal si daddy at tita. Kung saan oras na ituloy kong paghigantian ang ina nito hindi siya magdadalawang-isip......p-patayin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD