Chapter 15 Missing

1187 Words
Dionne: MATAPOS ANG KASAL nila daddy at tita Dianna ay lumipad ang mga ito sa Maldives kung saan sila magbabakasyon ng dalawang linggo! Hindi tuloy maiwasang magkailangan kami ni Diane na naiwan dito sa mansion. Kahit na may mga kasama kaming guards at katulong nila dito pagsapit naman ng gabi ay kami na lamang ni Diane ang tao sa loob ng mansion dahil may sariling tuluyan ang mga katulong sa likod nitong mansion na maid quarters nila. Palakad-lakad ako dito sa gawi ng veranda na may dalang beer. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Lalo na't hanggang ngayon hindi pa rin dumarating si Diane na kanina pa lumabas ng hindi nagpapaalam. Hindi pa naman nito sinasagot ang tawag kong ikinangingitngit ng loob ko! Ngayon pa lang ay nagiging pasaway na ito. Ibinilin pa naman ito sa akin ni tita Dianna na hwag kong pababayaan pero heto at maghahatinggabi na ay hindi pa ito umuuwi. Napapailing na lamang akong panay ang dungaw sa baba kung saan tanaw mula dito sa veranda ang mga nagkalat na guards sa babang palitang nagro-ronda sa bawat sulok nitong mansion. "Damn Di, where the hell are you?" tanong ko sa sarili na panay ang tungga sa beer ko. Nakakailang bote na ako pero heto at gising na gising pa rin ang diwa. Hindi makalma ang utak at puso ko kakaisip kung saan na naman kaya nagsususuot ang Diane na 'yon. Mag-uumaga na nang pumasok na ako ng silid ko. Mabibigat ang yabag na nagtungo ng kama at basta na lamang ibinagsak ang katawan. Umaasa na paggising ko ay nakauwi na rin si Diane. NAPABALIKWAS ako nang marinig ang pagtunog ng alarm clock ko. Pupungas-pungas akong napaupo at napapakusot ng mga mata kong mahapdi at inaantok pa. Pasado alasdose na ng tanghali. Kumakalam na rin ang sikmura kong wala pang pinapaloob na pagkain mula kagabi. Tinatamad akong bumangon ng kama at naligo saglit para maibsan ang hangover kong ikinakikirot ng ulo ko. Nang maalala si Diane ay mabilis ko ng tinapos ang pagligo ko at may pagmamadaling nagbihis bago nagtungo sa silid ni Diane. Napapasuklay ako ng buhok kong basang-basa pa at sunod-sunod na kinatok ang pinto ng silid nitong sarado. "Diane?" pagtawag ko ditong muling kinatok. "Diane?" "Ahm, señorito" natigilan ako sa akmang muling pagkatok nang may nagsalita mula sa likuran kong ikinapihit ko paharap dito. "Manang" pilit ang ngiting saad ko na mabungaran ang mayordoma ng mansion na 'to. Si manang Asuncion. Ngumiti din itong napahinga ng malalim. "Hindi pa nakakauwi si Diane señorito" magalang saad nito. "Ah, salamat po manang" alanganing sagot kong napatango-tango. Bagsak ang balikat kong bumaba ng dining room sa kaalamang hindi pa rin umuuwi si Diane. Napakatamlay at bigat tuloy lalo ng katawan ko at kahit anong sarap ng mga nakahaing pagkain sa akin ay wala akong kagana-gana at hindi manlang malasaan ang mga ito. LUMIPAS ANG isang linggo na wala itong paramdam. Bagay na ipinag-aalala ko at hindi na rin mapalagay! Ayoko namang mag-report sa pulisya dahil kilalang heredera si Diane at natatakot din akong baka makasama pa dito na maipaalam sa publikong nawawala ito. Hindi na ako nakapagpigil at isa-isang pinuntahan ang mga kaibigan nitong pawang mga wala ding alam kung nasaan si Diane. Kahit sa coffeeshop nito ay hindi rin daw siya nagagawi doon. Lalo akong nilulukob ng samo't-saring emosyon na hindi ko na mapangalanan pa! "Nasaan ka ba?" maluha-luha akong bagsak ang balikat na bumalik ng mansion. Isang linggo na siyang walang paramdam. Mabuti sana kung nagsabi manlang siya kung saan pupunta nang hindi naman ako mahibang-hibang dito na naghahanap sa kanya at gabi-gabing naghihintay ng pagdating niya. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa na pumasok ng mansion. Ramdam kong napapansin na rin ng mga tao dito sa mansion na hindi umuuwi ang anak ng amo nila pero nahihiya lang silang magtanong sa akin. Papasok na ako sa silid ko nang mahagip ng paningin ko na nakasiwang ang pinto ng silid ni Diane. Kumabog ang dibdib kong dahan-dahang lumapit dito at sumilip sa loob. "Di?" pagtawag kong tuluyang pumasok. "Di?" napapalinga ako dahil napakatahimik ng silid. "Señorito Alden" napapitlag ako sa biglaang pagsulpot ni manang Asuncion. Ang personal yaya ni Diane at mayordoma ng mansion na 'to. Napatuwid ako ng tayo na napatikhim. "Ahm, akala ko po kasi nagawi si Diane dito manang. Pasensiya na" napapakamot sa batok kong saad na ikinangiti at tango nitong matiim na nakatitig sa mga mata ko. "Nag-aalala ka sa kanya" napalunok akong pilit na ngumiti dito. Napaseryoso nito na matiim kung makatitig. Hindi ko tuloy mabasa ang mga tumatakbo sa isip. "Ahm, hindi ko na po kasi alam ang sasabihin kay tita kapag tumawag siyang muli at tanungin kung kumusta tayo dito manang" alibi kong ikinangiti at tango lang nito. "Alam mo si Diane" napatitig ako dito. Humawak ito sa kamay ko na iginiyang maupo sa sofa. Napahinga ito ng malalim na napalingon sa malaking portrait ni Diane sa taas ng headboard ng kama nito. Half body lang ang kuha nito sa larawan na may hawak na isang bouquet ng red roses. Nakapikit itong nakasamyo sa bulaklak na bahagyang nakangiti. "Napaka-responsableng bata 'yan. Kahit babae siya at slim ang pangangatawan? Walang binatbat ang mga bodyguard nito sa galing, liksi at lakas nito sa pakikipaglaban" natigilan akong napatitig dito. Nangilid ang luha nito na napaiwas na ng tingin sa portrait ni Diane at pilit na ngumiti. "Ano pong ibig niyong sabihin manang?" umiling itong pinipisil-pisil ang kamay ko. "Ang ibig kong sabihin señorito, hwag mo nang alalahanin ang kinakapatid mo. Hindi mo pa siya kilalang lubusan pero, kayang-kaya ni Diane.... protektahan ang sarili niya saan man siya magpunta" natulala akong napapatango na lamang sa sinaad nito. Lalo na't nakamata ito sa akin. "Napapansin ko kasing lagi mo siyang hinihintay señorito. Masasanay ka rin don. Pasaway talaga ang batang 'yon" natatawang saad nitong tinapik-tapik ako sa balikat na tumayo n. "Salamat po manang" ngumiti lang itong marahang tumango na lumabas na rin ng silid ni Diane. Napabuntong-hininga akong lumabas na rin ng silid nito. Kahit paano ay naibsan ang pag-aalala dito sa mga sinabi ni manang. "Sino ka ba talaga Di?" tanong ko sa sarili na pabagsak na humiga sa kama. Pakiramdam ko'y marami pa akong hindi alam dito na dapat kong malaman. Sa mga sinabi kanina ni manang Asuncion ay tila may laman ang mga 'yon. Bagay na gumugulo sa isipan ko ngayon at napapaisip kung ano ba ang mga tinatago nito. Bakit parang balewala lang kay manang na hindi nagpaparamdam si Diane? Ano bang ibig niyang sabihin na kayang-kaya nitong protektahan ang sarili kaya hwag na akong mag-alala? Napapahilot ako ng noo na matamang nakatitig sa kisame at inaalisa ang mga sinabi nito patungkol sa alaga. Kung susuruin ko kasi si Diane ay mahinhin itong kumilos. Na parang isang mahinang paslit na nangangailangan ng po-protekta dito. Napabuga ako ng hangin na pilit winawaglit ang mga katanungan sa isip ko patungkol sa pagkatao ni Diane. Mga katanungan....siya lang ang nakakaalam ng sagot. At 'yon ang kailangan kong alamin. Kung sino ba talaga siya, sa likod ng mahinhin, at maamo niyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD