Lucas's point of view TUMINGIN ako sa paligid ko, inamoy ko ang sarili ko. "Maaga pa naman para matulog," clueless kong sabi sa sarili ko. Kakatukin ko pa sana ulit si Bella ng patayin nito ang ilaw ng bahay n'ya. "Gan'yan na ba kasama ugali mo?!" sigaw ko mula sa labas ng pinto ni Bella. Pinihit ko ang doorknob ni Bella, pero naka-lock na. Iniisip ko kung mayroon ba akong nagawang masama para paalisin. "Bella! Si Lucas ako!" sigaw ko. Baka hindi n'ya ako nakilala, pero malabo iyon. Sumisilip ako sa bintana, pero wala naman akong makita dahil madilim. "Kung gan'yan ka na lang din, sana tinapos mo na rin pagkakaibigan natin!" sigaw ko kay Bella. Bumukas ang isang bintana ni Bella kaya napangiti ako at tumakbo doon. Natigilan ako dahil ang suot n'yang night gown ay maluwa