Arabella's point of view "FVCK!" Nagising ako dahil sa isang sigaw. Tinignan ko ang paligid ko, at napabangon ako ng mapagtanto ko na kwarto ni Lucas ito. Design pa lang ay alam ko na. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon, para wala akong ganang bumangon. "Bella, paki bukas 'yung pinto," utos ni Lucas sa akin. Kahit na tamad na tamad akong bumangon ay pinilit ko na rin. Bakit n'ya ni-lock ang kwarto n'ya? Pagbukas ko ay nagmamadaling pumasok si Lucas. "Bakit ni-lock mo pa?" tanong ko kay Lucas. Naglakad ako pabalik sa kama n'ya. Sinundan ko s'ya ng tingin. Kumuha ito ng towel at underwear n'ya sa closet. "Baka mayroong mangyaring kakaiba, mahal ko pa naman buhay ko," nagmamadali n'yang sabi. Hindi na ako nakapagsalita dahil pumasok na s'ya sa loob ng bathroom. Muli akong h