Chapter 18 Selos

1217 Words
Dionne: NANINIGAS AT TULALA akong lumabas ng secret room ni Diane. Kahit paulit-ulit na nagre-replay sa isipan ko ang mga natuklasan ko sa pagkatao nito ay parang hindi kayang mag-sink in sa utak ko. Nangangatog ang mga tuhod kong kaagad nanghina pagkapasok ko ng silid ko. Nag-alpasan din ang mga butil-butil kong luha na nakatulala. Kung isang assassin si Diane....ibig bang sabihin mga secret assassin's din ang lima pa niyang matatalik na kaibigan? Kaya ba siya nabaril at puno ng pasa ang katawan? Napasapo ako sa noo kong napapailing. Kaya pala iba kung magtinginan kanina ang mga kaibigan nito sa pagtatanong ko tungkol sa nangyari dito. Dahil sa likod ng maaamo at mahihinhin nilang anyo at kilos ay may malaking sikreto pa lang nagkukubli sa kanilang katauhan. Sinong mag-aakala na ang mga katulad nilang kilalang heredera ng kanilang pamilya ay mga professional trained secret assassin's pala. Kinabukasan ay maaga akong lumabas ng mansion at nagtungo ng hospital kung saan naka-admit si Diane. Kabado ako at pilit umaakto ng normal. Ayoko namang makahalata ang mga iting may alam na ako sa kanilang pinakatatagong sikreto. Hindi ko pa lubos na kilala ang mga magkakaibigan. At kung si Diane nga nagawa akong pagbantaan na hindi magdadalawang isip itumba ako. Paano pa kaya ang mga kaibigan nitong wala naman kaming especial na samahan. Mariin akong napapikit na pilit kinalma ang puso kong nagsisimulang bumilis ang pagtibok. Mahigpit akong napakapit sa doorknob ng pinto at panay ang hingang malalim bago pinihit at pumasok. Natigilan akong unti-unting nabura ang ngiti na mabungaran ang pamilyar na mukha ditong nahihimbing sa tabi ni Diane. Napagala ako ng paningin at kitang ito na lang ang bantay dito. Nakaupo lang naman ito sa tabi ni Diane at nakasubsob ang ulo sa gilid ng kama habang hawak ang kamay ni Diane. Napalunok akong nag-iwas ng tingin sa mga kamay nilang magkahawak. Kahit nasaktan ako na makitang may Ibang lalake ang nakakahawak dito ay wala naman akong karapatan na ipagkait ito. Lalo na ngayon na sa paningin ng lahat ay magkapatid na kami nito. "Uhmmm..." napalingon ako sa gawi ng mga ito nang marinig ang mahinang pag-ungol ni Diane na ikinalapit ko dito. "Di?" mahinang untag kong marahang niyugyog ito sa balikat. "Uhmm" tanging ungol lang naman nito na pilit nagdilat ng mga mata. Napapakurap-kurap pa itong tila nasisilaw sa liwanag ang mga mata. "Water please" namamalat ang boses nitong saad na ikinaabot ko sa isang bottle water sa bedside table na katabi nito at inalalayang makainom. Nanghihina pa rin ito at mainit pa ang katawan. Matapos makainom ay muli kong inalalayang makahiga. "Why are you here?" muling tanong nito na nanghihina at inaantok. Pilit akong ngumiti na hinaplos ito sa ulo. "Visiting you. May iba pa bang rason?" napahinga ito ng malalim na napailing at muling pumikit. "Go home Kuya. Hindi kita kailangan dito. Marami silang nag-aalaga sa akin dito" "No. I insist myself Di" pinal kong saad na ikinangisi nitong nanatiling nakapikit. "Bahala ka nga" mahinang asik nitong unti-unting nakaidlip muli. Siya namang pagkagising ni Inigo na pupungas-pungas pang napaayos ng upo at hilamos ng palad sa mukha. "Dionne?" "Hi" tipid kong bati ditong napangiti. Napakuyom ako ng kamao nang haplusin nito sa ulo si Diane. Kahit gustong-gusto ko ng hiklatin at pilipitin ang kamay nitong trespassing ay mahigpit kong pinipigilan ang sarili. "Good morning baby. Ang ganda naman talaga. Gumising ka na hmm?" malambing bati nito kay Diane na napahalik sa noo nitong ikinatagis ng panga ko. Nagngingitngit ang mga ngipin kong tumalikod at nagtungo sa kusina para iayos ang mga dala kong pagkain. Kaysa naman nakikita at naririnig ko kung paano niya lambingin si Diane. Baka mamaya hindi ko makontrol ang sarili ko at maibalibag ito. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam ko na bilang lalake na may gusto ito kay Diane. Hindi ko lang alam kung alam ba iyon ni Diane ay hindi. Hanggang dito ay naririnig ko pa ang malambing pagkausap nito kay Diane na nahihimbing. Napapakuyom na lamang ako ng kamao at pilit pinapalagpas ang mga naririnig kahit nagpapantig na ang mga tainga ko at gustong sipain ito palabas ng silid. ILANG ORAS LANG ay nagising muli ito na kay Inigo nagpaasikaso. Mukhang sinasadya pa nitong maglambing dito kahit na nagbabanta ang tinging ginagawad ko dito na kimi lang nitong ikinangingiti. Alam ko namang wala kaming label. Pero nakakasagi pa rin ng ego ang ginagawa nitong pagpapaasikaso sa iba kahit na nandidito naman akong handang pagsilbihan at pangalagaan ito. Pero mukhang, mas gusto pa niyang magpaalaga sa iba. Bagay na ikinasasama ng loob ko pero hindi naman ako mamapagreklamo. Lihim akong napangisi nang may tumawag dito at kinakailangan siya sa coffeeshop. Bagay na ipinagdidiwang ng loob ko na sa wakas ay aalis na rin ito. "I'm sorry Di, I have to go" pamamaalam pa nitong napahalik sa ulo ni Diane na nakahiga sa kama. "It's okay Inigo. Kaya ko naman ang sarili ko eh" umiling itong hinaplos pa ito sa ulong ikinakuyom ng kamao ko. "No, hwag mong pwersahin ang sarili mo Di. Isa pa, nandito naman ang kuya mo para maalalayan ka. Hwag matigas ang ulo hmmm?" malambing saad nitong ikinahinga ng malalim ni Diane at marahang tumango na lamang. Napangiti itong napahaplos muli sa ulo nito bago bumaling sa akin. "Ikaw na munang bahala sa kanya dude" tumango akong matamis itong nginitian. "Sure. Hwag mo ng alalahanin si Diane. Ako ng bahala, sa kapatid ko" may kadiinang saad ko na nilingon si Diane na napataas lang ng kilay at napangisi. "Thank you dude" tapik nito sa balikat kong ikinatango ko lang na hinatid ito sa may pinto. Pagkalabas nito ng silid ay napabuga ako ng hangin sa muling pagbilis ng t***k ng puso kong kaming dalawa na lamang ni Diane dito. "What?" taaskilay nitong tanong na pinaningkitan kong naupo sa gilid ng kama. "Saan ka galing ng dalawang linggo huh?" panenemon ko dito na pilit pina-normal ang itsura at tono kahit na may alam na ako kung sino ito. At anong profession. "Nanlalake bakit?" pabalang sagot nito. Napahinga ako ng malalim na napahilot ng sentido. Gusto ko lang naman maging open siya sa akin. Hindi naman niya ikakapahamal kung magsasabi siya ng mga bagay-bagay sa akin dahil wala naman akong planong ipagkalat ang mga sikreto nito. "Kinakausap kita ng maayos Di" ngumisi itong nakataas ang isang kilay. "Bilang kapatid?" makahulugang tanong nito. Napahinga ako ng malalim na yumuko ditong ikinamilog ng mga mata nito. "L-lumayo ka nga" Napangisi akong mas inilapit pa ang mukha ditong halos ikaduling na nito.at nagkakasagian na ang dulo ng aming ilong. "Ano mo ba ang Inigo na 'yon hmm?" napakurap-kurap itong ikinakastigo ko sa sarili na naisatinig ko ang tumatakbo sa isipan. Napahagikhik itong nagtaas ng kilay..Ramdam ko ang paggapang ng init sa mukha ko pero pilit kong nilabanan ang mga mata nitong matiim na nakatutok sa akin. "Baby ko..Bakit?" "Tinatanong kita ng maayos Diane" "Sinagot kita ng maayos.....Kuya" nagpantig ang panga kong ikinangisi nito. "Bakit? Nagseselos ka ba kay Inigo hmm....Kuya?" muling saad nito na pinagdidiinan talaga ang pagtawag sa akin ng kuya. "Oo nagseselos ako. At hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin kapag nasagad ako Di. At isang tawag mo pa sa akin ng kuya, hahalikan kita" banta kong napasulyap sa mga labi nitong napangisi. "Talaga sige nga kuy--uummpptt!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD