Wren's point of view "STOP over there," sabi ko kay Sundy. Huminto sa paglalakad si Sundy, pero patuloy lang ako sa pagkuha "Look at the camera," utos ko kay Sundy. Naka-focus ang mata ko sa camera, at bawat galaw ko ay maingat. "Last pose and smile," sabi ko kay Sundy. Humarap s'ya sa akin at ginawa ang sinabi ko. "Perfect!" sigaw ko. Ni-review ko ang kuha ko. Tatlong take lang ito, pero nakuha na namin. Tinignan ko si Sundy na init na init na. Outdoor kasi kami ngayon. "Let's have water break," sabi ko kay Sundy. Halata sa mukha n'ya ang pagod dahil kanina ko s'ya pinapatakbo sa initan. Sumilong kami sa cottage. "I need water, please!" sigaw ni Sundy. Agad na kumilos ang mga kasama n'ya. Malapit ng mag-alas tres ng hapon at patapos na rin kami ngayon. Mayroon na