"Wow Sachi! Ang ganda ganda mo!" Puri sa akin ni Tita Yani pagkatapos akong ayusan ng mga make up artist na pinapunta niya sa bahay. "Salamat po Tita." Mahinang hinampas ako ni Tita Yani sa balikat. "Bakit Tita pa rin ang tawag mo sa akin? Nanay ako ng asawa mo kaya dapat mama na rin ang itawag mo sa akin." Nakangusong sambit niya. Nahihiya ako napatingin sa kanya. "Yani, you are forcing her again." Iiling iling na sabi ni Tito Greg. "Let her do that in her own steps." Ngumiti ako sa kanila. Hindi nagtagal ay lumapit sa amin si Kaden na suot na ang kanyang black suit at nakafully brush off ang bawat hibla ng buhok. Kitang kita tuloy ang buong kagwapuhan ng kanyang mukha. Mukhang magwawala lahat ng mga fan niya kapag nakita siya. Tulad ko ay pinasadahan rin ni Kaden ang aking kabuuan.