Nuptial 17

2000 Words

Hindi ako nakatulog buong gabi. Mabigat ang aking loob sa ginawa ko kay Kaden. Dalawang beses ko siya pinaiyak kahit lubusan lang niya ako minamahal. Napag-desisyunan ko na kagabi na pagbibigyan ko na ang hinihinging chance ni Kaden at aking sarili na mahalin siya. Kailangan ko alisin ang linya sa pagitan naming dalawa na ako mismo ang gumagawa. Wala naman masama kung susubukan ko dahil kasal na kaming dalawa. Humugot ako ng malalim na hininga bago bumaba para mag-agahan. Hindi ko inaasahan na maagang gumising si Kaden at nasa harapan na ng hapag-kainan. "Good morning, Sachi." Nakangiting bungad niya sa akin na tila walang nangyari. Nakangiti namang nakatingin sa amin si Manang Lina. "Naku hija, maupo ka na at maagang gumising itong alaga ko para ipagluto ka." Kinikilig na sabi niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD