Chapter 16 Pag-iwas

1570 Words
Diane: PAGKATAPOS NG KASAL ay umalis na ako ng event. Nagu-guilty din kasi ako sa loob-loob ko dahil kahit dayain ko ang sarili ay alam at ramdam ko sa puso kong hindi buo ang saya ko para sa mommy ko ngayong araw na 'to. Kasal niya. Ako lang ang pamilya niya. Pero heto at hindi buo ang moral support ko para dito dahil sa pesteng nararamdaman ko kay Dionne. Pagak akong natawa pagkasakay ng kotse at agad pinaharurot palayo sa lugar. Binagtas ang kahabaan ng EDSA at hindi alam kung saan tutungo. Basta gusto ko na lamang lumayo-layo kahit saglit. Makapagpahinga. At magkaroon ng oras tanggapin na iisang pamilya na kami nila tito Davidson at Dionne. Napatigil ako na mapadaan sa baywalk. Dito ko na lamang napagdesisyunan tumambay at magpalipas ng oras. Masyado pa kasing maaga para magtungo sa bar. Mapait akong napangiti habang nakamasid sa bawat alon ng dagat na humahampas sa pampang. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang unang gabi na pinagsaluhan namin ni Dionne sa kotse habang nandidito sa lugar na 'to. Napakagat ako ng ibabang labi na pinipigilan mapahikbing maalala ang nakalipas. Para akong nasindihang kandilang nanghihina at unti-unti nang nauupos. Ako si Diane Allison. Lumaking independent woman na matalino sa lahat ng bagay. Malakas na kahit mga lalake ay kayang-kaya kong patumbahin sa pamamagitan lang ng kamay. Matigas at matibay ang dibdib na kayang kumitil ng buhay na walang kakurap-kurap. Walang kinakatakutan. Walang sinasanto. Isang professional trained secret assassin's katulad ng mga kaibigan ko. Nasanay sa patalinuhan ng utak, lakas at tibay ng katawan. Pero isang lalake lang pala ang magiging katapat ko. Ikahihina at durog ko. Napahigpit ang kapit ko sa manibela na nagngingitngit ang mga ngipin. "Hindi. Hindi ang katulad ni Dionne ang magpapabagsak lang sa akin" madiing asik ko na maalalang muli ang mga sinabi ni Dionne noong unang gabi namin. Na hinahanap nito ang anak ng babaeng first love ng kanyang ama para makapaghiganti. Pagak akong natawa na napailing. Napaisip pa ako noon na baka isa sa mga kaibigan ko ang hinahanap nito. 'Yon pala ay ako ang babaeng tinutukoy nito. Napalapat ako ng labi na pinipigilan ang sariling mapahagulhol. Nagtagumpay nga siya. Nakapaghiganti na siya kay mommy sa pamamagitan ko. He must be celebrating right now. Dahil heto at nagawa niya akong mapaibig at durugin. Kahit naman kasi anong kastigo ko sa sarili ko ay hindi ko ma-control ang puso kong patuloy sa pagtibok para dito. Laging hinahanap ito na nagiging marupok pagdating dito! Dapat galit ako sa kanya. Paghigantian rin siya. Durugin ko sa mga kamay ko. Pero hindi ko magawa. Kung tutuusin naman ay walang-wala ito kumpara sa kakayahan ko. Kayang-kaya ko ngang kitilin ang buhay niya sa isang kisapmata ko lang. Pero bakit ang hirap? Iisipin ko pa lang na masasaktan ito ay nasasaktan na rin ako. Na tipong kahit anong gawin nito, palalagpasin lang ng puso ko at patuloy na mamahalin ito. Napailing akong nagpahid ng luha. Hindi ko namalayang madilim na pala sa tagal kong nagmumukmok dito at maglabas ng sama ng loob. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa mga kaibigan kong ngayo'y happily married na sila sa mga lalakeng nakabihag ng puso nila. Alam ko namang marami din silang pagsubok na napagdaanan bago naabot ang tagumpay ng kanilang pagmamahalan. Pero 'yon ay dahil pareho silang nagmamahalan at ipinaglaban ang isa't-isa. Habang kami ni Dionne? Ako lang pala ang nagmamahal at umaasa. Lalo na ngayon sa sitwasyon namin? Na tila maging ang langit ay humahadlang na sinasabing hindi kami ang nakatadhana sa isa't-isa. Napapabuga ako ng hangin para ibsan ang bigat sa loob ko. Nang mas makalma ko na ang sarili ay muli kong binuhay ang makina at pinaharurot ang kotse palayo sa lugar. Napapalapat ako ng labi habang nasa kalagitnaan ng highway. Pakiramdam ko tuloy ay mag-isa na nga ako dahil hindi ko naman na basta-bastang nabubulabog ang mga kaibigan kong may mga kanya-kanya ng pamilya. Napangisi ako na maalala si Irish. Ang baliw na 'yon. Paniguradong naghahanap na naman ng mapagkakatuwaan. Sa aming anim ay kay Liezel talaga ako pinakamalapit. Pero dahil may mga anak na itong unang pina-priority ay minsanan ko na lamang ginugulo sa mga personal kong issues. NAPAPAILING AKONG panay ang tungga sa beer ko na mag-isang umiinom dito sa place nila Liezel. Napangisi ako na sumagi ang kalokohan ni Irish sa akin dati makatakas lang sa fiancee nito na ipinagkasundo sa kanya. Nahugot ko ang cellphone ko na ni-dial ang number ng bruhang 'yon. Makabawi-bawi manlang ako sa dami ng utang niya sa akin. Nakakamis na rin silang maka-bonding pero kami na lamang ni Irish ang dalaga pa sa grupo kaya pagtyagahan ko na lamang ang baliw na 'yon kaysa mag-isa akong naglalasing dito. "Hey buddy, where the hell are you?" bungad ko dito sa kabilang linya. Napahagikhik pa ito na ikinatawa kong napainom ng beer ko. "Nasa unit na buddy. Bakit?" anito na ikinanguso ko. Mabuti pa ang gāgā at nagagawa pa rin lahat ng gusto. Spoiled na spoiled sa ina nito. tsk. "Are you free tonight? Maniningil sana ako ng matapyasan manlang ang mga atraso mo sa akin" paglalambing kong ikinatawa nito. "Sure buddy. Where are you hmm?" "Same place" anikong napahinga ng malalim at pasimpleng iginala ang paningin sa paligid. Marami-rami na ring tao ngayon dito kahit maaga pa. Isa kasi ang Del Prado's Exclusive Bar ang dinadagsang bar dito sa syudad. Hindi rin basta-basta ang madalas na mga costumers ditong pawang galing sa mga kilalang pamilya ng bansa. Politicians, showbiz, businessman at mga dayuhan. Ilang minuto lang ay nahagip na ng paningin ko ang paparating na babaeng supistikada. Kung makalakad ay parang nakasalang sa pageant na posturang postura sa red sleeveless dress nitong hapit na hapit sa kurba ng pangangatawan. Nakalantad ang malulusog na cleavage na abot lang hanggang gitnang hita ang manggas. Nakapulang boots na pinaresan ng pulang-pulang lipstick habang nakausod ang buhok na mahaba at unat sa kanyang bunbunan tsk. Nagmukha siyang kontrabida sa mga teleserye na ikinaiiling kong nakamata dito. Hindi tuloy maiwasang mapatingin ang mga nadadaanan nitong nagkakahiyawan na makilala itong nagawi dito sa bar. "What's up buddy? Wala si fafa Dionne?" napangiwi ako ditong pabirong nahila ang mahaba at unat nitong buhok na nakapusod. Napahalakhak lang naman itong sumenyas sa bartender ng shot nitong tumabing nakiupo sa high chair na katabi ko. "May problema ba?" usyoso nito na mapansing namamaga ang mga mata ko. Mapait akong napangiting napahawi ng buhok kong nakalugay at tumatabing na sa mukha ko. Napasapo ako sa noo na nakabusangot at nilalarong pinapaikot-ikot ang lamang alak ng baso ko. Matiim lang naman itong nakatitig na sumisimsim sa shot nito. Ang tibay talaga ng bituka ng gāgāng 'to. Whiskey ang shot with ice na parang tubig lang kung iniinom. Ni hindi mapangiwi sa pait at init na paghagod ng alak sa lalamunan. Tsk. Napahinga ako ng malalim na sunod-sunod napatagay. Atlis ngayon ay may kasama na ako at kahit magpakalunod ako ngayon sa alak ay may mag-aalaga naman sa akin. Kahit naman kasi baliw ang isang 'to ay maaasahan mo rin naman. Mas madalas nga lang na maluwag ang turnilyo sa utak. Pero pagdating sa mga seryosong usapan ay matalino at matino din naman ito. "What should I do buddy? Kahit nilalabanan ko natutukso pa rin ako sa kanya" aniko na may mapait na ngiting nakapaskil sa labi. Umayos ito ng upo na hinahagod-hagod ako sa likuran ko. Pinapagaan ang loob kong alam nitong sobrang bigat na sa pagkakabigo ko sa unang lalakeng nakapagpatibok ng puso ko at nag-alayan ng virginity ko. "Take a rest buddy. Hindi ka talaga makakalimot lalo na't kasama mo na siya sa bahay" napatungo akong tumulo ang luha. Kinabig naman ako nitong isinubsob sa malulusog niyang dibdib. Ang gāgā talaga. Nag-e-emote ang tao eh. "Can I stay in your place?" paglalambing kong napaayos ng upo at nagpahid ng luha. "Of course buddy. Ikaw pa ba?" napangiti akong ikinatawa nito na muling inabot ang shot at nakipag-toss sa akin. MADALING ARAW na kaming lumabas ni Irish ng bar. Parehong gigewang-gewang ang lakas sa dami ng nainom. Mabuti na lang at hindi ito masyadong uminom na sinabayan ako. Tumuloy ako sa unit nito at dito na muna magkukulong. Ayoko pang makita si Dionne lalo na ngayon na kami-kami na lang ang nasa mansion dahil nasa bakasyon ang mga magulang namin para sa kanilang honeymoon tsk. Kung sana kasi nagpaubaya na lang sila sa amin eh. Pagtityagahan kong pag-ipunan ang pagmamahal ni Dionne. Pero dahil wala naman silang kaalam-alam sa mga namamagitan sa amin ay natuloy pa rin ang pagpapakasal nila. Ilang araw din akong nanatili sa unit ni Irish. Hindi lumalabas kahit puro gala ito. Wala akong kagana-gana sa lahat. Gusto ko na lamang maghapon magdamag na nakakulong sa silid. Tahimik at malayo sa lahat. Wala din namang maghahanap sa akin sa mansion. Sanay na sa akin si nanay Asuncion na laging nawawala. Uuwi kung kailan ko gusto. Si mommy naman ay paniguradong nag-e-enjoy na 'yon kasama ang asawa tsk. Bakit pa ako uuwi? Baka mamaya magkasala na naman kami at matangay sa init ng katawan namin ni Dionne. Bagay na kailangan ko na ring iwasan ngayong iisa na kaming pamilya. Kung ako lang sana ang maaapektuhan ay susugal ako sa aming dalawa. Pero malaking eskandalo pag nagkataon at unang maaapektuhan ang mga kumpanya namin. At ayokong ako ang maging sanhi para bumagsak ang kumpanyang dugo't pawis na itinaguyod at pinalago, ng aking ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD