Arabella's point of view HUMINTO kami sa tapat ng bahay ni Wren, pero una kong napansin ang isang kotse na puti. "Grabe, para akong magkakasakit pag nalalaman kong malapit ang boyfriend mo," reklamo ng lalaki sa katabi ko. "Kaninong kotse iyan?" taka kong tanong. Tinignan ko si Lucas na napatingin rin sa kotseng puti. Tumingin s'ya sa akin. "Aba malay ko, kita mong magkasama tayo," sagot ni Lucas. Bumaba ako sa kotse ni Lucas. Hindi ko maalis ang tingin sa puting kotse. Pagtingin ko sa bahay ni Wren ay bukas ang pinto. "Mayroon kaya s'yang bisita?" tanong ko sa sarili ko. "Kailangan ko bang ulitin, hindi ko alam, dahil tayo ang magkasama," reklamo ni Lucas. "Hindi naman ikaw ang tinatanong ko," sabi ko sa kan'ya. "Eh, sino kinakausap mo?" tanong pa sa akin ni Lucas Na