Tulad ng pangako ko kay Kaden ay nagtungo ako sa paggaganapan ng kanyang basketball tournament. At karamihan sa mga naririto ay kanyang fans kaya nang makita nila ako ay agad na nakatanggap ako ng matatalim na tingin. Binilisan ko na lamang ang aking lakad bago maisipan nilang kuyugin akong lahat. "Sachi!" Pagtawag sa akin at paglingon ko ay nakita ko sa hindi kalayuan si Jerron kasama ang nakabusangot na si Hannah. Hinila naman ni Jerron palapit sa akin ang kanyang kasama na si Hannah na halatang hindi gustong mapalapit sa akin. "Nandito ka ba para suportahan si Kaden?" Pagtatanong niya sa akin. "Parang ganun na nga..."Nahihiyang pag-amin ko at hindi maiwasang mapatingin kay Hannah. Inilibot ni Jerron ang tingin sa paligid. "Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang iyong mga kaibigan?" Ta