Arabella's point of view "BAKIT pumayag kang magpakasal kay Kuya Lucas?" tanong ng kapatid kong si Kervin. Tinignan ko ang first year college kong kapatid. Madalang akong umuwi sa bahay namin dito sa Bulacan kaya sobrang laki na pala ng kapatid ko, matangkad pa sa akin. "Kasi gusto ko," sagot ko lang sa kaniya. Nag-aayos kami ng pagkain dahil dadating ang Family Austria dito sa bahay. "Ano ka ba, Kervin. Mas okay na kay Lucas mapunta si Arabella, mabait naman na lalaki iyon," sabi ni Ate Rose na kumakain ng ubas. Tinignan ko si Ate na kinindatan pa ako para ipaalam na suportado n'ya. Wala silang alam sa lahat, ang alam lang nila ay sinabi ko na boyfriend ko si Lucas ng isang taon. Sinabi ko kay Lucas iyon, at pumayag naman s'ya. "Civil Engineering din kukuhanin sa college e