Arabella's point of view "DALAWANG taon, tatlong buwan, dalawang linggo, apat na araw simula ng mawala ka sa akin," bigkas ko. Napalunok ako, pinagdikit ko ang dalawa kong tuhod, niyakap ko ang binti ko, at pinagdikit ang dalawa kong kamay. Huminga ako ng malalim, pinagmasdan ang payapang lugar. Umangat ang tingin ko sa langit na nagbabadya ang ulan dahil sa malakas na hangin at madilim na kalangitan. Bago pa tumulo ang ulan ay una nang tumulo ang luha ko. Napakagat labi ako dahil gusto ko ang pigilan ang pagtulo nito. "Sinusubukan ko pa ring matulog ng madalas, nagbabaka sakali na magkita ulit tayo doon," kwento ko kay Wren. Pinunasan ko ang luhang tanging sakit ang sinisimbolo. Tinignan ko ang lapida ni Wren at lalong tumulo ang luha ko. "Nangako ako na magiging malakas ako, pero