Arabella's point of view NAALIPUNGATAN ako ng mayroon akong narinig ng ingay. Hindi ko alam kung saan ng gagaling iyon, pero napakunot ang noo ko ng mayroon akong hawak na kamay. Wala pa ako sa wisyo ko ng biglang mayroong nagsidatingan na mga nakaputi na tao. Wala akong idea sa paligid, pero sobra akong naguguluhan ng makita si Wren na nakahiga sa hospital bed. Dahil sa gulat ko ay agad akong napatayo. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon, takot at lito. Para akong bata na nawawala. Tinignan ko ang kamay ko ng maghiwalay iyon sa kamay ni Wren. Mayroong humila sa akin papalayo kay Wren, pero ang tingin ko ay nasa kan'ya. Anong ginagawa n'ya d'yan? Bakit nakahiga pa rin si Wren? "W-wren..." naguguluhan kong tawag kay Wren. "B-bakit? A-anong nangyayari?" Napatingin ako s